Chapter 6
Nasa harap na si Andrea sa pintuan ng condo unit ni Alex. Halos limang minuto na siyang nakatayo doon pero hindi pa siya kumakatok. Pilit pa rin niya kinakalma ang dibdib. Panu ba naman kasi kanina pa ng pakiusapan siya ni Mel na puntahan si Alex dahil may sakit ito, eh hindi na naging normal ang kabog ng dibdib niya. Ilang araw din niya itong hindi nakikita. Hindi rin ito ng attend sa tatlong event na inorganize ng hotel kahit invited ito. Aminin man niya o hindi she kinda miss him. She shook her head to clear her mind and focus sa objective ng pagpunta dito. Yan ang pagtupad sa hininging pabor ni Mel.
She took a deep breath before pressing the door bell. Nakatatlong pindot na siya pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Naalala niya ang sinabi Mel.,
" Pag wala pa rin nagbukas after ng 3rd bell, gamitin mo na lang tong card para makapasok." sabi nh Mel sabay abot sa kanya ng key card. Pareho sila ni Alex na merong key card. Tumutuloy din kasi siya minsan doon sa unit nito.
Nang mabuksan na niya ang pinto ay dahan dahan niya itong binuksan. Punong puno ng magagarang gamit ang buong kapaligiran. Mostly black and white ang color ng mga furnitures. Very manly.
Habang nililibot niya ang kanyang mga mata sa paligid ay biglang may narinig siya mahinang ungol. Sinundan niya ito, nakita niya ang isang bahagya nakabukas na pinto nang tuluyan niyang buksan ito, nakita niya si Alex na nakahiga sa kama. Umuungol at pinagpapawisan. Agad siyang lumapit dito at hinawakan ang noo nito.
" Oh my god, ang init mo," napuno ng pag alala ang kanyang dibdib ng makita ito. Namumula ang mukha nito dahil sa lagnat.
" Alex, anong masakit sayo?" niyugyog niya ng bahagya ang balikat nito. Pero puro ungol ang narinig niyang sagot mula dito.
" Alex? Alex?., Alex! Medyo ibinuka nito ng konti ang kanyang mata. Tumingin ito sa kanya.
" Andrea,? Andrea?., anung. ginagawa mo dito". He said in a strained voice. Tila may sore throat at ubo pa ito.
" Pinapunta ako ni Mel, masama ang pakiramdam niya kaya ako pinapunta niya dito."
" Bakit anung nangyari sa kanya?ok lang ba siya?"
" Nahìhilo daw siya at sabi dahil sa pagbubuntis niya. Andun naman si Cedric para alagaan siya."
"Mabuti naman. At ikaw... nandito ka ba para alagaan ako."
" Ah ,eh para ganun na nga. Pinakiusapan ako ni Mel."
" I'm sorry pati ikaw naabala pa.. "
" Ok lang. Wala naman akong ginagawa. So, ok lang kung... alagaan kita." Saglit na nagkakatitigan sila. Si Andrea na ang unang umiwas dito." Ah, nakainom ka na ba ng gamot?"
" Yes. Kakainom ko lang." sabi ni Alex sabay ubo. Hindi napigilan ni Andrea na himas himasin ang likod ni Alex habang umuubo ito. Tumitig ulit ito sa kanya. Nang marealize niyang she was touching him, bigla niyang tinanggal ang kamay niya sa likod nito." Ah, kailangan bumaba ang lagnat mo. Kukuha lang ako ng pang punas." Tumayo si Andrea mula sa kama at pumunta sa kusina. Naghanap siya ng gagamitin para sa sponge bath. Pagbalik niya sa kwarto ni Alex, nakita niyang nakahiga na ulit ito at nakapikit. Lumapit siya dito at mahinang niyugyog ang balikat nito. " Hmmmm.," bahagya itong dumilat at tumingin sa kanya." Kailangan kong punasan ang katawan mo, para bumaba ang lagnat mo."
" You'll do that? Mahina nitong tanong na tila hindi makapaniwala sa sinabi niya. Tumango lang si Andrea dito.
Feeling ni Alex nanaginip siya. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng laman ng isip niya araw at gabi ay ngayon nasa tabi niya at inaalagaan siya." This must be a beautiful dream." Alex said when he felt the warm wet cloth in her forehead. The corner of his mouth lifted up into a smile. Napahinto sa pagpunas si Andrea sa noo ni Alex nang marinig ang sinabi nito. He was talking like he was visually hallucinating marahil sa tindi ng lagnat nito. Pero ang nakita niyang ngiti ni Alex nagpagulat sa kanya. First time nitong ngumiti sa kanya. Kaya naman lalo itong gumwapo sa tingin niya. Lalo pa't napagmamasdan niya itong nang malapitan. Ignoring the strong beat of her heart nagpatuloy siya pagpunas dito. Iniiwasan din niyang tingnan ang mga mata at labi baka kasi mawala na naman siya sa katinuan. Napapikit si Alex at napaungol ng punusan niya ito sa may leeg.
BINABASA MO ANG
IF THIS ISN'T LOVE
RomanceShe's a beautiful, independent and tough woman. Ulila na siya at tanging nag - iisang kaibigan ang tinuturing niyang parang kadugo na. She doesn't believe in love and not into commitment or having relationship with the opposite sex. Para sa kanya hi...