Author's note:
Hi readers!
Sa wakas eto na po ang Chpater 12. Pasensya na if matagal at salamat sa paghihintay.
Pagsensyahan niyo na if may maling spelling, grammar at kung ano pa mang kamalian.:D
Sana magustuhan niyo ang Chapter na ito.
Happy reading!
IamDanee
Chapter 12
Madaling araw na, pero nanatiling gising pa rin si Andrea. Halos isang oras na siyang dilat matapos magising sa isang panaginip. Laman ng panaginip niya ang isang eksena nung bata pa siya na gusto na niyang kalimutan. Pero unfornutely hindi na nga yata niya makalimutan ang pangyayaring iyun. Ngunit nitong mga huling araw, himalang hindi ito sumasagi sa isip niya dahil okupado nito si Alex.
Sampung taon siya noon ,kauuwi lang niya sa school nang makita ang Daddy niya na lumabas sa kwarto nito na may dalang maleta. Napahinto ito nang makita siya.
" Daddy? San po kayo pupunta?" tanong ni Andrea.
Kahit nasa murang edad siya alam niyang may pinagdadaanang problema ang mommy at daddy niya. Kung pagbabasihan ang sigawan nila tuwing gabi, ang pag iyak ng mommy niya pag wala ito alam niyang hindi simpleng problema mag asawa ang meron sila kundi mas malalim pa. Madalas niyang makita ang eksenang ito sa pinapanuod na teleserye ng Anti Mary niya, kaya may ideya siya sa mga nangyayari.
Lumapit ang daddy niya, magkahalong lungkot, paghihinayang at iba pang emosyon ang nakita niya.
" Anak, I'm sorry. Gusto kung isama ka pero hindi pwede. Aalis na ang daddy. Magpapakabait ka. Hwag mung iiwan ang mommy. Alagaan mo siya." basag ang boses nito habang nagsasalita.
"Daddy, ano pong nangyayari? Iiwan mo na po ba kami ni mommy?" hindi na mapigil ng batang Andrea ang mga luha na bumabagsak sa pisngi niya.
" I'm sorry, baby,." sabi nito habang niyayakap siya.
" Andrea!" narinig niyang tawag ng mommy niya. Hinila siya nito palayo sa daddy niya.
" Umalis ka na, Carlos." mariing sabi ng mommy niya. Wala na sa mga mata nito ang dating pagmamahal meron para sa kanyang ama. Galit ang nakikita niya dito.
" Daddy ! Daddy! Hwag kayong umalis! Pease!" mangiyakngiyak na tawag ni Andrea sa ama habang paalis ito. Gusto niyang habulin ito pero mahigpit siya hinahawakan ng mommy niya.
" Pabayaan mo na siya Andrea. Mula ngayon, hindi muna siya daddy. Tayong dalawa na lang ang magkasama wala ng daddy."
Napabangon si Andrea sa kama, pilit binubura ang masamang alaalang iyun sa kanyang isipan.
Nakaraan na ang mga iyun, hindi ko na dapat isipin yun. Paalala niya sa sarili.
Kinuha niya ang cellphone tinawagan ang isang tao na siyang nagpapagaan ng loob niya sa kasalukuyan.
Gising pa kaya si Alex?Sinubukan niyang idial ang number nito, natapos ang dalawang ring ay agad naman niya itong pinundot ang end call.
BINABASA MO ANG
IF THIS ISN'T LOVE
RomanceShe's a beautiful, independent and tough woman. Ulila na siya at tanging nag - iisang kaibigan ang tinuturing niyang parang kadugo na. She doesn't believe in love and not into commitment or having relationship with the opposite sex. Para sa kanya hi...