Chapter 7
" Heygirl!" bati ni Mitch kay Andrea. "HI!". Si Andrea.
" So kumusta ang weekend mo?" tanong ni Mitch sa kanya. Nasa canteen sila at kasalukuyang kumakain. " Ok lang. Nagpahinga lang ako sa bahay". Hindi na niya sinabi dito ang tungkol sa pagpunta niya sa unit ni Alex.
" Talaga? Sa bahay ka lang? Ang boring nun ha."sabi ni Mitch sabay subo ng french fries.
"EH, Ikaw may exciting kang ginawa,?"
"Yes! Yes!" naeexcite na sagot ni Mitch. Nagliliwanag ang mga mata nito sa kasihayan.
" Ano naman ang ginawa at parang bumbilya ng ilaw yang mga mata mo sa kasiyahan?
" Guess what?
"Hindi ako manghuhula, kaya sabihin mo na."
" Eto naman o, kj, hulaan mo muna kasi." Andrea rolled her eyes sa kakulitan ni Mitch.
" Binisita mo pamangkin mo.?"
" Nice try."
" Pumunta ka sa perya ng paturo kung panu kumain ng buhay na manok." pang aasar niya dito.
" Ano ba naman yang pinagsasab moi. Hindi noh."
" Eh ano? May guess what guess what ka pa jan, hindi mo pa ko diretsuhin."
" Haist.. Ok fine. Sasabihin ko na." Huminga muna ito ng malalim bago ng salita. " Nakita ko na yata ang soulmate ko." Tumingin lang si Andrea sa kanya." Eh anu namang exciting dun. Eh, sinabi mo din yan yang pag iilusyon mo dati, wala namang nangyari."
"Maniwala ka this time, totoong totoo na. Natagpuan ko na talaga siya."
Fine. Sasakyan ko na lang tong trip ng babaeng to.
" Talaga lang ha? Saan mo naman nakita itong soulmate mong to?"
" Remember yung party nag pagpakilala sa bagong Ceo? Dun ko siya nakilala." Alam mo ba ang gwapo gwapo niya at ang macho macho pa. Hindi lang yun napakayaman pa. Bussinessman siya sa Europe." Parang pamilyar kay Andrea ang tinutukoy nito. Pero hindi lang niya mahalungkat sa utak niya kung sino.
" Kinuha niya yung number ko sa party. Pero hindi ko binigay kaagad, nagpakipot muna ako. After ilang araw tinawagan niya ako, akala ko nga hindi na siya tatawag eh, pero ayun nung saturday tumawag siya at ininvite ako mag dinner."
"Nakipagdate ka sa kanya?"
"Oo. Hindi na ako nagpakipot pa. Eh, gusto kung kilalanin siya."
" Tapos ano pang ginawa niyo?"
" Alam ko kung anu iniisip mo, hindi namin ginawa yun noh,. Hindi yata ako easy to get."
" Mabuti kung ganun. Mag ingat ka jan. Hwag ka masyadong magtiwala, baka mamaya rapist o di kaya isang abusive yan."
" Hwag kang mag alala my friend were taking one step at a time. At saka mabait naman siya."
" Naku, ganyan ang mga lalaki sa una, pag nagsawa na sila ay nag iiba ang trato sa mga babae."
" Grabe to, parang may pinaghuhugutan ka ah."
BINABASA MO ANG
IF THIS ISN'T LOVE
RomanceShe's a beautiful, independent and tough woman. Ulila na siya at tanging nag - iisang kaibigan ang tinuturing niyang parang kadugo na. She doesn't believe in love and not into commitment or having relationship with the opposite sex. Para sa kanya hi...