Chapter 8

88 0 2
                                    

Chapter 8

Sa sumunod na mga araw ay hindi nagkita sina Alex at Andrea. Kahit sa mga party na inorganize nina Andrea ay hindi nito nakita si Alex. Sabi  ni Mel, may out of town bussiness trip ito. Ganun pa man palagi itong tumatawag sa kanya pero hindi niya sinasagot. Nagpalit na rin siya ng number para hindi na siya makontak nito. Desidido na kasi siyang iwasan ito matapos ng ipinagtapat nito sa kanya na may gusto  ito sa kanya. Baka kasi pag hindi pa siya lumayo, ay bumigay na siya dito na siyang hindi dapat at kinakatakutan niya. 

---

Sa kalagitnaan ng masarap na tulog ni Andrea ay may ingay na sumisingit sa utak niya. Medyo nakakairita ang tunog na umiistorbo sa pagtulog niya. Sabado ngayon at wala siyang trabaho kaya napasarap ang tulog niya. Nang hindi pa rin huminto ang ingay tulayan na siyang nagising. Narinig  niyang may kumakatok sa pinto niya. Naiinis man ay bumangon siya ng tuluyan at pupungas pungas na bumaba. Nang buksan niya ang pinto at nakita ang bisita ay biglang nawala ang naramdaman niyang antok.

" Hi." Isang matamis na ngiti ay binigay ni Alex nang pagbuksan siya ni Andrea. Sabik na sabik  siyang makita ito at kahit medyo naiinis siya dahil hindi nito pinapansin ang mga tawag niya at parang nagpalit pa yata eto ng number nang mag out of coverage area nitong huling dial niya.

" Anong ginagawa mo dito?" Tinarayan ni Andrea ang boses para matabunan ang pananabik na nadarama niya nang muli itong magpakita sa kanya.

" Goodmorning to you too." nakangiting pa ring sagot ni Alex sabay pasok sa loob ng bahay niya. 

" Teka, hindi kita ininvite na pumasok." nakapamaywang na sabi ni Andrea.

" I invited myself." cool na cool  na sabi ni Alex habang nakaupo sa sofa nito.

" Ano bang gingawa mo dito?"

"Hindi mo man lang ba ako aalukin ng inumin? OK na sa akin  ang coffee."

Abah!ang lakas na apog. Magkaibigan nga kayo ni Xander.

" Sabihin mo na sa akin kung ano ang kailangan mo para makaalis ka na." pagtataray ni Andrea.

"Pinasusundo ka ni Mel. Ngayon ang first and last wedding rehearsal."

" Oh!shoot nakalimutan ko." Mabilis siyang umakyat sa hagdan, napahinto siya at tiningnan si Alex." Pwede ka nang umalis. Kaya ko nang pumunta sa simbahan ng mag isa."

" I'll wait here."

" Hindi--

" I said  i will wait for you here." maawtoridad nitong sabi. Napa buntong hininga na lang si Andrea nang parang hindi na niya mababali pa ang sinabi nito.

Ang kulit! Nainis na pumasok siya sa kwarto niya.

--

 Ilang minuto na silang nakaalis sa bahay ni Andrea pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. Inihinto ni Alex ang sasakyan nang umilaw ang red traffic light.

" Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Did you change your number? Bakit out of coverage area na ang phone mo?" sunod  sunod na tanong nito.

" Ha? Ikaw ba ang tumatawag?Akala ko prank caller lang, hindi kasi nakaregisterd ang number kaya hindi ko na sinagot." paenosente niyang sabi. "At saka bakit mo ba ako tinatawagan? Hindi mo naman ako secretary at hindi din tayo close." she added without looking at him. Nakatingin siya labas ng bintana habang kausap ito. Alam niyang kabastusan, pero kelangan niyang ipakita dito na hindi siya interesadong kausap ito para maturn off ito at tumigil na sa kakulitan.Tahimik lang si Alex. Nagsimula na itong mag drive nang umilaw ang green light.

IF THIS ISN'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon