Chapter 10
Sa mga sumunod na araw pakiramdam ni Andrea ay para siyang nakalutang sa ulap. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga ipinapakitang interest sa kanya ni Alex. Ganun pa man nagbibigay ito ng kakaibang sigla sa bawat araw niya. Palagi itong tumatawag at nag tetxt sa kanya at minsan naman sabay silang ng lalunch at nag didinner. Nung una siya nitong imbitihan para kumain sa labas, medyo ng dalawang isip siya para kasing alangan siyang makita silang dalawa ng mga tao.
" Sigurado ka bang ok lang sayo makita tayo ng mga tao magkasama.?" tanung ni Andrea kay Alex.
" Ano naman kung magkasama tayo?"kunut noong tanong ni Alex."
" Eh kasi Alex iniisip ko na baka makita tayo ng mga kaibigan o kakilala mo, ano na lang isipin nila pagnakita nilang ang kasama mo ay isang puritang babaeng katulad ko." sabi ni Andrea. Bigla kasi niyang naalala ang mga dating dinedate ni Alex at bigla siyang inatake ng" insecurity syndrome." Ayoköng mapahiya ka sa kanila."
Naalala niya kung gaano siya inasure ni Alex na hindi mangyayari iyun. Na wala siyang pakialam sa kung anu man sasabihin sa kanya ng kanyang kaibigan o kakilala. " Unless kung may masasabi silang ikakasama ng loob mo, hindi ako magdadalawang isip na putulin kung anu mang pagkakaibigan meron kami." sabi nito. " And please don't talk about yourself na parang bang ang baba baba ng tingin mo sa sarili mo, your beautiful, smart, you make me laugh, your very hardworking and a very strong woman, sabihin mo sa akin kung paano ako mapapahiya kung ganun klaseng babae ang kasama ko?." Kung merun mang magiging reaksyon ang mga taong makakakita sa akin yun ay mainggit sila sa akin dahil kasama kita." nakangiting sabi nito. Syempre abot langit ang kilig niya nang marinig iyun.
Minsan nang akma na naman siyang halikan ni Alex sinabi niya dito na wala pa itong karapatan gawim iyun sa kanya dahil hindi pa sila officially together.
"But you let me kiss you before?" sabi ni Alex.
" Noon yun. Iba na ngayon. At isa pa ikaw naman yung biglang nanghahalik eh."namumulang sabi Ni Andrea.
"Tama ka. Wala pa akung karapatan. I'm sorry, hindi ko dapat ginawa yun. But can you blame me? Your lips is just so inviting at tempting. I can't help it."
" Tigilan mo nga yang sinasabi mo.!" saway ni Andrea sa kanya. Natawa naman si Alex dito lalo nang makita nitong parang pulang kamatis na ang pisngi nito.
Halos perfect na ang lahat para sa kanila. Until..,
Lunes nun at namimili sina Mitch at Andrea nang masusuot sa darating na event sa hotel. Matapos nilang makapamili ay nagdecide silang magdinner sa isang fastfood.
Kasalukuyan silang nakapila para umorder nang makakain nang biglang may mapatingin si Andrea sa kalapit na coffee shop ng fastfood. She saw someone so familiar to him. Nakatalikod ang tinitingnan niya na kasalukuyang umuorder sa counter ng coffee shop. Biglang huminto ang tibok ng puso niya nang humarap ito. Napangiti siya at kumaway dito pero hindi siya nito napansin. Nawala ang ngiti niya nang biglang lumapit ito sa isang mesa kung saan naroon ang isang maganda at seksing babae. Isang uri ng babae na siyang dapat dinedate ni Alex. Bigla siya inatake nang matinding selos. Lalo nang makitang nang ngingitian at nagtatawanan ang dalawa, na para bang ang tagal na nilang magkakilala.
Sabay sana silang magdidiner pero sinabi sa kanya ni Alex na may i memeet siyang importanteng tao. Inisip niya na baka kaibigang negosyante. Pero sa nakikita niya ngayon, parang malayo sa pagiging magkakilala sa negosyo ang dalawa. Naisip niya tuloy na hindi genuine ang ipinapakita ni Alex sa kanya. Ipinaramdam sa kanya ni Alex na parang siya lang ang babae laman ng isip niya palagi. Pero bakit ngayon may kasama itong iba. Pakiramdam niya parang may nakabaon na kutsilyo sa dibdib. Biglang nanghina ang tuhod niya at tila maiiyak siya nang maisip na pinaglalaruan lang siya ni Alex.
BINABASA MO ANG
IF THIS ISN'T LOVE
RomanceShe's a beautiful, independent and tough woman. Ulila na siya at tanging nag - iisang kaibigan ang tinuturing niyang parang kadugo na. She doesn't believe in love and not into commitment or having relationship with the opposite sex. Para sa kanya hi...