Chapter 3

116 0 0
                                    

Chapter 3

 

“ Good morning po, Maam Yvone”…bati ni Andrea sa 30 anyos niyang boss sa restaurant.

Halos mag dadalawang taon na siyang nagtatrabaho dito mula nang makagraduate siya sa HRM. Dito na rin niyang nakilala si Mel nang minsang kumain ito dito at nang maisuli niya ang naiwn nitong gamit sa restaurant.

 

“ Good morning din, Andi”. “ Pinapunta kita dito kasi may sasabihin ako saying importante..”

“ Tungkol po saan maam.”..Medyo kinakabahan siya sa kung ano man ang sasabihin nito. Ilang lingo na rin usap usapan ang mahinang income nang restaurant at may narinig din siya sa mga kasamahan niya na baka daw magsara na ang resto. Hwag muna sana

“ Sa palagay koy nakarating na sayo ang tungkol sa balitang hindi maganda nag takbo nag resto.”…

“ Ahh, may naririnig po ako…”

“Tama ang mga naririnig mo.. hindi ko na kayang patakbuhin pa ito.. isasara ko na ang restaurant..”malungkot na sabi nito..”I’m sorry pero kailangan mo nang maghanap ng ibang trabaho..”

 

Biglang bumigat ang pakiramdam ni Andrea sa naririnig. Nalungkot sa binalita nito, ngayon isang malaking problema ang kakaharapin niya. Halos paubos na ang pundo niya sa banko, at alam niyang hindi madaling maghanap ng trabahong sa panahon ngayon.

 

 

Biglang nakaramdam ng gutom si Andrea nang mapadaan siya sa isang karinderya at naamoy ang masasarap na ulam sa loob ng kainan. Maaga siyang umalis sa bahay at hindi na nag almusal para simulan ang  3rd day job hunting niya. Bigla siyang napahinto sa paglalakad ng mag ring ang 2600 niyang cellphone. Bigla siyang natuwa nang makita ang caller id. Si Mel ang tumatawag. Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas nang dalhin siya sa ospital at malaman nang pamilya niyang buntis siya. Nung una’y nagalit ang mga magulang niya at disappointed sa kanya pero ang kuya niya ang kumausap dito at nagging maayos na rin ang lahat. Ang hindi niya alam ngayon ay kung ayos na rin ba ang tungkol sa kanila ni Cedric.

 

“ Hello..Mel…kumusta?..

“ Andi,! Hay sa wakas na contact din kita..Palagi kung dinadial phone mo, puro out of coverage area..”

“ Naku, sorry Andi, medyo sirain na ito cellphone ko, palaging na o off bigla”…

“ Tanggapin mo na kasi itong lumang phone, wala na mang gumagamit eh”..

“Salamat pero , hwag na, okay pa naman to..”Tanggi ni Andrea dito. Palagi na lang niyang tintanggihan ang mga gamit na bibinibigay sa kanya ni Mel lalo nang mamahalin. Pero minsan may iilang gamit na ipinipilit nito sa kanya na hindi na niyang kaya pang tanggihan, pero pang nagkapera siya ay binabayaran niya ito kahit kalahati ng orihinal na presyo. Ganun siya. Hindi siya sanay na binibigyan nang mga mamahalin at magagarang bagay kahit pa itoy galing sa kaibigan. Sanay siyang pinaghihirapan ang lahat ng bagay.

 

“ Hay naku, Andi ikaw talaga…okay okay hindi ko na ipiplit ngayon to..busy ka ba ngayon?”

“Hindi naman. masyado.bakit?”

“ Sabayan mo akung mag lunch ..may sasabihin ako sayo”.

IF THIS ISN'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon