Wala Na

1.6K 42 4
                                    

Lumipas ang ilang taon naging masaya ang pamilya Viceral. May mga dumaan mang problema eh, mas nagpatibay pa sa kanila.

Ngayon ay ipag diriwang ang 7th Birthday ni AJ. Simpleng birthday party ang mangyayari sa clubhouse ng kanilang village na may theme na 'Praybeyt Benjamin' na paboritong paborito ng kanilang bunso.

Nag aayos na man na ang pamilya Viceral siyempre lahat Camouflage. Pwera lang kay K dahil asawa daw siya ng mafia. Chos.

"Arie, Amy, Aj let's go na!" Sigaw ni Vice na naka Praybeyt Benjamin opkurs.

Isa isa namang nag sibaba ang kanyang mga anak, Arie bilang kikay ay naka dress na camouflage katulad ng kanyang mommy. Siyempre parehas ng outfit si Vice at AJ. Si Amy??

"Anak, Amy bakit di mo sinuot yung dress mo? Diba we all have the same dress?" Tanong ni K kay Amy.

"Eh kasi Mommy mas comfortable ako dito eh... at saka you know me mom, i dont wear skirts or dress..." nahihiyang sabi ni Amy.

"Ay patay mukhang may Panying Jr. Ako..." natatawang sabi ni Vice.

Ano nga bang suot ni Amy? Naka sando itong gray at longsleeve na camo, black pants at camo na Dr. Martens. Samahan pa ng Army Cap. Confirmed.

"Hay nako hayaan na natin, tara na we dont want to be late for our little boy's birthday!" Sabi ni Vice saka lumabas ng bahay at umalis.

*****

Napuno ng masasayang games, magic shows at tawanan ang party ni AJ. Siyempre nag enjoy ang kanilang bunso dahil kahit simple ay ginawa nilang extraordinary.

Nag liligpit na sila ng makaramdam si K ng bahagyang pagkahilo kaya napaupo muna siya sa may table.

"Oh K, are you okay?" Tanong ng Mama Zsazsa niya.

"Wala ma, siguro pagod la---"

Di naman natapos ang sinasabi ni K dahil napatakbo ito sa CR. Sinundan naman siya ni Vice dahil sa pag aalala.

"Bhe? Anyare? Okay ka lang?" Tanong ni Vice kay K habang pinupunasan ang mukha ng kanyang Asawa.

"Ano ba?" Natatawang sabi ni K.

"Ha? Anong ano ba?" Nagtatakang tanong ni Vice.

"Tinago mo pills ko diba? Ilang gabi tayong nag ano. Oh ano?" Natatawang sabi parin ni K

"Eh kasi masama mag pill--- AY PUTA NAGETS KO NA BUNTIS KA??? OO BUNTIS KA! WOOOOOOOOOH!" Sabi ni Vice sabay kumaripas palabas ng CR at nag susuntok sa hangin

"Nay! Ma! Arie, Amy, Aj may good news kami!" Excited na sabi ni Vice

"Ano ba yan anak huminahon ka nga" tawang sabi ni Nanay Rosario.

"Mukhang alam ko na ah." Sabay na sabi ni Arie at Amy.

"BUNTIS SI K!!!"

*****
"Beh di na tayo nakakapag date. Date naman tayo oh." Malambing na sabi ni Vice kay K.

"Saan naman tayo mag de date?" Nakangiting sabi ni K.

"Yung dati nating ginagawa, nood ng movie tapos lakad lakad. Ganern" sagot ni Vice.

"Sige, ligo lang ako." Sabi ni K sabay tayo.

"Ay tara sabay tayo beh para tipid sa tubig!" Nakangising sabi ni Vice.

"Che!" Natatawang sabi ni K kay Vice.

Chances•Choices•Changes || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon