𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚

68 6 3
                                    

𝐃𝐞𝐬𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧

· • • • ✴ • • • · ·


❝𝑀𝑎𝑦 𝑚𝑔𝑎 𝑡𝑎𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑢𝑚𝑎𝑘𝑎𝑙𝑎𝑚 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑘𝑚𝑢𝑟𝑎, 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦 𝑠𝑎 𝑔𝑢𝑡𝑜𝑚, ℎ𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑢𝑠𝑢𝑏𝑜 𝑎𝑡 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑝𝑎𝑘𝑖𝑛𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑜'𝑦 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑤 𝑔𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎❞




°•⚜•°

Napa-takip siya sa bibig at agad lumapit sa lalaking iyon upang kuhanin ang salaping hinahanap na nakasik-sik sa gilid at dulo ng kaniyang damit ngunit halos mapatalon siya sa gulat nang gumalaw ang braso nito dahilan upang madaganan nito muli ang salapi at tumambad ang halos hindi makilala niyang mukha dahil sa galos at dumi.

"Señorita!" muling tawag ni Adelina at napalingon sa mga guardia sibil ngunit napatitig lang si Katrina sa mukha ng lalaki. Doon lamang siya nagising sa katotohanan na katawan ng isang tao ang nasa harapan niya ngayon!

Patay ba?! Sana naman ay hindi ito bangkay at mumultihin ako sa tuwing sasapit ang alas tres ng madaling araw!

Sinampal ni Katrina ang sarili at nang bumalik siya sa reyalidad ay agad niyang kinapa ang pulso ng lalaki sa leeg at palapulsuhan.

"Señorita—"

"Adel, bumaba ka rito! " natatarantang sigaw ni Katrina. "Tulungan mo ako!" sigaw niya pa dahilan para agad kumaripas ng takbo pababa si Adel.

"Anong nangyari—Anong?!" Napatakip siya sa bibig.

"May pulso pa siya, kailangan natin siyang idala sa Ospital ngayon din!" anito sabay tingin kay Adelina.

"Ngunit señora! Paano natin iyan mabubuhat?! Isa pa, malapit na mag alas-dos! At paano kung—"

"Adel?! Masamang isawalang bahala ang buhay ng isang tao! Samahan mo ako at buhatin natin siya paakyat!" sumbat nito.

Napatango naman si Adel at agad tinulungan si Katrina upang buhatin ang lalaki. "Señoritaaa, anggg bigaaat!" halos ma-tae si Katrina nang buhatin nila iyon ngunit agad niya ring tinikom ang labi dahil hindi dapat sumisigaw ng ganoon ang isang dalagang Pilipina.

"O'sya. Pumara ka ng kalesa dalian mo! Ako na rito!" Utos ni Katrina nang maipwesto ang lalaki sa likod nito. Nag a-alangan pa si Adelina kung susunod ba siya sa amo, alam naman niyang malakas ito ngunit hindi siya sigurado kung kaya ba ng lakas niyang bumuhat ng ganoon kabigat na nilalang. Sa isip niya ay baka mahulog ang matres ng kaniyang señorita.

"Dalian mo!" utos muli ni Katrina kaya agad itong tumango at nag abang ng kalesa sa taas.

Tiim bagang kumukuha ng pwersa si Katrina habang buhat-buhat ang mabahong lalaki sakaniyang likuran. Naa-asiwa na siya sa amoy nito na para bang tae ng kalabaw.

"Ang baho mo, ginoo!" mariin nitong sambit habang hinihingal na hinahakbang ang paa pataas sa kalsada.

"Ahh!" Sigaw niya nang mawalhan ng balanse at akmang mhuhulog sa likuran ngunit nahawakan ni Adel ang kaniyang kamay.

"Wahh!" Sabay nilang sigaw nang mahulog sa likuran ni Katrina ang lalaki at naisabit sa tangkay ng puno. Napasinghal ng malakas si Katrina, halos maiyak na silang dalawa habang magka hawak ang kamay na animo'y mapuputulan na ng ugat.

Inabot ni Katrina ang isang kamay sa lalaking naka sabit sa puno at kinaladkad ito pataas sa kalsada. Tuloy ay lalong naisaw-saw at napadaaanan ng mga tae ng kalabaw maging ang mukha ng lalaking iyon.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon