꧁༺𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀༻꧂

133 8 2
                                    

𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔, 1812
· · • • • ✴ • • • · ·



❝𝐻𝑢𝑤𝑎𝑔 𝑛𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑖𝑠𝑖 𝑠𝑎𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑝𝑎𝑔ℎ𝑖ℎ𝑖𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑘 𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑟𝑎𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑢𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑙𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛 𝑎𝑡 ℎ𝑢𝑠𝑡𝑖𝑠𝑦𝑎 𝑠𝑎𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑡𝑎𝑠 𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑝𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑟𝑖ℎ𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑖-𝑖𝑚𝑝𝑙𝑢𝑤𝑒𝑛𝑠𝑦𝑎, ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑏𝑎?❞

°•⚜•°


𝕸𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐬 at sunod-sunod na kumaripas ng takbo ang mga lalaking naka kamisetang itim, naka takip ang mukha at naka salakot habang hawak-hawak ang kanya-kanyang mga sandata.

Matalahib na mga damo, putik, hamog at ambon ang kanilang sinusulong habang hinahabol at hinahanap sila ng mga guardia sibil at sundalo.

Pigil hiningang nag tago sa likod ng malaking puno si Mateo habang hawak ng mariin ang baril na kinakapos na ng bala.

"Mateo!" Pabulong na tawag ni Alvaro na naka tago rin sa kabilang puno.

Lumingon si Mateo sa gawi ng kaniyang mga kasama. "Pinuno, pa-ubos na ang aming bala" bulong ng isa sakaniya.

Napa-pikit siya ng mariin at umayos ng tindig upang maitago nang tuwid ang sarili sa puno nang marinig nila ang kaluskos ng mga sundalong malapit na sa kinaroroonan nila.

"¡Revisa todas las áreas!" Sigaw na utos ng Heneral. Agad hinaluglog ng mga sundalo ang madilim at masukal na gubat.

"No los mates, tienes que atraparlos vivos, pero si la única forma de atraparlos es matando, hazlo.¡¿Comprendido?! (Don't kill them, you have to catch them alive but if the only way to catch them is to kill, do it Understood?!)"sigaw nito.

"¡Sí" sagot ng mga sundalo at sinumulang halughugin ang gubat.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Alvaro kay Mateo. Tumutulo ang pawis sa noo ni Mateo nang lumingon sa mga higit sampung kasama na ang iba pa ay may tama ng baril.

"Nasaan si Carlos?" tanong nito na nagpatigil rin kay Alvaro. Sabay silang napa mura nang hindi mahagip ng paningin ang hinahanap. Nag u-umigting ang panga ni Mateo nang ikasa ang rebolber. Sakanilang lahat ay siya nalang ang may pinaka-kaunting bala.

"Ah!" nagka tinginan si Alvaro at Mateo nang marinig ang pamilyar na sigaw ng lalaki na animo'y binagsakan ng mabigat na bagay sa sikmura.

"Si Carlos!" Pabulong na sigaw ni Juan habang hawak-hawak ang nagdurugong tagiliran.

Nasilip nila sa 'di kalayuan ang pag tutok ng baril ng sundalo kay Carlos na naka handusay sa sahig. "Nasaan ang iyong mga kasama?!" Sigaw ng heneral at tinadyakan ito sa sikmura.

Huminga ng malalim si Mateo at napa-isip ng mabuti sa kung anong gagawin nilang hakbang.

"H'wag!" agad siyang napalingon sa sigaw ni Juan sa katabi nito na nagtutok ng baril sa mga sundalo. Inagaw niya ang rebolber dahilan upang bumagsak ito sa sahig ng malakas at kusang pumutok na siyang dahilan upang sunod-sunod na mapalingon ang mga sundalo sa kinaroroonan nila.

"Naroon sila!" Sigaw ng isang sundalo at pinaulanan sila ng mga bala.

Nagsalitan ang putukan ng baril sa gubat.

"Pinuno! Itakas mo na ang iyong sarili! Kami na ang bahala kay Carlos!" sigaw ni Juan na bagaman hindi mapigil ang pag danak ng dugo sakaniyang sugat ay patuloy pa ring lumalaban.

Sandaling napatigil si Mateo habang naka tingin sa mga kasamang nanghihina na at nauubusan na ng sandata, "Hindi, lalaban tayo ng sama-sama," mariin niyang sabi at sunod-sunod na binaril ang mga sundalo, uma-asinta ang bawat pag putok niya at wala ni isang bala ang nasayang.

"Fuego!"sigaw ng Heneral at tinuro si Mateo na tumatakbo sa kabilang dako upang tirahin ang mga sundalong nakatuon sakaniyang mga kasama.

"Mateo!"Malakas na sigaw ni Alvaro at hinabol ang pinuno, nababatid niyang kaunti nalamang ang bala nito.

"Tumakas ka na!" Mariing sigaw ni Alvaro at binaba ang ulo sa takot na matamaan ng bala. "Kung hindi ka tatakas, lahat tayo mamamatay!"dagdag pa nito.

Mahigpit ang hawak ni Mateo sa rebolber. Hindi niya inaasahang sumablay ang plano niya sa unang pagkakataon, hindi niya inaasahana na mapapalaban sila ngayon. Sa isip niya ay hindi siya naging pinuno para isangga lamang ang mga kasama at protektahan siya. Kung maliligtas siya, nararapat rin na maligtas silang lahat at walang maiiwan.

"Mateo! Kailangan mong bumalik kay Don Arman at i-ulat ang lahat sakaniya! Iwan mo na kami!" nakiki-usap ang pasigaw niyang sabi.

Marahas na inalis ni Mateo ang takip sa mukha at tinignan ng masama ang kaibigan, "Hawak nila ang kapatid ko, hindi ako aalis hangga't hindi siya ligtas! Sa tingin mo, anong gagawin saakin ni ama sa oras na ako lang ang bumalik mag-isa?!"Mariin niyang sambit.

"A-At hindi ko kayo kayang iwan," dagdag niya.

Susumbat pa sana si Alvaro ngunit napatigil sila nang deretchong umasinta sa likod nito ang bala. Nanlaki ang mata ni Mateo sa nasaksihan at nang tumakbo ang mga sundalo palapit sakanila ay tumingin sakaniya si Alvaro na hindi makagalaw dahil sa balang naka-baon sakaniyang likuran.

Sumigaw sa galit si Mateo at sunod-sunod na binaril ang mga sundalong palapit sakanila ngunit buong lakas siyang hinawakan ni Alvaro sa braso.

Tiim- baga siyang tumingin sa kaibigan na tumutulo ang dugo sa bunganga, "K-kahit anong mangyari...kailangan mong mabuhay a-at ipanalo...ang ating kilusan, ang kamatayan namin ay gawin mong sandata para patayin siya..." nanghihina nito sabi at bago pa siya bumagsak at bago pa ibuka ni Mateo ang kaniyang labi ay malakas siyang itinulak ni Alvaro kung saan sa likod nila ay bangin.

Huling narinig ni Mateo ang mga sundalong nakarating sa kinaroroonan ni Alvaro. Napapikit siya ng mariin nang maramdaman ang pag bagsak, pagka-untog at pagdausdos sa mga bagay na nakaharang sa bangin.


"Lalo mo akong binigyan ng rason...upang patayin ka, at ang buo mong pamilya, Don Felipe" iyon ang huling salitang binanggit niya sakaniyang isipan bago siya tuluyang mawalhan ng malay.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon