𝐈𝐤𝐚-𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚

49 5 2
                                    

𝐓𝐫𝐚𝐛𝐚𝐡𝐨
· · • • • ✴ • • • · ·


❝𝐴𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙 𝑎𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑎𝑡𝑎𝑝𝑎𝑘𝑎𝑛, 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑛𝑎𝑛𝑎𝑘𝑎𝑤 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑖𝑛𝑢𝑝𝑢𝑟𝑖❞


°•⚜•°

ALAS siete na ng gabi, napa tigil ang kutserong kabababa lamang sa kalesa at papasok sana patungo sa isang iskinita ngunit napatigil siya nang makita ang binatang madumi ang damit, magulo ang naninigas nang malagkit na buhok at naka upo sa hagdan.

"Hijo," tawag niya kay Mateo na ngayon ay tulala pa rin.

"Hijo, malapit na ang oras ng pag higpit. Wala ka bang mauuwian?" tanong ng kutsero na nagpa gising sa ulirat nito.

"H-ho?" wala sa huwisyo niyang sambit.

Mag hapon niyang hinanap ang mga kasama mula nang magising siya sa tapat ng Ospital dahil sa lamig at lakas ng tubig na pinusit-sit sakaniya ng binatilyo kanina.

Kani-kanina niya lang nalaman ang eksaktong lokasyon niya at nahimasmasan sa mga nangyari kung saan naalala niya ang pagka baril ng kaibigan sakaniyang harapan.

"Jusmiyo, malapit na ang oras ng pag higpit. Halika na nga sumama ka muna saakin at baka ika'y ikulong pa nang 'di oras," sambit ng kutsero. Wala sa sariling napatulala sakaniya si Mateo at nang tapikin nito ang balikat ng binata ay agad siyang tumayo at yumukod.

"Maraming salamat ho ngunit may kailangan pa po akong hanapin," nagmamadali niyang sambit ngunit hinawakan siya ng matanda.

"Ano ka bang bata ka, bukas mo na hanapin iyan!" sermon sakaniya nito, may katandaan na ang lalaki, nasa edad apat na pu. Sandali niya itong tinitigan dahilan upang mapa singhap ang lalaki at bitawan siya.

"O' siya, mag-ingat ka nalamang kung ayaw mong sumama" hinaplos ng lalaki ang kaniyang batok at naglakad pabalik sa kalesa.

"Sandali ho," sambit ni Mateo at bumuntong hininga. Napagtanto niyang nararapat nga muna siyang mag pahinga sa ilang oras niyang pag i-ikot sa bayan.



"MABUTI naman at naka linis ka na ng iyong sarili. Ano bang nangyari sa'yo, hijo?" tanong ni Mang Soliman, ang lalaki kanina.

Nasa loob sila ng isang magarbo at tahimik na mansyon. Napatingin si Mateo sa gawi ng lalaki na kumakain sa hapag.

"Taga ibang bayan ho ako, sadyang ako'y naligaw lamang rito" kaswal niyang sagot at inayos ang manggas ng maluwag na kamiseta.

"Kung gayon ay hanapin mo nalamang ang iyong patutunguhan bukas. Halika na't ika'y kumain," sambit ni Mang Soliman. Marahang tumango si Mateo at umupo sa hapag, sandali niyang kinilatis ang kilos ng lalaking nasa harap niya.

Lumaki siyang bawat kilos ng taong nasa kaniyang paligid ay kahina-hinala. Lalo na ngayong sa katunayan ay tinulungan siya ng hindi niya kakilala.

"Sainyo ho ang mansyong 'to?" tanong ni Mateo.

Uminom ng tubig si Mang Soliman. "Hindi. Pagmamay-ari 'to ni Don Paterno, isa siyang tanyag na mangangalakal kung kaya't wala siya palagi rito at ako ang nag babantay" paliwanag niya.

Tumango naman si Mateo. Kanina sa kalesa ay nagpakilala sila sa isa't-isa. "Salamat ho sa pagtulong, bukas rin ay aalis na ako agad" pormal niyang sambit.

"Nako, h'wag mong madaliin ang iyong sarili. Maaari ka pa ring matulog rito hanggang tatlong araw. Hindi rin naman iyon kaso kay Don Paterno dahil tiyak na ganito rin ang kaniyang gagawin kung siya ang narito ngayon. Hay, naaalala ko tuloy ang anak ko saiyo. Paano ba naman at laging ginagabi ng uwi iyon" sambit ni Mang Soliman at napa-iling.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon