𝐈𝐤𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚

59 7 2
                                    

𝐏𝐚𝐬𝐤𝐢𝐥
· · • • • ✴ • • • · ·






"KUYA sige na..." umiiyak na paki-usap ni Katrina kay Luiciano na yakap-yakap ang kapatid na ngayon niya lamang nakitang umiyak ng ganoon.

"Katrina, kahit gusto kong akuin iyan, bawal pa ako mag pakasal. Kailangan ko ng mataas na ranggo para kay ama at sa pamilya ng babaeng mapapangasawa ko. Sana maintindihan mo iyon, h'wag ka mag alala....gagawa ako paraan" sambit ni Luiciano sabay punas sa luha ng kapatid.

"May makakapag bago pa ba sa isip ni ama?" kalaunan ay tanong ni Katrina.

Bumuntong hininga naman si Luiciano sabay iling. "Walang nakakapag pabago sa isip ni ama. Sa ngayon, ang dapat mong intindihin ay humanap ng asawang sunod-sunuran saiyo upang sa gayon ay ikaw pa rin ang masusunod kapag kayo'y kasal na" aniya at humalukipkip.

Napa simangot lalo si Katrina at iiyak sanang muli nang dumating si Della sa balkonahe kung nasaan sila. "Ate! Paki-usapan mo si ama..." paki-usap niya rin ngunit umiling si Della.

"Walang makaka bago sa desisyon ni ama, pumasok na kayo dahil gabi na" sambit niya rin kaya animo'y pinag bagsakan ng langit at lupa ni Katrina. Naka simangot siyang umalis sa balkonahe at nag dabog paakyat sa kuwarto.

"Ah—"

"Pasenya na," natigilan si Katrina nang mabunggo niya si Liliana na kalalabas lamang sa silid. Magsasalita pa sana siya upang itanong sa kapatid kung ayos lang ito dahil namumugto rin ang kaniyang mata ngunit mataray at inirapan lang siya ni Liliana bago lagpasan.

Umawang ang labi ni Katrina at dumeretcho sa kuwarto. Sa kalagitnaan ng pag i-isip niya habang naka higa sa kama at nakatulala sa kisame ay may kumatok sa pintuan.

"Señorita," tawag ni Adelina kaya agad itong bumangon at binuksan ang pinto.

May dalang gatas at suman si Adelina. Kaugalian nilang dalawa ang kumain at mag kuwentuhan muna bago matulog.

"Narinig ko ang kundisyon ni Don Felipe," panimula ni Adelina habang naka upo sa gilid ng kama ni Katrina na ngayon ay tahimik lang, hindi pangkaraniwan niyang ugali.

Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan nito sabay tingin kay Adelina.

"Ayos lang naman kung mawawalhan ako ng trabaho, kung kapalit naman niyon ay ang iyong kalayaa—"

"Ano bang sinasabi mo? Ikaw na nga lang kaibigan ko, isasakripisyo pa kita?" inis na sambit ni Katrina at inubos ang gatas sabay lapag sa mesa ng malakas.

Napatitig ng sandali si Adelina sa amo. "Señorita, hindi pa rin niyon mababago ang katotohanang malaki ang nakuhang nakaw ni kuya kay Don Felipe ngunit buhay pa rin kami hanggang ngayon dahil sa'yo. Ano lang naman ang pagka-wala ng aking trabaho kapalit ng kalayaan at kasiyahan mo?" seryosong sambit ni Adel.

Isang kawatan ang pangatlong kuya ni Adelina. Pang anim siya sakanilang sampong magkakapatid. Noong magka sakit ang ika-walo nilang kapatid na babae ay nag nakaw ang kuya nilang iyon sa mansyon nila Don Felipe upang ipang gastos sana o pampa ospital ng kapatid ngunit nahuli siya ng Don at ipapakulong sana pero nag makaawa si Adelina na siya ang magbabayad ng lahat, siyam na taon palamang siya noon. Dalawang taon siyang nanilbihan sa pamilyang Castillo na walang nakukuhang sueldo galing sa Don.

Minsan niyang nakita si Katrina na sinakal ang dalawang matatabang manok na alaga ni Don Felipe saka ito binenta sa mga lasinggero at pinalabas na nakatakas iyon.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon