𝐈𝐤𝐚-𝐰𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚

47 3 2
                                    

𝐄𝐬𝐭𝐫𝐚𝐧𝐠𝐡𝐞𝐫𝐨
· · • • • ✴ • • • · ·

“Naulinigan niyo ba?”

Umagang chismis ang dala ni Alma sakaniyang mga kaibigan habang tinitiklop nila ang mga kumot. Alas siete na nang umaga at parating na ang panibagong tunog ng kampana sakanilang dormitoryo, hudyat na sabay-sabay silang lalabas ng kuwarto at kakain sa Cantína upang mag almusal.

“Ano nanaman ang nasagap ng iyong mahiwagang tainga?” tanong ni Maura.

“May katapat na si Celia ngayon, pamangkin ng kura sa kabilang bayan,” mahina nitong pag kwento, tila nagiingat na walang iba na makakarinig sakaniya.

“At sino naman?” tanong ni Natalia.

“Napoleon ang apelyedo,” bulong nito.

“Napoleon? Ang tiyo niya ay si Padre Cristobal?” gulat na tanong ni Maura.

Tumango-tango si Alma.

“Balita ko ay malakas raw ang padre na iyon sa Gobernador-heneral?” sumbat naman ni Natalia.

“Kung gayon ay marapat lang talaga na huwag magpaka hambog si Celia,” biro muli ni Alma.

“Ehem,” biglaan ay pagpaparinig ni Maura kay Katrina na kanina pa palakad-lakad sa gilid ng kaniyang kama.

“Tila napakalalim palagi ng iyong iniisip, Katrina?” tanong ni Natalia at bahagyang lumapit rito.

“Ha? Iniisip ko lamang paano makakalabas rito ng maaga” deretcho niyang sagot.

“Tsk.Tsk. Iyang bibig mo talaga. Sadyang pasmado, kapag ika'y narinig ng nga madre—” pag iling ni Maura na tila isang nanay.

“Sus. Iniisip lang niyan ang kaniyang buhay pag-ibig!” Pang aasar ni Alma, hindi naman siya nabigo dahil agad nabaling ang tingin sakaniya ni Katrina.

“Bakit tila may dapat kaming malaman?” tanong ni Maura.

“Anong buhay pag-ibig iyan, ha?” kantyaw naman ni Natalia.

“A-ano? WALA!” agad nitong tanggi at akmang hahabulin si Alma nang tununog ang kampana at dere-deretchong lumabas ang kaibigan sa kuwarto.

Humabol pa si Katrina ngunit nang makita ang mga madreng naglalakad na makakasalubong niya ay agad silang umayos ni Alma at nag lakad na tila isang anghel, mahinhin na para bang hindi makabasag pinggan, sabay pa silang nagbigay bati at nag bigay galang sa mga nakasalubong. Pagkatapos ay sabay nilang binatukan ang isa't-isa.

“Ang mga ito talaga,” pasuway na sambit ni Natalia habang si Maura ay pasimpleng natawa sakanilang kakulitan.

“Saca a los indios de mi lugar” (Paalisin niyo ang mga hampaslupang indio sa aking pwesto) naiinis ang boses ni Celia na inutusan si Bernida at Rodelia.

“Umalis raw kayo sa pwesto ni Celia kung hindi niyo nais mawalhan ng magandang kinabukasan” sambit ni Rodelia na may kayabangan ang boses.

Ang mga babae sa cantina ay agad-agad namang tumayo sa takot na makabangga ang isa sa pinaka makapangyarihang binibini sa lugar.

“Ikalma mo, Katrina” agad na suway ni Alma nang mapansin ang paghigpit ng hawak nito sa kutsara.

“Naiinis na talaga ako sa babaeng ‘yan” gigil nitong sambit.

“ANO BA?!”

Awtomatikong napalingon ang lahat sa matinis at malakas na sigaw ni Celia. Kung tutuusin ay hindi maaaring humantong sa ganoon ang boses ng isang binibini ayon sa tinuturo sakanila sa kumbento ngunit dahil makapangyarihan siya ay wala nang naka isip na maari siyang maparusahan.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon