𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚

85 7 2
                                    

𝐒𝐮𝐠𝐚𝐥
· · • • • ✴ • • • · ·



"𝕿𝐚𝐫𝐚𝐧𝐭𝐚𝐝𝐨 ang isang 'to, mandaraya!"

Mayabang na sigaw ng balbasing lalaki kay Katrina na preskong naka dikwatro sa silya habang nakikilaro ng baraha sa pasagulan ng San Castillo, ang kanilang bayan.

"Hah, hindi pandaraya ang pag gamit ng utak!" mayabang niya ring bwelta.

Uminit ang ulo nang kaharap niyang lalaki at malakas na hinagis sa pagmumukha niya ang mga barahang hawak dahilan upang magulo ang kanilang laro.


Nagsimulang magtinginan sakanila ang mga lalaking nagsusugal rin. Ang iba pa ay nagtatanungan kung ilang taon na raw ba ang isa dahil mukha itong bata. Napataas noo naman si Katrina dahil batid niyang siya ang pinagdududahan sa gulang, diese sais anyos (16) palamang siya at alam niyang hindi maaari ang minor de edad sa loob ng lugar na kinatatayuan niya. Wala naman iyon sa patakaran ng gobyerno ngunit nasa patakaran ng may-ari ng pasugalan.

Mabuti nalang dahil naglagay siya ng matitigas na papel sa loob ng kaniyang bota kaya nag mukha siyang mas matangkad.

Umawat ang mga kalalakihan dahil sa itsura ng lalaking balbas sarado ay nais na niyang manapak. Maangas na tumayo si Katrina at mayabang na tumingin sa lalaki.

Hindi niya suka't akalaing kinakaya niyang makipag sabayan sa mga lalaki at sa mga sugarol pa. Paano nalang kaya kapag binalian niya ng buto ang isang 'yan at malaman nilang isa siyang binibini?

Hah, sinong minamaliit niyo?

Dumura ang balabasing lalaki at nang-gigil ang tingin kay Katrina, lumantad pa ang naninilaw niyang ngipitin na puno ng tinga dahilan upang mapatingin sa ibang direksyon ang mga kalalakihan dahil sa baho nito.

"Binatilyo ka palang at hindi ka pa tinubuan ng lalagukan (Adam's apple) ngunit napaka-yabang mo na!" sigaw ng isang lalaki na nakiki-usyoso sa nagsisimulang away ngunit palihim niyang ninanakaw ang pera sa lamesa habang nasa iba ang atensyon ng lahat.

Napa-iling rin ang iba. Suki talaga ng gulo ang mga binatang nasa taong diese nuebe pataas.

Tumaas ang kilay ni Katrina at hinaplos ang pekeng bigote na animo'y nang-aasar.

Ngumisi siya, pagkatapos ay 'sing bilis ng kidlat niyang sinapak ang lalagukan ng lalaking iyon at nabitawan nito ang mga salaping ninanakaw na siyang nagsi-kalat sa sahig.

Nagsimulang magka gulo ang lahat nang lusubin siya ng una niyang naka-away na lalaking balbasin. Mabilis namang nakaka-ilag sa suntok si Katrina at patawa-tawa pang nang aasar.

Nang maka-bawi ng lakas ang una niyang sinapak ay akmang lulusob na rin ito ngunit napatigil sila sa sigaw ng isang binibini. "Tumigil kayo!" sigaw niyon dahilan upang mapa-hinto sila at pare-parehong nagulat dahil wala dapat nakakapasok na babae roon.

Napalunok ng mariin si Adelina at mahigpit na humawak sa saya saka binalingan ng tingin ang kaniyang amo na naka awang ang labing nakatingin rin sakaniya.

"Anong ginagawa ng isang binibini dito?" Tanong ng isang lalaki na may edad na.

"Nagpumilit pong pumasok!" sumbong ng guardia na nakahawak sa panga, senyales na naka tamo rin siya ng suntok.

Napangisi lalo si Katrina at tinaas-baba ang kilay kay Adelina na para bang pinupuri niya ito dahil natuto na rin siyang makipag laban.

Malakas na binato ni Katrina ang ulo ng sinasabunutang lalaki kanina at preskong lumapit kay Adelina. Naka kamisetang puti siya at itim na pantalon habang naka salakot kahit walang araw, tinatago niya kasi ang mahaba niyang buhok.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon