𝐈𝐤𝐚-𝐥𝐢𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚

61 7 1
                                    

𝐒𝐢𝐥𝐢𝐝 𝐚𝐤𝐥𝐚𝐭𝐚𝐧
· · • • • ✴ • • • · ·


“Todos ustedes organícense y den silencio para la presentación de su nuevo compañero de clase” (All of you get organized and give silence for the introduction of your new classmate)
wika ni madam Salvacion, ang maestrang taga turo ng wikang Espanyol sa mga kababaihan.

Naka simangot si Katrina na pumasok sa silid habang ang lakad ay brusko at walang pakialam. “¿Es así como camina una joven?”(Is that how a young lady walks?) tanong ng maestra.

Bumuntong hininga si Katrina at yumukod, “Lo siento, señora” magalang at mahinhin niyang sambit sabay tayo ng tuwid. Nagsi tinginan naman sakaniya ang mga kaklase dahil sa buo at tuwid niyang pag bigkas ng wikang Espanyol.

“Buenos días a todos, soy Katrina Cabrera. Me alegro de conocerte”(Good morning everyone, I am Katrina Cabrera. I'm glad to meet you all) pagpapakilala niya sabay tingin kay Maestra Salvacion na animo'y humihingi ng pahintulot kung maari na ba siyang umupo.

Nag umpisang magtinginan ang mga kababaihan sa silid dahil sa narinig na pangalan, ang iba ay nagbulungan at ang iba ay nasabik na makilala pa siya lalo na't ang kaniyang apelyedo ay tumatakbo sa dugo ng isa sa pinaka maiimpluwensyang pamilya sa bansa.

Ngunit ang iba ay walang pakialam dahil mas mataas o mas maimpluwensya ang pamilyang kinabibilangan. Ginamit ni Katrina ang apelyedo ng ina, ang pamilyang Cabrera ay kilala rin dahil sa larangan ng medesina.

“Silencio!” bigkas ng maestra kaya't agad nilang tinikom ang bibig. “Di algo sobre ti”(Tell something about yourself) pag baling niya muli  sa dalaga.

Tumingin ng deretcho si Katrina sa mga kaklase at tumikhim bago mag salita, “Puedo hacer mucho, pero lo que más quiero es tener mi propio dinero usando mis tácticas únicas.” (I can do a lot but what I want of all is to have my own money using my unique tactics) panimula niya.

Napa ngisi siya nang mamangha ang itsura ng mga nasakaniyang harapan.

Nagtaas ng kamay ang isang babaeng hanggang balikat ang unat na buhok. Nang bigyan siya ng pahintulot ng maestra upang magsalita ay agad itong tumayo. “¿Puedes hablarnos de esas tácticas únicas?” (Can you tell us about that unique tactics?)interisado niyang tanong.

“Hah,” hindi malapaniwalang singhal ni Katrina sabay ngisi ng mas malawak. Mukhang ito na ang tyansa niyang magpa sikat sa mga nag gagandahang binibini. “Por supuesto, debes poder golpear, patear, correr rápido—”
(Of course you need to be able to punch, kick, run fast—)

Umaksyon pa si Katrina ng naa-ayon sa sinasabi niya ngunit naputol ang kaniyang pag akto nang paluin ng malakas ni Maestra Salvacion ang lamesa gamit ang mahaba niyang kahoy na ginagamit sa panturo.

“¡Detener! ¿Es ese el comportamiento apropiado de una mujer?” (Stop! Is that the proper behavior of a woman?) Galit na sabi ng maestra ngunit sinikap niyang huwag lakasan o taasan ang boses.

“Señora, acabo de responder la pregunta de mi compañero de clase” (Maam, I just answered my classmate's question) inosenteng ngumiti si Katrina na nagpa taas sa dugo ni Maestra Salvacion.

“¡Ustedes! ¿Quién te dio derecho a replicar?” (You! Who gave you rights to talk back—)

“¿Es esa la forma correcta de hablar como mujer, señora?” (Is that the proper way to speak as a woman, madam?) Mahinahong balik- tanong ni Katrina na kinagulat ng lahat.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon