𝐈𝐤𝐚-𝐩𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚

68 5 2
                                    

𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭
· · • • • ✴ • • • · ·

“Kailangan mo pang magsanay ng maigi sa pagtatahi,” sambit ni Maestra Concepcion habang kinikilatis ang burda ni Katrina na may disenyong tulip.

“Gayunman, natutuwa akong naging maayos ang iyong gawain. Nawa'y iyong ipagpatuloy.” anito sabay tingin sa dalaga.

Napangiti si Katrina at tumikhim bago mag salita, “Maraming salamat ho,” malawak niyang ngiti.

Sandaling napatitig ang maestra sakaniya, may kung anong panghihinala at pangkikilatis sa mga mata nito dahil sa kakaibang ngiti ng dalaga.

“O'siya,” sambit ni maestra at dahan-dahang umiwas ng tingin, pinagsawalang bahala ang kakaibang napansin.

“Maari ka nang lumabas,” utos nito.

“Gracias, señora” masayang sambit ni Katrina at dali-daling tumakbo palabas.

Napatingin si Maestra Concepcion sa kasasaradong pintuan. Napa-iling siya sa sarili, bakit ba siya unti-unting nagiging interisado sa batang iyon?

MALAWAK ang ngiti ni Katrina na hinanap ang mga kaibigan. Animo'y kinikiliti ang kaniyang puso nang makita si Maura.

Naging maayos ang kaniyang burda dahil kay Maura na siyang tumulong sakaniya. Hindi niya tuloy maipaliwanag ang kakaibang hiya at tuwa na nararamdaman sa kaibigan.

“Anong balita?!”Agad na bungad ni Alma at humawak sa braso ni Katrina na nakatulala lamang kay Maura.

“Nariyan ka na pala,” ngiti ni Natalia at kinalabit si Maura na nakatingin sa malayo.

Ngumiti si Maura nang makita ang kaibigan, “Anong sabi ni Maestra Concepcion?” Tanong niya.

Napa iwas naman ng tingin si Katrina at binasa ang labi bago mag salita, “Mahusay raw! Maraming salamat talaga, kung hindi dahil sa'yo—”

“Wala 'yon, tara na?”Naiwang awang ang labi ni Katrina nang putulin ni Maura ang mahaba niya sanang pagpapasalamat.

Kumapit si Maura sa braso ni Natalia at sabay silang lumakad habang nag u-usap ng mahinhin.

Natiklop ng kusa ang labi ni Katrina at nakasimangot na sumunod sa lakad.

"Bakit tila'y ikaw ay malungkot? Hindi mo pa siguro nasisilayan ang iyong nobyo?" Tanong ni Alma na nang aasar ang tono ng boses.

Nandidiri siyang binalingan ng tingin ni Katrina, "Ewan ko sa'yo, Alma. Nag i-ilusyon ka ba?" Anito sabay tingin muli sa braso ni Maura at Natalia na magka hawak.

"Ay, naghiwalay na kayo?!" Napa takip ng bibig si Alma sabay kumpas ng abaniko.

Napa-sapo si Katrina sakaniyang noo at tumingin kay Alma, "Ang totoo niyan," panimula nito.

Walang kurap na naghintay si Alma sakaniyang susunod na sasabihin ngunit matapos ang ilang segundo ay tanging lunok lamang ang ginawa ni Katrina.

“Ah, basta!”singhal ni Katrina at mabilis na naglakad. Sasabihin niya sana na hindi talaga niya iyon nobyo.

Sunod-sunod na reklamo naman ang kumawala sa bibig ni Alma. “Sino ba kasi ang ginoong iyon?” Giit pa ni Alma at hinabol ang mga kaibigan.

“Mauna na kayo sa Cantina, ako'y iihi lamang” paalam ni Katrina.

“Oh, sige. Doon lamang kami sa dating pwesto” sang-ayon ni Natalia. Naningkit naman ang mata ni Alma kay Katrina na may pagdududa ang tingin.

Kinunutan lang siya ng noo ni Kayrina at dali-daling umalis.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon