𝐋𝐢𝐡𝐚𝐦
· · • • • ✴ • • • · ·❝𝑆𝑎 𝑑𝑎𝑚𝑖 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑖𝑛𝑜𝑠𝑒𝑛𝑡𝑒𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜, 𝑏𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑝𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑝𝑎𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦 𝑛𝑎 𝑖𝑛𝑖𝑖𝑑𝑜𝑙𝑜?❞
°•⚜•°
“Anong klaseng—Señorita Katrina Cabrera, hindi ka ba tinuruang mag burda ng iyong ina?” tanong ni Maestra Concepcion, ang kanilang Maestra sa pananahi.
Itinaas niya pa ang burda ng dalaga na hindi matukoy kung anong disenyo. Bulaklak ang pinapa burda sakanila ngunit ang ginawa niya ay mas masahol pa sa magulong gawa ng bata.
Nagtawanan ang mga estudyante bagaman mahinhin lamang iyon.
“Dios mio,” napahawak sa sentido ang maestra. “Bibigyan kita hanggang bukas upang mag bigay ng iyong panibagong maayos na burda, malinaw ba?” sambit niya sa dalaga na ngayon ay naka tayo habang naka tingin sa sahig at inaantok pa ang mata.
“Paumanhin ho ngunit maaari ho bang iba nalang?” malakas ang loob na tugon ni Katrina.
Nangunot ang noo ni Maestra Concepcion. “Ano ang iyong ibig iparating?” tanong nito.
“Maaari naman ho akong mag igib nalang ng tubig, mag sibak ng kahoy, mag ayos ng kung anong nasira sa loob ng Kumbento, humuli ng manok na kakainin—”
“Nariririnig mo ba ang iyong sinasabi?” tanong ng maestra, bagaman mahinahon siya ay hindi maitatanggi ang inis sa boses nito.
“Isang kahihiyan sa iyong ina na hindi ka niya pinalaki ng naaayon sa tamang asta ng isang binibini” mariin nitong dagdag.
Natahimik ang buong klase, ang bagay na iyon ay isang malaking sampal sa kahit na sinong estudyante sakanila. Nagka tinginan sila Maura at Alma dahil paniguradong magiging tumpulan ng usapan ang kanilang bagong kaibigan, napa-iling naman si Natalia dahil hindi niya rin nagustuhan ang asal ni Katrina.
“Bukas ng umaga ay ibigay mo saakin ang iyong burda dahil kung hindi ay aking ipapatawag ang iyong ina” babala nito sabay kuha ng gunting at ginunting ang burda ni Katrina na siyang kinagulat ng lahat.
Napatingin ang mga estudyante kay Katrina na ngayon ay pag lunok lamang ang tanging nagawa. Hindi siya na apektuhan sa ginawa ng maestra ngunit ang katotohanang hindi niya nagawa ang pag buburadang iyon kasama ang kaniyang ina ay isang mabigat na saksak sakaniyang puso.
“Hindi ko naman talaga naranasan mag burda,” wala sa sariling sambit ni Katrina habang naka tulala sakaniyang punit-punit na gawa. Kahit papano ay pinag hirapan niya iyon.
Tumingin sakaniya ang maestra na animo'y hindi alam kung anong dapat itugon. Gayon rin ang mga binibini sa loob ng silid. Umupo si Katrina sa lamesa habang tulala pa rin sakaniyang burda.
“Ayusin mo ang iyong pag-upo” seryosong utos ni Maestra Concepcion.
Huminga ng malalim si Katrina sabay tango. “Ipapasa ko ho bukas ng umaga,” aniya sabay upo ng maayos.
“Adiós, ahora puedes salir a almorzar” (Good bye, you may now go out for Lunch) paalam ng maestra.
“Gracias Señora” paalam ng mga Estudyante.
Bago umalis si Maestra Concepcion ay hindi niya naiwasang bumaling ng tingin sa bagong estudyante na hindi nag paalam sakaniya, nakatulala lamang ito ng tahimik sakaniyang mesa, bagay na nag udyok sa maestra upanga alamin ang katauhan nito sa likod ng kaniyang pangalan.
![](https://img.wattpad.com/cover/296351575-288-k525056.jpg)
BINABASA MO ANG
Takipsilim
Historical FictionKung ang pag-ibig ay tila isang digmaan kung saan ito'y mapanlinlang na laro ng tadhana, handa ka bang...lumaban? Si Mateo ay pinuno ng isang sikretong kilusan laban sa pamahalaan kung saan, ama ng kalaban nilang si Don Felipe ang Gobernador-heneral...