Alam mo yung part na bumuo kayo ng pangarap tapos okay na lahat, kasal na lang kulang kumpleto na love story nyo. Pero parang nalingat ka lang konti nagpaagaw na siya sa iba.
Take note: "as in siya yung nagpaagaw!"
Alam mo yung point na tiwala ka sa kaniya na hindi siya gagawa ng kalokohan kaya ka nagtiyagang maghintay tapos bigla na lang tatawag at tatapusin ang lahat ng sa inyo.
Alam mo yung sakit na yun? Napakaloyal mo sa kaniya kahit long distance pa yung relasyon niyo pero ganun pa yung gagawin nya.
Ang masakit pa dun hindi siya gumawa ng paraan para hindi siya maagaw ng iba..... instead, gusto niya pa ang nangyare. Kasi kung gumawa man siya ng way hindi naman mauuwi sa hiwalayan ang lahat di ba?
Tapos babalik na parang walang nangyari? Na parang okay lang sa kaniya lahat?
Bakit ba kasi may mga taong hindi kayang tumupad sa mga pangako nila? Bakit ba kasi sila masiyadong paasa?