chapter four

345 13 3
                                        

hasel sa computer networking :(

-----------------------------------------------------------------------------

Nagmamadali si rhia sapaglalakad dahil anong oras na, magsasara na ang kanilang kumapanya at siguradong papatayin na ng mga ito ang kuryente kasama na doon ang elevator, nasa 17th floor ang office niya at siguradong maglalakad siya once na abutan siya ng cut off sa ilaw.

Sakto namang nakita niyang pababa na rin ang isang elevator, hinintay niya ito.

“swerte ko talaga!”

Pero nagulat ako ng makita ko kung sino ang nag-iisang laman ng elevator na iyon, ang kaniyang unggoy na ex boyfriend lang naman.

“Rhia!” tawag nito, “ito na lang ang available na elevator rito kaya sumabay ka na!”

Kamalas malasan ko naman talaga oh! Bakit sa dinami dami ng pwede kong makasabay, ito pang ex boyfriend kong manloloko?

Bakit naman po ganito ang nangyayari?

“Rhia?”

No choice ka na girl! Kung ayaw mong maglakad mula 17th floor hanggang ground floor.

Pumasok na siya saloob ng elevator habang pigil ang hininga.

Kaming dalawa lang kaya sa elevator no. hindi pa man sila nakakaabot sa 10th floor nang biglang mamatay ang ilaw ng elevator.

“Ahhhh!” sigaw niya.

“Rhia calm down, inabutan na ata tayo ng cut off!” sabi nito na nakayakap pa sakaniya, agad naman siyang humiwalay ditto.

“Hindi pwede to, kelangan kong makauwe ngayon, tama si romel!” nang pipindutin na niya ang call button, naramdaman niyang may humawak sakamay niya.

“Rhia wag na!”

Nagulat naman siya, bakit wag na? ayaw ba nitong may tumulong sa kanila? Bakit gusto mo kong masolo no?

“Anthony ano bang sinasabi mo?”

“magsasayang ka lang, walang signal ditto.”

Napatinging naman siya sakaniyang cellphone, totoo nga, wala ngang signal dito.

Ang malas ko naman talaga, akala ko pa naman gusto mo kong masolo.

Rhia!

Saway ng kaniyang munting puso.

“ang malas naman!”

Sobrang malas! Baka mamaya mamatay na ko sa pagpigil ng hininga ko eh. Bakit naman po kasi kailangang siya pa ang makasabay ko dito? Pwede namang si romel, kahit na medyo naiilang ako.

“may balat ka ata sa puwet eh” patutsada ko rito

“nakita mo ba na meron?”

“ewan hindi ko pa naman nakikita yan eh”

“sure ka?”

Amp. Naramdaman ko yung pag init ng pisngi ko, naalala ko na naman kasi yung time that we make love. College pa kami nun, oo na ako na malandi, ako na excited pero lahat naman ng tao nagkakamali diba?

Saka nakaraan na yun. Dun naka move on ako pero hindi sa pagmamahal.

“mukhang bukas pa ito maayos!” pag iiba nito ng usapan at saka biunksan ang flashlight ng cellphone.

“bukas? Hindi pwede!” kawawa naman ang mga teddy bear niya.

“wala na tayong magagawa kundi ang maghintay.” Anito at umupo sa isang gilid, kung totoo ngang bukas pa maayos ang elevator ay nakiupo na rin siya, hindi naman sa gusto ko siyang makatabi pero haller? Ang hirap rin naman kasing tumayo tapos naka heels pa.

My Happy Ending (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon