“Anthony!” tawag ni Romel. Muntik nang mabulunan si rhia ng marinig ang pagtawag ni romel sa isang pamilyar na pangalan.
“Naks, nagdi-date kayo no?”
“Hi….” Bati ng isang hindi pamilyar na boses.
“Hi rhia!” bati ng hudyo niyang ex boyfriend.
“he…hello!” alanganing sagot niya rito, talaga bang nananadya ang gunggong na to? Talagang dito pa sila kakain kung saan kami? Nang lingunin niya ang mga ito, napansin niyang nakasuot pa ng pang chef si Anthony, napaisip tuloy siya.
“siya ang nagbake ng kinakain mong leche plan!” sabi ni romel, napaubo naman siya ng bahagya,
So ikaw pala ang nagluto? Eh bakit hindi kasing sarap to nung dati? Ano to bias? Porke wala na tayo ganun na lang?
“ah…. Ma…masarap siya” pilit niyang sabi.
“thank you, anyway this is joy, my future wife!”
Aruuuuyyy! Talagang future wife na? hindi na ba kita pwedeng mabawi pano naman yung mga teddy bear?
“hello!”
“hi!” bati ni romel, ako naman ay hindi na alam ang gagawin dahil halo halo ang nararamdaman niya, inis, galit at SELOS!
“mga kaibigan ko sila!”
Whaaaatttttttt? Kaibigan? Diba naging ex mo ko? Bakit di mo sabihin yun sa kaniya? Naman Anthony, ano to? Talagang limutan na?
“so nagdidate nga kayo?”
halos madurog naman ang puso niya sa nakikita. Holding hands pa ang dalawa sa harap niya.
Tae naman kayo eh, ex ako.. mahal ko pa siya bakit ganyan naman te?
Move on rhia… move one
Move on
Move on girl
Move on ano ba?
Tama dapat na kong mag move on, may fiancée na sya kaya wag ka nang umepal.
Tama! Magmomove on na ko….
“Actually Yes! Nagdi-date nga kami.” Nakita niya ang pagtataka sa mukha ni Romel pero bahala na lang mamaya siya magpaliwanag. Basta kelangan magmukhang naka move on na siya.
“nice, anyway punta pala kayo sa engagement party namin ha?”
Awtsu!
Pilit siyang ngumiti para di ipahalata rito ang sakit na nararamdaman nya.
Oh akala ko ba magmomove on kana?
Eh bakit may pa awtsu awtsu ka pa?
Eh masakit nga, mahal ko pa nga siya eh…
Girl move on! M-O-V-E-O-N okay
“We will try.” Sabi niya sa pakikipagplastikang paraan syempre.
“sana makapunta kayo.” Sabi ni joy na abot langit pa ang ngiti.
“try na lang namin. Alam mo na busy kami, madami kasing trabaho ngayon eh.” Sabi niya rito, iritang irita na siya sa pagmumukha ng babae pero kailangan pa rin niyang kalmahin ang sarili.
“Ah sige aalis na kami, nice meeting you.”
“Sige, ingat kayo.”
Ikaw rin mag-ingat ka sa kasama mong babae.
“nice meeting you romel and rhia!”
Nice meeting you mo your face!
“Rhia!” nagulat si Rhia ng marinig ang boses ni Anthony mula sa kaniyang likuran.
