chapter two

458 16 4
                                        

"ako Rhia!" napalunok si Rhia ng marinig ang tinig na iyon. Kahit nakapikit pa siya ay hinding hindi siya maaring magkamali, at kahit ibitin mo pa ko patiwarik alam ko kung sino ang nagmamay-ari nang boses na yun.

Ang ex-boyfriend kong manloloko.

"Anthony, pare namis ka namin!" ako rin namis kita, gusto niya sanang sabihin ito subalit hindi na maaari dahil ilang buwan na lang ay ikakasal na ito.

"Bakit ba ngayon ka lang umuwe?" tanong ni alden sabay akbay pa rito.

Hindi ko maalis ang mga mata ko rito, oo aaminin niya, sobrang namis niya nga ito. Mas lalo itong naging gwapo at sa itsura nito ngayon, mukhang nakamit na nga nito ang pangarap sa loob lamang ng dalawang taon.

Habang abala ang mga to sa kamustahan siya naman ay hindi na mapakali, pilit niyang pinipigil ang mga luhang nagbabadyang pumatak at hindi pa kasi siya handa para makaharap ang lalaking minsang dumurog ng puso niya pero eto na.. malapit na sa kaniya.

"nakakainis talaga!" narinig niyang bulong ni Arrey. Galit din kasi ito kay Anthony nang malaman nito ang ginawa. Hindi naman niya ito masisisi dahil ito na ata ang number 1 fan ng love team nila kaya ganun na lang ang naging galit nito sa binata ng malaman ang ginawa.

"puso mo Arrey!" saway niya rito.

"bakit hindi ka ba nagagalit?" bulong nito na mas lalong inilapit ang bibig sa kaniyang tainga.

Nagagalit! Kung alam mo lang, galit na galit ako kay Anthony. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang puso ko...na mahalin siya.

Ngumiti na lang siya ng pilit, ayaw niya kasi sa lahat ay yung kinakaawaan.

Isa pa, ayaw niya rin ipahalatang hindi pa rin siya nakakamove on.

"pass is pass mards!" sabi na pinipilit ngumiti. Pero sa totoo lang, gusto ko nang umiyak. Pero ayoko naman ng live dito sa bar! Baka magtrending pa ako sa twitter, mahirap na!

"basta naiinis ako!"

Hindi na lang siya umimik dahil kahit ano pa ang sabihin niya, galit pa rin ito sa ex niya.

"Hi Rhia!" anak ng kokwa! Bakit nag-hi pa?

"Hello!" ngiti niya rito.

"kamusta?" tumabi ito sa kaniya at ang mga walang hiyang kaibigan niya, hayun at iniwan sila, nagsipuntahan na lang sa dance floor.

Syiete talaga kayo, humanda kayo talaga sakin. Naisahan na naman ako ng mga walangya! Alam niyo naman na umiiyak ako kapag tungkol kay Anthony tapos eto pa ginawa niyo.

Isip niya.

Napansin niya ang pagdadalawang isip ni romel kung iiwan ba sila o hindi, nakatingin ito sa kaniya na para bang nagtatanong kung okay lang ba ako?

Wag mo kong iiwan sa tabi niya romel, please? Anang isip ko.

Pero parang nananadya yata ang tadhana dahil iniwan sila ni romel na magkasama. Pero kahit ganun pa man, kailangan niyang magpakita ng katatagan!

Malakas siya, nakamove on na siya kahit hindi pa.

"Okay lang, ikakasal ka na pala, congrats!" labas sa ilong na sabi ko, eh kasi ba naman, sino ba namang babati sa ex mo ng congrats sa kasal ng bukal sa puso mo?

Ano ko martyr?

"Salamat!"

Ilang minuto na ang nakakalipas ng walang nagsasalita sa kanila, mas pabor yun sa kaniya. Dahil baka kapag may isa sa kanilang nagsalita, lumabas ang galit niya rito.

My Happy Ending (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon