Sa halip na sa restaurant o sa sinehan kami pumunta, ay sa bahay nila Anthony kami napadpad, at kung bakit? Wala rin akong ideya promise!
Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok, ay agad kaming sinalubong ng ate Camille niya. Nakangiti at patungo sa kaniyang direksyon, ngitian niya rin ito.
“hey rhia, I missed you.” Sabi nito sabay halik sa kaniyang pisngi.
“I missed you din po.” Sabi ko, malapit na kami sa isa’t isa noon dahil nga ex ko ang kapatid nito at alam din nito ang pinakatatago niyang sikreto at bukod dun madalas kaming tumambay sa bahay nila sa tuwing ipagluluto siya ni Anthony. Oopsss don’t say na ipagluluto siya ni Anthony ngayon? Pero bakit pa?
“buti naman at napadalaw ka uli rito sa amin?” sabay wink pa.
“oo nga po eh, medyo busy lang po sa trabaho.”
“tara pasok ka!”
“salamat po”
Napangiti ako ng Makita kong close na close si ate Camille at rhia, ang dalawang iyon hindi pa rin pala talaga nangbabago kahit na wala na sila ni rhia. Isa ito sa gustong gusto niya, madali kasing naging close ni rhia ang pamilya niya na hirap na hirap namang magawa ni joy.
Isip ni Anthony.
Hindi ko maintindihan talaga kung bakit ako dinala ni Anthony sa kanilang bahay. Kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili at tinanong ko siya. Isip naman ni rhia.
“Anthony bakit?” bulong ko rito ng hindi ako makatiis.
“ha?” nakakunot na tanong naman nito.
“bakit mo ko dinala dito sainyo?”
“namimis ka na daw ni ate!”
“hmm” yun lang, wala na bang ibang dahilan? buti pa ang ate mo namis ako, ikaw ba namis mo ko? Tanong ko sa sarili.
“here!” sabi niya matapos iaabot ang isang platito ng leche plan. Napangiti ako syempre favorite ko kaya yun.
“thank you”
Hindi mo pa pala nakakalimutan yung favorite ko.
“sana magustuhan mo.”
Nang tinikman ko to, medyo nagtaka ako, iba kasi ang lasa nito sa natikman ko noong kumain kami ni romel sa restaurant kung saan ito ang nagmamanage.
Pero kapareho ito ng leche plan na inihahanda nito sakaniya ‘noon’.
“ang sarap.” Komento na lang niya.
“nagustuhan mo ba?” tanong nito sa akin.
“oo naman!” pilit akong ngumiti kahit na takang taka na ako.
“buti naman at hindi pa rin nagbabago taste mo sa leche plan.”
Ha? ano bang ibig sabihin nito na hindi pa rin nagbabago ang panlasa ko sa leche plan? So ibig sabihin hindi pa rin nito nakakalimutan ang gusto kong timpla sa leche plan?
Oh rhia, assuming ka na naman.
Maya maya, narinig niyang nagring ang cellphone niya. Nang tiningnan niya ang screen.
Calling mama
Nag-excuse ako at sinagot ang tawag ng kaniyang ina, pero nakadama na siya ng kaba bago pa man sagutin ang tawag ng ina. Usually kasi tatawag ito kapag inatake na naman si jiggy sa puso.
“ma?”
“rhia nasa ospital kami ngayon, si jiggy inatake na naman!”
Daig ko pa ang binuhusan ng asido, kahit expected na niyang ganito ang sasabihin, hindi pa rin niya maiwasang hindi mag-alala lalo na at napapadalas ang pag-atake ng sakit sa puso ni jiggy.