chapter one

577 17 2
                                    

"Pangako Rhia babalik ako agad, oras na matapos na ang kontrata ko!" pangako ni Anthony.

"Hihintayin kita Anthony."

Hindi mapigilan ni Rhia ang malungkot dahil aalis na papuntang ibang bansa ang boyfriend niyang si Anthony, may 2-yrs contract ito sa kumpanya ng pinsan nito.

Matagal tagal din ang dalawang taon para sa kanila pero isa lang ang maari nilang gawin, ang maghintay.

** 2-yrs after **

Excited na excited si Rhia pumasok sa kaniyang trabaho, dahil pay day ngayon at maraming nakaabang na bayarin sa kaniya.

Sa pagmamadali niyang pumasok ay nakabangga niya ang kaniyang Colleague at long time friend na rin na si Romel.

"Oh Rhia, tingin tingin din sa daan!"

Hinampas niya ito sa balikat, kahit kelan talaga hindi ito marunong bumati ng good morning.

"Aray naman Rhia, ang gaan ng kamay mo eh no."

Natawa siya ng bahagya, ganyan kasi silang magbabarkada magsalita lalo na noong nasa kolehiyo pa lang sila pare-pareho.

"Ikaw naman kasi, batiin mo muna ako ng good morning bago ka mag-inaso diyan."

"Aba okie ah?"

Nagtawanan silang dalawa!

"Eh bakit nga ba nagmamadali ka?" pag-iiba nito.

"Pay day ngayon diba?" natawa naman ito sa tinuran niya.

"Huhulaan ko, marami ka na namang babayaran ano?"

Kaibigan niya nga talaga ito.           

"Oo eh. Alam mo naman si Jiggy may sakit, saka bayaran ng kuryente sa apartment."

"Kawawa naman si bear, buti kaya mo pa?"

Kahit kelan talaga, todo kayod ang babaeng to.

"Oo naman."

Walang imposible sa taong may dedikasyon sa buhay.

"Oh paano, punta muna ako sa office ha?"

"Sige, sige!""

Hay! Ang sarap talaga magbuhay dalaga! Minsan pero wala naman akong pinagsisihan na ako ang naging bread winner nang pamilya namin.

Nasa isang bar sina Rhia ng gabing iyon, katatapos lang ng trabaho nila.

Ito na ang nagiging pang-unwind nila sa tuwing nalalagay sila sa mabibigat na trabaho, as usual ang mga Colleague at long time friend niya pa rin ang kasama niya. No choice eh, hehehe joke lang po!

"Hey have you heard the news?" tanong ni Alden.

"What news naman yan? Ikaw Alden may pagkatsismoso ka talaga." Sabi ni Rhia.

Dahil pagdating sa balita, ito ang laging updated, hindi siya totally na tsismoso, slight lang naman daw. Ewan ko ba bakit sa kanilang dalawa ng asawa nito ay siya ang mahilig sa balita,

"Babalik na siya!" masiglang sabi nito.

"Sinong siya ba honey?" tanong ng asawa nitong si Arrey.

Bago ito sumagot ay tinungga muna niya ang isang baso ng wine.

Nakatingin na kami halos lahat sa kaniya ay hindi pa rin ito nagsasalita.

"Alden ano ba? Magsasalita ka ba o magsasalita ka?" naiinis kong tanong. Paano hilig na rin nito ang magbalita pero hindi muna agad sasabihin.

My Happy Ending (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon