short update lang po siya ...
kaya salamat sa mga nagbabasa ng MHE ...
as in sobrang tenk you po...
last update ko na rin ito dahil tinapos ko na po ang storyang ito :))
--
Pagbalik ko sa kwarto ni jiggy, inabutan kong naglalaro na yung kambal with there daddy. Ang cute nila tingnan.
“hi mommy, nandito na pala si buo na ule tayo” masiglang sabi ni jiggy, kung tingnan ko siya ngayon parang wala itong sakit.
“oo nga po mommy, mamamasyal na tayong kumpleto”
Syete. Tuwang tuwa yung kambal na nandito na yung daddy nila, kung alam ko lang na magiging ganito sila kasaya sana noon ko pa pinakilala yung daddy nila. ang kaso nga naging selfish ako kaya ayun…
“mommy paglabas ko dito pasyal tayo agad ha?” pakikiusap ni jiggy.
“oo naman, mamamasyal tayo kahit na saan niyo pa gustuhin”
“yehey!” pagpupunyagi ng kambal.
“pero bago tayo mamasyal, jiggy take a rest first para may lakas ka na kapag namasyal tayo” payo pa ni Anthony. Agad namang humiga sa kama si jiggy.
“miggy tulog muna ko para makapasyal na tayo ha”
“sige pahinga ka na jigs”
Buti na lang at mababait ang mga anak niya kaya hindi siya gaanong nahirapan na palakihin ang mga ito.
“sabi pala ng doctor bumubuti na raw ang lagay ni jiggy, pwede na siyang makalabas next week and di na daw kelangan ng operasyon dahil kaya naman dawn g amot ang sakit niya”
Tae baket parang biglang galing ni jiggy ng dumating si Anthony? Ano si Anthony gamot niya???
“salamat Anthony”
“wala pa kong nagagawa para sa inyo ng mga bata kaya wag kang magpasalamat”
Kung alam mo lang. “basta thank you pa rin”
Nagulat na lang ako ng bigla niya kong niyakap.
“please give me a second chance Rhia”
Second chance? Is he deserves a second chance? Pero paano na si Joy?
“ayiii” napabitaw na lang ako bigla ng makitang kanina pa masayang nanunuod samin ang kambal.
Anak ng… nakalimutan kong nasa kwarto pa kami ni jiggy…
Ampupu naman napakasama kong nanay sa mga anak ko…
“sorry” nahihiya ko pang sabi saka lumabas ng kwarto, narinig ko pang nagtatawanan ang mag aama sa kwarto. Teene naisahan ako ng mga yun ah.
--
Heto na naman si ako busy sa trabaho pano ba namang hindi eh ngayon ang labas ni jiggy sa ospital ang kaso naman tong boss ko tinamabakan ako ng trabaho kaya ayun nakiusap pa k okay Anthony na ito na lamang ang sumundo rito.
Syempre tatanggi pa ba iyon?
“huy ngayon labas ni jiggy ha? Baket nandito ka pa?” puna ni Arrey.
“imba kasi si Sir Espina eh, tinambakan ako ng trabaho, take note ngayon araw pa kung kelan lalabas si jiggy” pagmamaktol niya sa kaibigan.
“ahh kaya naman pala, eh sino na ang susundo kay jiggy?”
“si Anthony”
“naks talagang bumabawi ang gunggong na yun sa inyong mag iina ha?”
I just smile. Oo bumabawi na nga si Anthony, ito rin ang nagbayad ng bill sa ospital, ang bumibili ng ganot . halos ito na nga rin ang gumagastos sa lahat.
“oy yung mga ngitian mong yan Rhia ha”
“oh baket? Anong meron sa ngiti ko?”
“itsura mo, if I know pinagnanasaan mo na naman si Anthony gaya nung college tayo”
“hoy di ko pinagnasaan yun no”
“itsura mo”
“maganda”
“alam ko”
“ako rin maganda”
“di ko alam yun”
“oy madaya ka ha”
Kasalukuyan kaming nasa pag aasaran ni Arrey ng dumating si Joy ng umiiyak.
“Rhia nasa inyo ba si Anthony?”
“nasa ospital siya, susunduin niya si jiggy ngayon kasi ang labas ng anak ko sa ospital eh”
“ganun ba”
“baket umiiyak ka?” tanong ni Arrey
“ilang araw na kasi siyang hindi umuuwi eh”
“buti nga” bulong ni Arrey kaya ayun siniko ko.
“aray girl ha”
“umayos ka nga” binalingan ko naman si Joy na nagpupunas na ng mga luha, “sorry Joy ha, kung nauubos ni Anthony ang oras niya sa mga bata”
“naiintindihan ko naman Rhia, pupuntahan ko na lang siya mamaya sa opisina niya”
“ay wag dun, nasa Frexeneit bar kami mamaya, dun mo na lang siya puntahan” sagot ni Arrey.
“sige salamat” ng makaalis si Joy ay saka ko hinarap si Arrey.
“di muna ako makakasama, gusto ko namang makasama ang anak ko”
“KJ mo Rhia, saka sandali lang naman tayo eh”
“eh kasi…”
“ang tumanggi unggoy”
“at ikaw yun”
“oo president ka ng mga unggoy eh”
“oo ikaw adviser”
“ipagkalat mo”
“trending na sa twitter”
“oo dami na nga naglike sa fb eh”
“oo pati views sa youtube”
Pasensya na ha, ganito talaga kami mag usap eh. parang mga wala sa sarili.
_______________________________________
thanks sa mga votes and like niyo ... ^_________________^
well apreciated po siya ...
love you all ^______________^
![](https://img.wattpad.com/cover/4033929-288-k670262.jpg)