Nakangiti si rhia ng pumasok sa kaniyang trabaho, bukod kasi sa payday uli ngayon ay nakalabas na ng ospital si jiggy at nagiging mabuti na rin ang lagay nito.
Pakanta kanta pa nga siya habang naglalakad sa corridor.
Mahal na mahal
Yan ang damdamin na sayoy
Nararamdaman
Kung di mo alam
Pusoy, di mapalagay
Pag di ka nakikita
Oh bakit gan….
Napatigil siya ng bahagya ng makasalubong niya si mr. espina
“good morning sir!” bati niya rito.
“aba mukhang Masaya ka ngayon at pakanta kanta na lang ha?”
Ngumiti ako ng pagkatamis tamis, “medyo lang sir.”
“alam mo, yang ganda ng boses mo, gamitin mo na lang yan mamaya.”
“mamaya?” anong meron mamaya at gagamitin daw niya ang napakaganda niyang boses?
“balak mag-unwind ng mga empleyado kasama ang mga board of members ng kumpanya kaya sumama ka mamaya, treat ng presidente.”
Agad siyang tumango at napangiti ng makaalis na ito. Aba! Mag-a-unwind daw ang buong kumpanya at libre pa ni mr. president! Aba okie ah? Makakapagrelax na, makakalibre pa.
Nagtungo na siya sa kaniyang opisina pero naabutan niyang nakakunot ang noo ni romel habang nasa cubicle ito ng kaniyang sekretarya.
“hoy bakit ganyan ang mukha mo romel, wala pang biyerne santo oy.”
“rhia diba may alam ka sa computer? Pakiaayos naman nito.”
“patingin nga?” sabi ko at naupo sa harap ng monitor.
“patay may virus ang computer at corrupted ang lahat ng files”
“What?” nakita niyang nanlaki ang mga mata ni romel, halatang nanlumo ito sa mga files. Lihim siyang napangiti.
Ang kaibigan ko talagang to oh, ang sarap pagtripan minsan.
“rhia anong gagawin ko para wala ang virus?”
“Actually, madali lang. ilibre mo ako ng lunch para mawala ang virus.”
Nakita niya ang unti-unting pagkunot ng noo nito.
“rhia hindi ito ang oras para pagtripan mo ko.” Tinalikuran na siya nito at pumasok sa kaniyang opisina, sinundan ko naman ito para humingi ng sorry.
“romel, uy romel sorry na.” pero hindi pa rin niya ako pinapansin hanggang samakaupo sa kaniyang silya.
“romel sorry na. ano bang pwede kong gawin para mapatawad mo ko?”
“kiss me!”
What? Ngalingaling sakalin kita diyan eh, naku ka romel pasalamat ka at magkaibigan tayo.
“hindi rin ito ang oras para pagtripan mo ko.” Sabi ko at naglakad na palabas ng opisina ni romel.
“weak!” narinig niyang sabi nito.
“kutusan ko mukha mo diyan eh, weak mo your face.”
Natawa na lang si romel kay rhia, kahit kelan talaga ang babaeng iyon masarap asarin.
Kaya mahal na mahal kita eh.
Isip niya.
--
“ano kaya ang nakain ng president at nilibre tayo?” tanong ni alden.
