Miguel's POV:
Matapos nang klase ay agad akong pumunta sa mga kaibigan ko, since highschool ay nakagawian na naming maglaro. Varsity ako ng basketball at nakakatulong 'yun para sa akin para mapababa ang tuition ko. Isa pa may dance group rin kami dito at bawas rin 'yun sa tuition ko. Mabuti na lamang may ganung activity dito kaya naman napapabawas ang bayarin ko.
"Miguel!" si Jessica sa masayang boses kaya napangisi ako at agad na pumunta sa table kung nasaan silang lima.
"Kumusta ang klase mo? Balita namin kaklase mo raw ang babaeng anak ng Madrigal?" tanong agad ni Adam.
Napatingin sila sa sa aking lahat kaya tumango ako. "Oo, kaklase ko siya sa apat na subject. Magkatabi pa kami sa likod dahil matangkad rin siya," paliwanag ko.
"Palaging napapa-away 'yun dito. Paano karamihan dito ay hindi siya gusto dahil na rin sa past issue ng Papa mo at ng Mommy niya. Kaya lahat ng bumabangga kay Celestine, pinapatalksik dito sa eskwelahan," ani naman ni Gerald.
Alam ko 'yun noon pa, dahil nung naghigh school ako rito at palagi ko siyang nakikita. May mga oras pa nga na nakikipag-away siya sa mga collage student dahil na rin sa hindi pagkakaunawaan. Kaya naman simula nun palagi kong binabantayan ang mga kilos niya, masyado kasing mainit ang ulo niya at kaunting salita mo lang ay napipikon siya.
"Wala naman akong pakielam doon dahil gusto kong makapagtapos ng pag-aaral," mahinahong sambit ko habang kumakain.
Nakita namin sa hindi kalayuan si Celestine, nakataas ang kanyang kilay at nakahalukipkip sa mga lalaking nakapaligid sa kanya. Nangunot ang noo ko dahil puro lalaki ang kasama niya, wala bang babae?
"Teka, bakit puro lalaki ang kasama niya?" tanong ni Raquel habang nakakunot ang noo.
Natawa si Jessica. "Sa pamilyang Madrigal, nag-iisa lang siyang babae at siya rin ang babaeng apo ni Heneral Madrigal." Napatango naman ako dahil hindi ko alam ang tungkol doon.
"Wala manlang siyang kaibigang babae o pinsang babae?" tanong na naman ni Raquel.
"No, because of her bitchy attitude walang gustong maging kaibigan siya ngunit karamihan ay takot sa kanya dahil sa taas ng antas ng pamilya nila," ani Jessica kaya napatingin ako sa kanya at napatango.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako sa susunod kong klase which is kaklase ko na naman si Celestine. Tumabi ako sa kanya dahil parehas kaming nasa likod dahil sa katangkaran namin. She looked at me kaya umiwas ako ng tingin at lumayo ng kaunti sa kanya.
Nagsimula ang klase namin at agad akong nakinig, pansin kong wala siyang ganang makinig dahil bukod sa papel ang hawak niya, gumuguhit rin siya ng kung anu-ano. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga iginuguhit niya. Seryoso lang siya at kung minsan ay tinitignan ang nasa unahan.
"Miss Celestine are you listening to me?" tanong ng teacher namin.
"Yes, Miss." Napakapormal niya namang maki-usap sa mga teacher na nandito.
Natapos ang major subjects at agaran rin ang aming pag-uwi, kailangan ko pang tulunga si Papa sa shop para maglinis ng kotse. Dinala ko ang bag ko at napatingin sa sahig nang makita ang isang metal pen, I looked at her na abala sa cellphone.
"Celestine," tawag ko kaya natigilan siya at dahan-dahang napatingin sa akin.
Natgilan pa ako, ngayon ko lamang nakita ang kanyang mukha. She have this freckless on her face, bagay na bagay sa kanya. Idagdag mo pa ang malapusa niyang mga mata, para siyang diyosang may malapusang mga mata.
I cleared my throat. "Naiwan mo." Binigay ko ang metal pen at napaawang ang labi niya at mabilis na kinuha 'yun.
"Uh, salamat..." aniya sa mahinang boses at iniwas ang paningin bago umalis sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
Music Series 1: Born for You
RomanceCelestine Emerald Madrigal became one of the richest people in her family. A family whose sole purpose was to become more wealthy, expand their properties, and be more influential and powerful. Her entire life, she had to live up to her family's exp...