Kabanata 14

1.5K 53 1
                                    

Miguel's POV:

Kumaway agad ang mga kaibigan ko sa akin kaya ngumisi ako at pumunta agad sa kanila. Nakipag-apir ako sa mga kaibigan ko at nakipagtawanan sa kanilang lahat. Ngumisi rin ako kay Jessica na kumapit sa aking braso at ngumiti. Nandito pa rin pala sila sa quadrangle dahil maaga pa naman at mamaya pa ang simula ng klase.

"Napapadalas ang pagpapacute mo kay Miguel, Jessica." Natawa ako sa sinabi ng aking kaibigan kaya napasinghap si Jessica at nagtaas ng kilay.

"Palagi naman akong ganito, ngayon mo lang talaga napansin," nakasimangot na sambit ni Jessica kaya napailing.

Napatingin ako sa hindi kalayuan at natigilan. Nakita ko si Celestine sa kanyang uniporme habang suot niya ang bag ng kanyang gitara, may dala rin siyang dalawang drum stick na nasa kanyang kamay. Bigla na lang nag slow motion ang lahat sa akin, naglalakad siya sa gitna habang ang araw ay sinusundan siya.

"Miguel natulala ka na diyan!" si Jessica sa pasinghal na boses kaya napakurap ako.

Tinignan ko ulit si Celestine na papalapit sa amin? Lumunok ako ng magtama ang paningin naming dalawa at 'yun na naman ang nakaka-akit niyang mga mata. She raised her brow at tinignan ang mga kaibigan ko bago niya kami lagpasan at doon lang ako nakahinga ng maluwag.

"Ang intimidating niya talaga," sambit ng isa kong kaibigan.

"Tumataas balahibo ko kapag titignan siya sa mga mata," sambit naman ni Antonio.

Napailing na lamang ako at agad kaming pumasok sa classroom, as usual kaklase ko siya. Umupo ako sa tabi niya at nakita siyang parang wala sa mood kaya hindi ko na siya kinulit at baka magalit pa.

"Alright, since malapit na ang foundation day natin. Alam kong magiging busy ang lahat ngunit huwag niyong kakalimutan ang mga asignatura ninyo at ang iilang projects na pinapagawa ng bawat teacher," sambit ng aming guro.

"Yes Ma'am!" sabay-sabay na sambit naming lahat.

Sumulyap ako sa katabi ko na naglalaro ng ballpen. Ngayon ko lamang napansin na nakatali ang kanyang buhok, bumuntong hininga siya na para bang ang laki-laki ng kanyang problema.

"May problema ka?" tanong ko habang nakatingin sa aking notebook.

"Huh?" nagtatakang tanong niya ngunit umiling rin. "Okay lang ako," dagdag niya at umiwas ng tingin.

"You don't look okay to me," seryosong sambit ko at pinaglaruan ang ballpen na hawak ko.

She sighed and pouted her lips while looking at me kaya napatitig ako sa labi niya at napalunok. Tinignan ko siya na nangingilid ang luha sa mga mata kaya nataranta ako.

"I don't want to marry someone at this age!" si Celestine sa iritadong boses kaya nanlaki naman ang mata ko. "Ayoko pang maging 20! Paano nalang ang pangarap kong maging pintor kung ikakasal ako ng maaga?" dagdag niya at napahilamos ng mukha.

"Sinabi mo na ba sa mga magulang mo na ayaw mo?" mahinahong tanong ko at inayos ang kanyang buhok.

She shook her head. "No, kung sasabihin ko man. Ayokong madissapoint sila sa akin, syempre as the only girl on our family, obligation kong sundin sila." Napabuntong hininga ako at sinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Shh. Kaya nga tayo may bibig para makapagsalita, kung ayaw mo talaga tell your parents. As what you said, maiintindihan ka naman nila dahil alam ko kung gaano katigas 'yang ulo mo. Daig pa bato." Natawa ako at tinapik tapik ang kanyang ulo.

She groaned. "You're not helping!" si Celestine sa naiinis na boses at tinignan ako ngunit kalaunan binagsak ang ulo sa aking balikat.

Nanatili kaming nasa ganung posisyon habang pinapaypayan ko siya. Bumuntong hininga ako at kinagat ang aking labi, nasanay na ako na ganito kami kalapit. Nasanay na ako na ganito ang pakikitungo namin sa isa't-isa, komportable at hindi nakakailang kahit pa may mga momentum na ang awkward talaga.

Music Series 1: Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon