Miguel's POV:
Kaagad akong umakyat sa itaas para silipin si Mikael, kakatapos ko lamang sa trabaho sa hospital at ngayon lang ako nakauwi dahil napakaraming pasyente. Bukas naman ang alis ko patungo sa barko dahil kailangan ko pa ring ipagsabay ang pagiging doctor at isang seaman. Ilang taon na ang nakakalipas simula nung mangyari ang gabing 'yun. Ang gabing bumago sa akin at sa aking buhay.
Binuksan ko ang kwarto at napangiti ng makitang natutulog na si Mikael sa kanyang kama. Lumapit ako doon at iniligpit ang kanyang mga gamit na robot at sasakyan. Napataas ang isa kong kilay ng makita kung gaano kakalat ang sahig dahil sa dami ng kanyang laruan.
Mikael Jordan Dela Vega. Natagpuan ko lamang siya sa labas ng bahay namin ng isang gabing umuwi ako galing sa aking trabaho. Hindi ko alam kung sino ang naglagay sa kanya dahil balot na balot siya at nakalagay sa isang maliit na basket. When he opened his eyes, something make my heart beats fast. Pakiramdam ko ay akin siya, pakiramdam ko ay anak ko siya kaya naman inalagaan ko siya.
Simula ng dumating siya sa buhay ko, naging maswerte ako at kahit papaano ay nababawasan ang lungkot ko. Hindi ko alam kung kanino siya ngunit tinuturing ko na siyang anak, I work abroad para lang sa kanya mabuti na lamang at nandito si Mama. Siya ang tumulong sa akin kung papaano mag-alaga ng sanggol.
"P-papa?" Napatingin ako sa kanya dahil gumalaw siya at kinapa ang kanyang higaan.
"Sleep, Mikael. Dito lang ako," malambing na sagot ko dahil madalas ay kung anu-ano ang mga panaginip niya.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi na puno ng freckless, napangiti ako dahil may na-aalala akong babaeng mayroong ganito. Naging mapait ang aking ngiti ng ma-alala si Celestine, ang babaeng mahal ko. Huminga ako ng malalim at hinalikan ang noo ni Mikael bago umalis sa kanyang kama.
Napatingin ako sa painting na nasa gilid ng kama ni Mikael, painting 'yun na ginawa ni Celestine. Gustong gusto 'yun ni Mikael kaya naman palagi niyang ginagaya ang bawat linya at hugis ng mga ito. He's 7 years old pero englishero, hindi ko nga alam kung saan niya natutunana ang pagsasalita ng English.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit pa inaantok ako ay bumangon na ako, ayokong mahuli sa trabaho dahil kailangan kong tignan ang aking barko. After working so hard, nagkaroon na rin ako ng sariling barko at ako mismo ang nagmamaneho nun. Na-aalala ko lang ang pinaghirapan ko sa loob ng ilang taon para lang doon, napapangiti ako kapag naalala ko kung gaano ako kasaya kay Mikael.
"Good morning Papa!" si Mikael sa masiglang boses at yumakap agad sa aking baywang.
"Kumain ka na ba? Ang guwapo mo ha?" nakangising sambit ko at tinanguan si Jessica kasama ang babae niyang anak.
"I was waiting for you po," aniya at hinila na ang kamay ko. "I'm hungry na po Papa," malungkot na sambit niya.
Natawa na lamang ako sa kanya at agad siyang pinaghila ng upuan, nakita ko ang paglabas ni Avery sa kanyang kwarto. She's now a flight attendant kagaya ng pangako siya sa akin, ang kapatid kong si Raquel ay nasa ibang bansa para magtrabaho.
"Good morning, Kuya." Simula ng lumabas si Avery sa hospital naging malamig ang pakikitungo niya lalo na kay Jessica. Hindi ko alam kung anong problema niya dahil pansin ko ang disgusto niya kay Jessica.
"Si Kisses ay nasa eskwelahan na," ani ni Mama at ngumiti sa akin. "Kailan mo balak pag-aralin si Mikael?" tanong niya.
"Bukas, ie-enroll ko na rin siya pero baka isama ko siya sa barko dahil bakasyon pa lang naman at next year pa ang balik ng mga bata," sagot ko at inalalayan si Mikael.
Pagkatapos naming kumain ay agad na akong nagbibis, maaga pa ang alis ko dahil kailangan kong tignan ang kalagayan ng barko. Nagpatayo rin ako doon ng isang clinic para kung sakaling may mangyari ay maagapan ko kaagad.
BINABASA MO ANG
Music Series 1: Born for You
Storie d'amoreCelestine Emerald Madrigal became one of the richest people in her family. A family whose sole purpose was to become more wealthy, expand their properties, and be more influential and powerful. Her entire life, she had to live up to her family's exp...