Miguel's POV:
Dumaan ang anim na buwan at talaga namang hindi ako makapaniwala na walang araw akong hindi lumisan sa aming klase. I was enjoying it na kahit pa pagod ako sa trabaho ko ay hindi ako nagpatalo, I want to be on top dahil nangako ako kay Mama na magtatapos ako. I want to be a Seaman, gustong gusto ko ang magmaneho ng isang malaking barko.
Sa anim na buwan na aking pamamalagi sa school, I was always bumped to Celestine. Hindi ko talaga maintindihan ang kanyang ugali dahil kung minsan mabait, minsan naman akala mo napakaperpekto niya. Palagi ko siyang nakikitang nakikipagsagutan sa mga kaklase namin, minsan naman nakikita ko siya sa mall at kung anu-ano ang binibili.
Sabagay, mayaman sila at kayang kaya nilang bumili ng kahit na ano. Hindi sila kailanman naghinayang kahit pa piso pa 'yan. Samantalang kami kahit pa mahulog ang piso sa madumi ay talagang dadamputin namin. Minsan naiisip ko, hindi ba sila nauubusan ng pera? Hindi ba nila naiisip na puwede silang makatulong sa mga katulad ko gamit ang pera nila?
May mga mayayaman kasi na iba ang ugali. Mayroong mayaman na hindi marunong lumingon sa pinanggalingan at mayroong mayaman na marunong makipag-ugnayan sa mga taong tumulong sa kanya. Siguro nga iba't-iba ang mindset ng mga tao ngayon.
"We're having a group activities. By four kayong lahat at gusto kong makabuo kayo ng thesis title at by the end of the school year, you need to passed it to me. Complete and organize," ani ng aming English teacher.
Kaagad akong nag-isip, marahil marami akong trabaho ngayon. Isa pa ang nalalapit na basketball game para sa foundation day. Siguro gagawa na lang ako ng listahan o kaya naman makikiusap sa grupo ko. Sana naman hindi ko maging kagrupo itong katabi ko.
"Group three will be..." sambit ng aming teacher at tinigan ang kanyang class record. "Madrigal, Dela-Vega, Santos, at Marquez." Natgilan ako at napatitig sa unahan.
"Oh my God," narinig ko ang O.A na boses ni Celestine. "Are they nice ba? Puro babae pala ang kasama ko," dagdag niya.
Kumunot lang ang noo ko at hindi nagsalita, malay ko ba kung ako ang kinakausap niya. Sakto namang nagtama ang paningin namin, tumaas ang kilay ko bilang pagtatanong kung bakit siya nakatingin sa akin.
"Kaya mo bang makatapos ng isang thesis papers?" tanong niya sa seryosong boses habang pinaglalaruan ang kanyang mint green ballpen.
"Sa tingin ko ay kaya ko naman," mahinahong sambit ko.
She nodded her head at agad na may isinulat sa papel, napatitig ako sa pangalan ko na isinusulat niya sa kanyang papel. Bakit ang ganda ng penmanship niya? Bakit parang gusto ko na siya ang magsusulat ng pangalan ko? Pinilig ko ang aking ulo at iniwas sa kanya ang aking paningin.
"Go on, puwede niyo ng kausapin ang mga kagrupo ninyo," sambit ng aming teacher.
We form a circle using our chairs, tama nga siya dahil puro babae ang kasama namin at ako lang ang lalaki. Tinignan nila ako at ganun rin ako sa kanila, kumunot lang ang noo ko ng makitang naghagikgikan silang dalawa.
"So, anong title ang gusto ninyo?" tanong ni Celestine at supladang pinagkrus ang kanyang mga hita.
"Difference between poor and rich," suhestiyon ni Santos, babae kong kaklase.
Tinignan ko ang reaksyon ni Celestine doon, nakangiwi ang kanyang mukha at agad na isinulat ang title. Nagtanong pa siya kaya naman nagbigay rin ako ng idea sa kanya na agad niyang sinang-ayunan. Nagbigay rin kami ng topic at iilang main idea sa gagawin naming thesis.
"Si Miguel alam ko may trabaho siya sa gabi at hapon. Kaya naman baka puwede nating iadjust ang oras natin para makasama siya?" sambit ng isa kong kaklase.
BINABASA MO ANG
Music Series 1: Born for You
DragosteCelestine Emerald Madrigal became one of the richest people in her family. A family whose sole purpose was to become more wealthy, expand their properties, and be more influential and powerful. Her entire life, she had to live up to her family's exp...