Kabanata 18

1.4K 42 5
                                    

Miguel's POV:

Buong maghapon ay nasa klase lang kami at nakikinig, katabi ko si Celestine na gumuguhit na naman sa kanyang sketch pad. Sinasabi ko naman sa kanya kung ano ang pinag-aaralan at matalino si Celestine dahil kahit hindi siya nakikinig ay alam niya ang sagot. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag nasabi mo na sa kanya ang nararamdaman mo. Alam kong masyadong mabilis, mabilis rin kasi akong tinamaan sa kanya.

Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang ballpen na hawak ko habang nakikinig. Natapos ang aming klase kaya nagunat ako ng aking katawan at napatingin kay Celestine na nag-aayos na ng buhok, suot ang kanyang salamin, at nakasuot pa ng headband.

"Sabay tayo uwi?" tanong ko at napatango siya.

"Hindi ko dala ang kotse ko, hinatid kasi ako kanina ni Kuya Charles. I'm so lazy to drive my car," aniya sa malumanay na boses.

Aaminin kong namamangha ako sa kanya, imagine having a car at the age of 18. Iba talaga kapag mayaman ka, nabibili mo ang lahat ng gusto mo at isa pa, she's so matured na iisipin mong nasa 20's na siya. But when she's with me, napakaisip-bata ni Celestine tipong kaunting bagay napakaiyakin niya.

Sabay kaming naglakad ngunit nakita ko si Jessica sa hindi kalayuan, kumunot ang noo ko at natigil sa pakikipag-usap kay Celestine. She walk towards us at huminto sa harapan naming dalawa.

"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong niya sa seryosong boses at tinignan si Celestine.

"About what?" tanong ko ngunit tinignan niya lang ako kaya bumuntong hininga ako. "Mauna ka na susunod ako," mahinahong sambit ko kay Celestine.

"Sure," nakataas ang kilay na sambit niya at tinignan si Jessica bago umalis sa aming harapan.

Tinignan ko muna ang papalayong si Celestine na diretso ang lakad, para talaga siyang modelo. Ngunit alam kong walang tatanggap sa kanya dahil sa kasungitan at katarayan niya.

"Magkasama na pala kayo. Alam mo naman siguro Miguel kung anong pinagkaiba ng antas ninyong dalawa." Napatingin ako kay Jessica ng bigla siyang magsalita.

"Alam ko naman 'yun at hindi ko kailanman nakalimutan," malumanay na sambit ko.

"Miguel, she's a Madrigal at dahil sa mga Madrigal naghirap kayo. Kayo ng pamilya mo," seryosong sambit niya at nagtagis ang panga ko.

"Hindi mo kailangang sabihin sa akin dahil alam ko ang ginagawa ko," seryoso sambit ko.

She smiled and chuckled. "Oo, dahil sa kakasama mo kay Celestine nakalimutan mo na kaming mga kaibigan mo. Palagi na lang siya ang kasama mo, maayos naman tayo nung wala pa siya ha?" sambit niya sa iritadong boses.

Simula ng makilala ko si Celestine lumayo ako sa kanila dahil alam ko kung gaano nila kaayaw si Celestine, kaya naman I protect Celestine and chose her. Hindi ako nagsisi na ginawa ko 'yun dahil gusto ko lang ilayo si Celestine sa kanilang lahat. Sa puwedeng makasama sa kanya dahil alam ko kung gaano nila kadisgusto si Celestine at ang pamilya nito.

"Nandiyan kayo para sa akin, oo at alam ko 'yun. Naiintindihan naman kita at alam ko kung bakit ka nagkakaganyan," seryosong sambit ko at huminga ng malalim.

She sighed. "Pinagsasabihan lang kita dahil ayokong sirain na naman ng mga Madrigal ang buhay ninyo. Ayokong na masira ang pamumuhay ninyo," sambit niya kaya napatango ako.

"Alam ko at naiintindihan ko. Hindi mo kailangang sabihin sa akin lahat ng 'yan dahil alam ko kung ano ang ginagawa ko." Tumango siya at naglakad papalayo sa akin kaya napasuklay ako sa aking buhok at napabuntong hininga.

Alam kong iniisip niya lang ang magiging kapakanan ko ngunit kaya ko ang aking sarili. Alam ko ang ginagawa ko at hindi niya ako kailangang pagsabihan na para bang bata ako at siya ang nakakatanda. Hindi ko kailaman nagustuhan ang mga taong palaging pinangungunahan ang desisyon ko ngunit naiintindihan ko si Jessica.

Music Series 1: Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon