Simula:
Ilang taon na ang nakakalipas simula nang maghiwalay kami, hindi ko nga alam na sa sobrang tagal ay palagi kong hinihiling na sana, hindi na kami naghiwalay. Sana pala ay hindi nalang ako naniwala, sana pala hindi nalang ako nagmatigas. Siguro ganun talaga kapag nagmamahal hindi ba? Kahit masakit, hahayaan mo siyang maging masaya. Ganun naman talaga, give and take.
Habang ina-alala ko ang nakaraan patuloy na nanunumbalik sa akin ang mga sugat ng kahapon. Nanunumbalik ang lahat ng masasamang ala-ala sa akin, wala akong ibang hinangad kundi ang mapabuti ang lahat. Pero bakit tila naging impyerno ang aking buhay?
Sabi nila magiging masaya ako kapag ikinasal ako? Pero bakit tila kabaligtaran? Bakit tila demonyo ang nakasalamuha ko? Kailan ko ba mararamdaman ang tunay na pagmamahal? Kasi sa totoo lang hindi ko na alam ang salitang 'Pagmamahal'.
"Magiging ligtas ka dito, Celes." Napatango ako nang makarating kami sa malaking yate.
"Sana...hindi nila ako mahabol at makita dito," mahinahong sambit ko habang inaayos ang telang nakatakip sa aking ulo.
"Ingatan mo lamang ang iyong ulo, alam mo naman ang nangyari sa'yo hindi ba?" aniya at marahang hinaplos ang aking ulo.
Nangilid ang mga luha sa aking mga mata dahil kay hirap nang aking pinagdaanan. Napatingin ako sa aking katawan, hindi na ito ang dating ako, punong-puno ng galos at pasa ang aking katawan. Paano nga ba nangyari ang lahat ng ito?
"Magpahinga ka muna, sisiguraduhin kong hindi ka niya mahahanap dito," aniya sa seryosong boses.
Tumango ako at kaagad na naghanap ng aking kwarto, pumasok ako doon at maingat na nilapag ang aking mga gamit. Natulala ako sa isang sulok at pakiramdam ko ay ngayon lamang ako nakahinga ng maluwag. Ngunit sariwa pa rin sa akin ang nangyari ilang taon ang nakalipas.
"Sana...magkita tayong muli. Handa akong sumama sa'yo." Nangilid ang aking mga luha habang pinagmamasdan ang aking inukit na bangka kasama ang kanyang pangalan sa gilid.
Umaga palang ay gising na gising ang aking diwa, kasabay nun ay ang sinag nang araw na nanggaling sa bintana ng aking kwarto. Nakita ko ang aking pinsan, napangiti ako. Kahit kailan ay hindi niya ako pinabayaan. Marahan akong napapikit at napahawak sa aking ulo kaya naman huminga ako ng malalim.
I wore my brown hoodie at isang boots, kaagad akong lumabas at namangha sa kabuuan ng dagat. Puno ito ng mga sunflowers kaya kay sarap pagmasdan. Napangiti ako at nakitang maraming tao ang nandito, kanya kanya silang titig sa payapang dagat sa gilid.
Pinagmamasdan ko ang dagat habang naglalakad ako, ngunit may narinig akong iyak ng bata. Napakunot ang noo ko at kaagad na naglakad sa kabilang gilid at doon nakita ko ang isang batang lalaki na kaunti nalang ay mahuhulog na.
"Oh my god!" Dali-dali akong naglakad patungo doon. "Kumapit kang mabuti!" sambit ko at nagpalinga-linga sa paligid dahil walang tao dito.
Kinakabahan ako dahil umiiyak na siya habang nakapikit, lumunok ako at mabilis na humakbang sa railings at binigay ang kamay ko. Dumilat siya kaya napasinghap ako nang makita ang kanyang mga mata. Katulad ito ng akin. Blue and Green.
"Help me..." mahinang bulong niya at umiyak na naman.
"T-tulungan kita...uh...hawakan mo ang kamay ko, bubuhatin kita okay?" mahinahong sambit ko at hinawakan ang kanyang kamay.
Sa abot ng aking makakaya ay kaagad ko siyang iniangat, pumipintig ang ulo ko kaya naman muntikan ko na siyang mabitawan. Sabay kaming napasigaw at bumagsak sa sahig, tinakpan ko ang kanyang ulo at sabay kaming napahiga at napatitig sa isa't-isa.
"M-mommy?" maluhang luhang sambit niya at niyakap ako ng mahigpit.
Napakurap ako at kaagad na tumayo kasama siya, pinunasan ko ang kanyang luha. Nginitian ko siya dahil napakaguwapo niya, it reminds me of someone.
"Fuck! Mikael! Nasaan ka ba anak?" Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses.
"Daddy!" sigaw ng bata at dali-daling pinuntahan ang lalaking kanina pa sumisigaw.
"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap, you make me worried." Natigilan ako nang makita kung sino ang nasa aking harapan.
He looked at me in surprised, hindi ako nakagalaw at pakiramdam ko ay mas lalong sumakit ang aking ulo nang makita siya. Napaatras ako dahil titig na titig ang mga mata niya, kumurap ako at pakiramdam ko ay may kung ano sa aking puso nang makitang natupad niya na ang pangarap niya.
"Celestine..." mahinang pagtawag niya ngunit para akong nabingi.
Imbes na magaksaya ng oras ay tumakbo ako! Ayoko siyang makita sa ngayon, baka mamaya ay masamang mangyari sa kanya. Hindi ko pa rin siya napapatawad sa lahat ng ginawa niya sa akin. Naluluha ako habang tumatakbo at pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hangin at nandidilim ang aking paningin.
"C-celestine!" Nakita ko ang pagkataranta niya ngunit mabilis akong bumagsak sa kanyang katawan at samu't-saring ala-ala ang pumasok sa aking isip. No.
BINABASA MO ANG
Music Series 1: Born for You
RomansCelestine Emerald Madrigal became one of the richest people in her family. A family whose sole purpose was to become more wealthy, expand their properties, and be more influential and powerful. Her entire life, she had to live up to her family's exp...