Kabanata 38

1.8K 57 8
                                    

Celestine's POV:

Nagtawanan kami ni Avery habang ang tatlong aso ko ay nasa kanya, masaya akong makita na isa na siyang flight attendant. Ngayon ko lamang napagtanto na nagbago ang kanyang hitsura, pananamit, pananalita, at higit sa lahat she's matured. Ilang taon na ba ang nakalipas? Parang kailan lang ay nakikita ko siyang palaging nakahiga o di kaya'y sakay ng wheelchair niya.

Natupad ang pangarap ko sa kanya at natupad lahat ng gusto ko. Huminga ako ng malalim at pakiramdam ko ay nahihilo ako ngunit pinagkibit balikat ko na lamang 'yun.

"Masaya akong nakita ulit kita ate, ilang taon na ngunit kahit na may sugat ka pa o pasa napakaganda mo pa rin," aniya dahil naikuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin.

"Huwag lang sanang makakarating kay Miguel ang sinabi ko sa'yo," sagot ko at binigyan niya ako ng matamis na ngiti habang hinahaplos ang dalawa kong aso.

Nakarinig kami ng kalabog mula sa pintuan kaya napakunot ang noo ko. Sunod-sunod ang katok na animo'y nagmamadali, tumayo ako at agad na pumunta doon dahil natutulog pa sila Diego sa kwarto. Pagbukas ko ng pintuan nakita ko ang hinihingal na si Miguel. Pawisan, nangingilid ang luha, at nanginginig.

"Miguel," tawag ko ngunit isang mainit na yakap ang sinagot niya.

Natulala ako at pakiramdam ko ay nanumbalik ang init ng aking pakiramdam. Napakahigpit ng yakap niya ngunit nandoon pa rin ang pag-iingat. Napakurap ako at lumayo sa kanya, kitang kita ko ang pangungulila at pagsisisi sa kanyang mga mata.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko, binabalewala ang sarap ng yakap niya.

"T-totoo ba? T-totoo bang ikaw ang sinasabing donor ng Doctor ni Avery ha? Totoo ba?" sunod-sunod na tanong niya at bakas ang sakit sa kanyang mga mata.

Natigilan ako at napatingin sa kanya, naramdaman ko ang paglapit ni Avery sa akin. Nagulat ako sa biglaang pagkuha ni Avery ng papel mula sa kamay ni Miguel.

"Sagutin mo ako, Celestine. Ikaw ba... ikaw ba ang donor ni Avery?" tanong niya at tingnan ako.

Suminghap ako at tumango sa kanya, mas lalong dumoble ang sakit sa mga mata niya. Tinignan ko si Avery na nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Bakit mo binasa ang diary ko?" si Avery. "Si Ate Celestine ang tinutukoy ko na nagligtas sa buhay ko. Ngayong alam mo na, baka puwedeng tigilan mo na ang kataasan ng pride mo at ito na ang pagkakataon mo para makabawi kay Ate."

Kinabahan ako sa sinabi ni Avery kaya lumunok ako. Tinignan ko si Miguel na ngayon ay nakatingin sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata. Iniwas ko ang paningin ko.

"Why didn't you tell me?" halos pabulong na lamang 'yun ng magsalita siya.

"B-bakit ko sasabihin? Kapag ba sinabi ko sa'yo hindi mo na ako iiwan ha? Kapag ba sinabi ko sa'yo may mangyayari ba?" tumaas ang tono ng boses ko kaya napapikit siya.

Para siyang hirap na hirap, alam kong nagpipigil siyang sigawan ako o ano pa man ang gagawin niya. Mas lalo ko lamang nakita ang pagbabago ng kanyang emosyon, mas lalo kong nakita kung gaano na siya kataas ngayon.

"At least tell me. May karapatan akong malaman ang gagawin at dapat mong gawin, Celestine." Tinignan niya ako at tila kumislap ang mga mata niya.

Naramdaman ko ang mga pinsan ko na animo'y naistorbo sa kanilang pagtulog. Tinignan ako ni Diego at kumunot ang noo niya kay Miguel, mas lalo kong naramdaman ang pagkahilo kaya napapikit ako at muntikan ng mabuwal.

"Hindi ko sinabi sa'yo dahil alam kong magagalit ka. Hindi ko sinabi dahil alam ko kung anong magiging reaksyon mo kaya naman tinago ko na lang ang lahat sa akin," mahinang sambit ko.

Music Series 1: Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon