Kabanata 45

2.5K 62 10
                                    

Celestine's POV:

Pagkatapos kong malaman ang lahat ay agad kong pinuntahan si Miguel sa kanilang bahay. Nangingilid ang luha sa aking mga mata at kasabay ng matinding pagkahilo. Nararamdam ko na naman na para akong masusuka kahit hindi naman. Ganito ang nararamdaman ko ilang araw na ang nakalipas, I think mag da-dalawang linggo na rin. Hindi ko alam kung bakit.

Ang sabi sa akin ay hinahanap na raw ng mga pulis si Dylan. Nagdadasal ako na sana mahanap nila ang hayop na Dylan na 'yun. Gusto kong mabulok s'ya sa kulungan at kung puwede ko lang s'yang patayin ay nagawa ko na matagal na.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa tuwing naalala ko ang gabing ipinanganak ko si Mikael sa bathtub. Hindi ko makakalimutan ang malaki niyang nunal sa kanang likod niya. Nahawakan ko naman si Mikael ngunit ilang segundo lang dahil ayokong maabutan kami ni Dylan sa bahay.

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko sa driver namin na kanina pa walang imik at tahimik.

Malakas ang tibok ng aking puso habang nakasakay sa kotse namin, hindi ko nga alam kung nasaan ba si Joey. Nabalitaan ko na lang na pumanaw na ang kanyang Lola dahil sa sakit na cancer.

"Malapit na tayo Ma'am." Natigilan ako ng marinig ang pamilya na boses na 'yun. "Celestine..."

Nanlaki ang mata ko nang makita ang nakangising si Dylan. Napalunok ako at tumingin sa labas dahil ibang direksyon na ang pinupuntahan ng sasakyan.

"P-Paano ka nakatakas?" natatarantang tanong ko at agad na binuksan ang pintuan ngunit naalala kong naka lock nga pala 'to.

Mas lalo s'yang ngumisi. "Marami akong galamay pagdating sa kapangyarihan Celestine," sagot niya at inikot ang sasakyan papunta sa kung saan.

"Saan mo ako dadalhin? Pakawalan mo ako!" sigaw ko at natatarantang binuksan ang pintuan ng kotse ngunit hindi ko mabuksan.

Nagsisimula na akong kabahan dahil hindi ko alam saan pupunta. Nagsimula akong manlaban sa kanya ngunit hindi ko matalo ang kakayahan niya. Sinampal niya ako sa mukha kaya napaatras ako ngunit nagawa ko rin namang umupo ng maayos.

"Sinabi ko na sa'yo... magsama tayong dalawa at nang sa ganoon, hindi na tayo nag-away." Nandidiri ko s'yang tinignan at mas lalo kong naramdaman ang hilo sa aking ulo at ang pakiramdam na nasusuka na naman ako.

Napapikit ako at may kung ano s'yang nilagay sa aircon. Ramdam na ramdam ko ang hilo sa aking ulo at ang huli ko na lamang nakita ang kanyang malaking ngisi.

Nagising ako sa isang madilim na silid kung saan wala akong makita. Nilibot ko ang paningin ko at napagtanto na nasa basement ako. Itong basement na 'to ay pamilyar na pamilyar sa akin at hindi ako puwedeng magkamali dahil bahay 'to ni Dylan.

"Tulong!" sigaw ko at pilit na kumakawala sa kadenang nakatali sa aking mga kamay at paa.

Nangilid ang aking luha sa aking mga mata habang pilit na kumakawala sa kadena. Wala akong marinig ngunit nakikita ko sa kanan ang gate ng bahay ni Dylan. Punong puno ito ng kanyang mga tauhan at hindi lamang 'yun, nandoon rin ang Daddy niya kaya mas dumami ang tauhan niya.

"Gising ka na pala." Napatingin ako kay Dylan na kakapasok lamang ng basement at may dalang baril kaya mas lalo akong kinabahan.

"Dylan...pakawalan mo ako dito. Wala ka na namang mapapala sa akin," mahinahong sambit ko.

He smiled. "Hindi ka makakawala sa akin, hindi ngayon." Hinaplos niya ang aking pisngi kaya inis kong inilayo sa kanya. "Hintayin mo lang ang mangyayari mamaya."

Iniwan niya ako at doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Tinignan ko ang kabuuan ng basement at wala man lang akong nakitang kahit na ano para makatakas ako. Tumingala ako at pinikit ang mga mata ko. Napapagod na ako sa ganito, gusto ko ng mabuhay nang tahimik.

Music Series 1: Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon