Chapter 5 - Your Guardian Angel

43 0 0
                                    

A/N: Hey there guys! Hope you're liking my story! :))) While reading this chapter, pakinggan nyo yung song sa gilid under Multimedia Section para mafeel nyo lalo yung story hihi. Your Guardian Angel by the Red Jumpsuit Apparatus. ^_^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[CHESTER's POV]

Ikaw kasi e. Sabi ko sayo mag-iingat ka lagi. Simula ngayon lagi na kitang babantayan. Pangako yan.

Ikaw kasi e. Sabi ko sayo mag-iingat ka lagi. Simula ngayon lagi na kitang babantayan. Pangako yan.

Ikaw kasi e. Sabi ko sayo mag-iingat ka lagi. Simula ngayon lagi na kitang babantayan. Pangako yan.

"Arggggh!" halos iumpog ko na ang sarili ko sa pader kakaisip nung sinabi ko sakanya kagabi.

Narinig niya kaya yun? Baka kasi pag narinig niya yung boses ko, malaman niyang ako yun. Alam ko kase nakapikit na siya nung sinabe ko yun. Oo, totoo yung sinabe ko pero dko parin maialis sa isip ko kung narinig nya ba yun kasi naman baka iwasan na niya ko. Baka iwan niya ko. Nangako ako sa sarili ko na aalagaan ko siya pag nakita ko siya ulit. Kaya kahit anong kulit ko, wala siyang magagawa. Lagi ko na siyang babantayan.

Galit ba siya sa mga lalaki? Bakit parang wala siyang pakelam sa mga lalaki? May past experience kaya siya?

Bigla akong tumayo dahil pakiramdam ko talaga mababaliw ako kakaisip sa mga ganung bagay. Kailangan ko siya makilala. Gusto ko malaman ang maraming bagay sa kanya.

Naglalakad ako papasok sa eskwela ng makita ko yung kasama ni Shana sa hallway nung time na mabangga ko siya. (Chapter 1 incident)

Agad ako tumakbo para mapuntahan siya sa kadahilanang maraming bagay akong gustong malaman kay Shana.

Nilapitan ko siya.

"Uhmmm. Miss?" usisa ko.

"Bakit? May problema?" ay ang sungit ni ate a!

"Uhmm, wala. Ikaw ba yung kasama ni Shana dati sa hallway?" naninigurado lang ako, baka mapahiya e.

"Uhmm. Oo ako nga. Bakit? Ligaw mo ba yung bestfriend ko? Nililigawan mo na ba siya? Or should I say kayo na? Haaay sa wakas umibig na din si Shannie! Talaga yung babaeng yun di man ako sinabihan!" sunod sunod siya magsalita, dko na nga naintindihan. Ang narinig ko lang best friend niya, pagkakataon nga naman.

"Mali ang akala mo, miss. Gusto ko lang naman malaman kung ikaw ba yun. Andami mo kasing snbe e. Haha." natatawang sabi ko.

"Sorry naman. Akala ko kasi bf ka ng bestfriend ko. Masyado lang akong nacarried away. Haha." ang kulet lang ng bestfriend nitong si Shana. Nakakatuwa.

"Oh sige, salamat sa impormasyon ha? Pangalan mo nga pala?"

"Ezra. Ikaw?"

"Chester. Sige salamat Ezra. :)"

Tuluyan na kong umalis at pumunta sa klase. Sana makita ko siya. Sana makita ko si Shana.

*

6PM.

Inaabangan ko talaga siya sa gate ng school dahil ayokong mapahamak siya ulit tulad ng nangyare noon (Chapter 4 incident) Gusto ko siyang protektahan, ipagtanggol, alagaan, pagsilbihan at mapasaya pero parang ayaw niya naman na gawin ko yun. Pero kahit anong mangyari, gagawin ko yun para sakanya. Gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang siya.

Dumating na rin ang babaeng pinakahihintay ko.

"Shana.." marahan kong sabi.

Lumingon siya sakin, napakaganda at napakaamo ng mukha ng babaeng to. No wonder nagustuhan ko ang isang tulad niya.

Seryoso siyang tumingin sa akin.

"Bakit Chester?" sabihin niya lang ang pangalan ko, ang saya saya ko na.

"Pwede ba kitang ihatid pauwi? Delikado kasi gabi na oh. Gusto ko lang naman masiguro na ligtas ka." pagpupumilit ko.

"Uhmmmmm.. sige. Mapilit ka e."

Hindi ko alam kung tatalon ba ko sa saya nung pumayag siya. Dahil siguro ito sa nangyari sa kanya dati na muntik muntikan na syang gahasain nung lalaking lasing. Buti nalang nandun ako at minamatyagan ko bawat kilos niya.

"Salamat Shana ^_^"

Tahimik kaming naglakad pauwe. Walang imikan hanggang sa marating namin ang bahay niya. Maganda ang bahay nila, kung titignan mo may kayang pamilya.

"Dito na ko. Salamat ha." aniya.

"Wala yun. Ikaw pa. Gusto ko lang naman ligtas at maayos kang nakauwe."

"Bakit?" tanong niya.

"Huh? Anong bakit?"

"Bakit mo to ginagawa saken? Edi ba magkagalit nga tayo dahil binunggo mo ko? Tapos kung asarin mo pa ko, mas masahol pa sa alaskador. Eh bakit ngayon kung mag-alala ka sken sobra sobra? Nananaginip ba ko? Sino ba tong Chester na kaharap ko? Alien ba to? Nasan na yung Chester na kilala ko? Na-abduct na ba ng mga alien?" natatawa niyang sabi.

"Ihh. Ano ka ba Shana. Ako pa rin to. Napagisip isip ko lang na mas maganda kung maging ganito ako sayo." nahihiya kong sabi.

"Hahaha. Ikaw talaga. Oh siya, pasok na ko. Gumagabi na, salamat uli sa paghatid ha."

Tumalikod na siya. Pero bago siya makapasok, nagsambit ako ng ilang kataga pero mahina lang.

"Hayaan mo lang sana akong gawin to sayo. Hayaan mo lang akong protektahan, alagaan at ipagtanggol ka. Hayaan mo lang akong gawin to. Masaya akong gawin to sayo. Please, let me be your Guardian Angel."

Sana narinig niya. Sana.

LET LOVE FIND ME ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon