Unang araw ng pasok sa eskwela bilang isang kolehiyo. Syempre excited ako dahil sabi nila iba na daw ang buhay kolehiyo. Isa akong tourism student dahil mahilig ako gumala (haha) de, mahilig ako magtravel at gustong gusto ko ang subject na geography. Syempre hindi ako ganun kinakabahan dahil pareho kami ng eskwela ni Ezra - ang bestfriend ko. Pero teka nasan na ba yun?
Hoy Shana!
Teka, may tumatawag ba sakin?
SHANAAAAAAAAAAAA!!
Lumingon ako pero andaming tao wala akong makita -.- aish
SHANIEE!!
Sa nickname na yun, kilala ko na kung sino. Ang napakabait yet napakasama kong bestfriend -_____-
Sa wakas nagtagpo na ang landas namin ni Ezra. -.-
"Ano ka ba naman Ezra?! Buti nalang hindi nagalit sayo yung mga tao eh halos banggain mo na lahat ng madaanan mo." Halos inis na sabi ko.
"Eh kase naman ang bingi bingi mo! Hay nako buti nga at nakita kita dahil may kumakalat daw na balita dito!" pasigaw na sabi ni Ezra na halos ikabingi ko -.-
"Ba yan unang araw ng klase nkkitsismis kna! ano ba yun?"
"May pogi daw na kinababaliwan ang mga babae dito Shannie! HAHAHA. Alamin natin kung sino?"
Halos dagukan ko na si Ezra nung sabihin nya yun. "Do I look like I care ha?! Wala akong pakelam kahit mapaligiran pa ko ng gwapo dito no! Kilala mo ko! >.<" inis na sabi ko. Eto tlgang bestfriend ko nakuuuuuuu.
"Concerned lang naman ako sayo, Shannie. Syempre gusto ko makipagdate kna! College na tayo, NBSB ka pa din! Hmp!"
Dadagukan ko na sana si Ezra ng may biglang dumaan sa harapan namin na wari mo'y walang nakitang tao. And swear, hindi ako natuwa sa ginawa nya. >.< Sa sobrang inis ko sinigawan ko siya.
"O-Oyyy lalaking mayabang! Anong problema mo ha?! Bulag ka ba ha? Or talagang nananadya ka lang?!" dko na nakontrol sarili ko, inis na ko e.
Bigla siya humarap, at umismid sakin.
"Aba! Ikaw pa tong may ganang umismid dyan?! Baket chicks ka ha?! Yummy ka ba?" tinuloy tuloy ko na kahit aminin ko man sa sarili ko na yummy nga sya. Ay! erase erase! >.<
"Alam mo miss, wag kang magiskandalo dito. Kasalanan ko ba kung nakaharang ka sa dadaanan ko ha? Makaalis na nga dito. Ang ingay ingay." Bigla siya umismid at umalis na.
"Humanda ka talaga saken lalaking mayabang! May araw ka din!! Sana maabduct ka na ng aliens ngayon din! Tsupiii tsupii!!!" naiinis tlga ako.
Bumalik lang ako sa ulirat ng sikuhin ako ni Ezra.
"Shannie best, tumigil kna. Lahat ng tao nakatingin na sayo wag kang mag-iskandalo dito." pakikiusap ni Ezra.
Pagkatapos nyang sabihin yon, napatingin nalang ako sa paligid and yes, nakatingin silang lahat sakin -_-
LAGOT KA TALAGA SAKIN LALAKING MAYABANG! MAY ARAW DIN SAKIN!!! Argh!!
Dahil na nga sa kaiinisan ko sa mayabang na lalaki na yun, dinala nalang ako ni Ezra sa canteen. Tamang tama ginutom ako ng lalaki na yun.
Habang nakapila ako at bumibili ng makakain, may isang grupo ng mga babae na sa tingin ko pinaguusapan ako.
"OO siya yun. Blah blah. Lakas nga ng loob e. Blah blah" sabi nung babae na animo'y leader nung grupo.
Mataim akong nakikinig pero hindi ko pinapahalata sa kanila.
"Akala mo naman.. Blah blah. D naman maganda. Blah."
Aba aba! Gusto ba nilang sumunod sa bwisit na lalaki na mayabang na yun?! Wag nila kong subukan! Si shana yata to! Errr!
"Hoy shannie, wag ka magsimula dito. Kilala kita." Tahimik akong pinagsabihan ni Ezra. Like hello? Sino kayang hindi mabbwisit sa mga babae na yun? Pagkumpol-kumpulin ko pa sila e!
"Wala naman akong pakelam sa kanila e, dko naman sila kilala and ikaw lang naman ang kaibigan ko dito." Kay Ezra lang ako may pakelam no, siya lang naman kaibigan ko dito.
"Kahit na shannie, ayaw ko mapahamak ka kaya please :(" Sige na nga. Pasalamat tong best friend ko. Ayst.
"Sige na nga. Pasalamat sila nandyan ka." Tuluyan na kaming umalis sa canteen. D na rin kmi bumili ng makakain dahil kakainis mga chuvarloo dito. Amps.
Natapos ang unang araw ng klase, masaya naman. May mga nkakausap din ako, dahil hindi naman sa lahat ng oras kasama ko si ezra. Iba kasi kame ng course, Architecture sya. Tourism ako. Oh db? Layo ng interes namen, pero magbestfriend! Hehe.
Naglalakad na ko pauwe, hindi ko kasabay si Ezra kasi may gagawin pa daw sya kaya loner ang peg ko ngayon. Pero sa di kalayuan, may naaninag akong tao na papalapit sakin..
"HOY BABAENG ISKANDALOSA, may kasalanan ka pa sakin. Pagbayaran mo ngayon."
BINABASA MO ANG
LET LOVE FIND ME ♥
RomancePag pag-ibig na ang kumilos, kahit anong pilit, takas, iwas, at takbo ang gawin mo, HINDI MO ITO MAPIPIGILAN. Ito ay istorya ng babaeng nagmahal ng hindi sinasadya.