Chapter 9 - Surprise Visit

45 1 1
                                    

[SHANA's POV]

Arrrghh! >.< bakit ba kahit san ako magpunta hinahanap ako ng lalaki na yun >.< Nakakabwisit na siya ah! Mabuti pa umuwe na ko samen at panigurado hahanapin na ko sa bahay.

"Nandito na ko." bungad ko pagkapasok ko sa bahay.

Teka, bat wala sila sa sala?

"Shana, kain na. Sumabay ka na samin." sabi ni Mama. Pag ganito kasing ginagabi ako, nauuna na sila kumaen.

"Sige ma, magbibihis lang po."

Masaya kaming pamilya. Ako, si mama, si papa at si ate. Pero bihira lang namin makasama si ate kasi nasa ibang bansa siya pero yearly naman siyang umuuwe dito para magbakasyon.

Tapos na kaming kumain at hinugasan ko na ang mga pinagkainan. Maya maya lang nagpaalam na rin ako kila mama at papa na matutulog na ko.

Haaaaay. Nakakainis talaga tong araw na to. Naalala ko nanaman yung babaeng lumapit sakin kanina na akala mo kung anong inagaw ko.

Get your hands off with my boyfriend.

Get your hands off with my boyfriend.

Get your hands off with my boyfriend.

Get your hands off with my boyfriend.

Get your hands off with my boyfriend.

Tofu naman =______=

Bwisit naman kasi yung lalaki na yun alam naman na may girlfriend papansin pa ng papansin. Tss.

So yun pala girlfriend niya? Infairness maganda siya.

Teka nga?! Kelan pa ba ko nagkainteres sa kanila?! The hell I care?! Tss. I think I need to sleep at kung ano ano pa naiisip ko.

***

"Malandi kang Chester ka, may girlfriend ka na dikit ka pa ng dikit sakin. Hmmmm"

Nanaginip yata ako. Si Chester kasi dikit ng dikit saken tapos nakita kami ni Marga. Pati sa panaginip ayaw ako tantanan ng lalaki na to.

"Hmmm ano ba"

"Wag kang epal"

Nananaginip nga talaga ako. May pusa kase na nakaupo sa paa ko. Kinikiliti niya ko. Hihihi.

"Wag kang makulit muning, nakikiliti ako. Ahihi"

"Sige po mahal na prinsesa."

HUH?????? Nagsasalita si muning?

Panaginip ba talaga to? Ang weird.

-________-

Dahan dahan kong minulat ang mata ko.

-________O

O________-

O________O

Whaaaaaaaaaaaaaaaaat?!?!

Amfufu naman TT.TT

"nga pala may sinasabe ka kanina, ano ba yun? Sinong malandi?" pagtatanong ng taong muning.

"Huh? wala naman akong sinasabe ah?" yun lang ang nasabe ko dahil naalimpungatan talaga ako at kinocompose ko pa ang sarili ko.

"Don't tell me nagssleep talking ka? Hanggang sa panaginip ba naman Shana naiisip mo ko?" nangingiti-ngiti niyang sabi.

"Bakit ka nandito?" yun nalang ang nasabi ko. I was caught off guard.

"Dapat pala lagi kitang ginugulat sa paggising mo e, nagiging mabait ka. Iniisip ko kaya ang bungad mo saken * BAKIT KA NANDITO?! ANONG GINAGAWA MO SA KWARTO KO HINAYUPAK KANG LALAKI KA?!* kaso hindi e, hahaha. Asan na yung Shana na nakilala ko, ibalik nyo sya ngayon din! Haha" makatawa siya wagas ah. bwisit na to.

"Siraulo ka. Pano ka nakapasok dito? Baka pag nalaman nanaman ni Mar--------------"

Bigla niya nilapit mukha niya saken. (picture on side)

"O-ooooooyy! Lumayo ka nga!" paninigaw ko.

Imbis na lumayo siya mas lalo pa niya nilapit ang mukha niya na halos 1 inch nalang ang pagitan -___-

"LU-LUMAYO K-KA CH-CHESTER" pautal-utal kong sabi.

Nakatitig siya saken at ayaw niyang alisin ang tingin niya sakin >.<

"Si-sigaw ako!! Lumayo ka ngayon din!!" ano ba sa tingin niya ginagawa niya?! huhu.

Lumayo siya at patawa tawa.

"Walang nakakatawa." seryoso kong sabi.

"Nandito lang naman ako para magpaliwanag. Tungkol don samin ni Marga." aniya.

"I'm not interested. And please, get out of my room." pakikiusap ko.

"Bago ako umalis, gusto ko lang malaman mo na walang namamagitan samin ni Marga. She's my ex and nothing more. Matagal na kong nakamove-on sa kanya at may isang babae na nagpapatibok na ng puso ko ngayon. ^_^" tumingin siya sakin at kumindat pa siya pagkatapos sabihin ang mga kataga na yun.

"Umalis ka na." ang kulit kulit, kainis talaga tong lalaki na to.

"Aalis lang ako pag si Mama nagpaalis sakin no ^_~" sabay kindat niya ulit. Arggh!

Siya namang biglang pasok ni Mama sa kwarto.

"Shana, anak mag-agahan na kayo ni Chester. Ikaw talaga dmo man pinaalam sakin na may boyfriend ka na pala. Akala ko si --------" bago pa ituloy ni Mama, pinigilan ko na siya.

"Mama! Wag ka nga magbanggit ng bad word! And hindi ko yan bf! Nagiilusyon lang yan!" sigaw ko.

Nagtataka lang na nakatingin samin si Chester.

"Hay naku anak, ayaw mo pa aminin na bf mo yang si Chester. Ang gwapo gwapo pala na manugang ko" nangingiting sabi ni Mama.

Nahihiya namang yumuko si Chester na nangingiti. Ang kapal talaga ng mukha nya >____<

Bumaba na si Mama at tinawag na si Papa, at nagsimula ng maghain ng agahan.

"HOY, ANONG NAKAIN MO AT GUMAWA KA NG KWENTO HA?! BWISIT KA TLAGA!!" pinagpapalo ko siya.

"Hahahaha. Gusto ako ni mama, bahala ka dyan kakaen na ko." at tuluyan na siyang umalis at dumiretso na sa dining area.

NAKAKAINIS!!! Iyak nalang. T_T

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Nameet na din ni Chester ang parents ni Shana. Ayi haha. Pero sino kaya yung babanggitin sana ng mama ni Shana pero pinigilan nya? Abangan! :))))

LET LOVE FIND ME ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon