Chapter 2 - Meet "Chester"

87 3 1
                                    

Wut? Totoo ba tong nakikita ko?! That rude guy?! At anong sabi nya?! Pagbabayaran ko ang kasalanan ko?! Hindi ba dapat siya ang may kasalanan at hindi ako?!

Bago pa man din sumabog ang isipan ko, kinompose ko na ang sarili ko at hinarap siya. "Excuse me?! Anong ginawa ko sayo ha?! Kapal naman ng mukha mo para sabihin na may kasalanan ako sayo. Could you please get out of my way?!" pagtataray ko.

"Hahaha. Ang taray mo naman, kunwari ka pa, eh gwapong gwapo ka nga sakin. Kaya pala pinahiya mo ko kanina para mapansin kita ano?"

"Watduh? Wala akong pakelam sa mga lalaki! And so?! Sa yabang mong yan tingin mo kinagwapo mo yan?! Kahit paligiran pa ko ng sampung lalaki dito, I don't give a damn!" bwisit talaga tong lalaki na to. Errrr!

Bigla nya kong hinawakan at kinaladkad sa hindi ko alam na lugar.

"Manok ka ba? Putak ka ng putak! Nakakarindi!" aniya.

"Ho-ho-hoy! San mo ko dadalhin?! Are we close?! Let me go! Ano ba!" nakaramdam na ko ng takot.

Dinala nya ko sa may eskinita at sinandal nya ko sa pader. Tumaas ang mga balahibo ko at kinabahan ako.

"Wala akong maririnig na salita mula sayo. Isa pang putak mo dyan, hahalikan kita. Nagkakaintindihan ba tayo?" Napatango nalang ako at napalunok.

"Yan, masunurin ka naman palang bata e." ngingiti-ngiting sabi niya.

Gustong gusto ko na tlgang kumawala at tumakbo at tumawag ng pulis or kung ano mang makasalubong ko ay ihahagis ko sakanya, pero ayaw kumilos ng mga paa ko. Sumusunod lang ako kung san man nya ko dalhin.

Kinalaunan, dumating kami sa isang restaurant. Isang Chinese Restaurant.

"Hoy miss, pwede kang magsalita, pero wag kang puputak. Baka mapipi ka pa dyan, ako pa may kasalanan." natatawang sabi niya.

"Ba-ba-bakit tayo nandito? Ano gagawin ntn dito?" nauutal na sabi ko.

"Ah, mag-gygym tayo. Kaya nga tayo nasa restaurant diba?"

Aba talagang! Errr nakakainis talaga tong lalaki na to! "I know it's a restaurant. but, why'd you brought me here?"

"Kakain tayo. I want to get to know you better." nakangiti nyang sabi.

Sa sandaling yun, bumilis ang tibok ng puso ko.

Dumiretso na kami sa restaurant at nagsimula na syang magtanong ng tungkol sakin. Like kung ano pangalan ko, ilang taon na ko, kung may kapatid ba ko, etc. Ako naman, isang tanong isang sagot. Ayoko nga magtanong sa mayabang na to.

"Nakakapansin na ko a? Ako lang yata yung nagtatanong? Ayaw mo ba ko makilala ha?" buti nahalata mo na ayaw ko sayo. Tse.

"NO." mariin na sabi ko.

"Awww. Magpapakilala pa rin ako. Alam ko namang nahihiya ka lang." aba tlagang sinusubukan ako nito a!

"I'm Chester. 20. Computer Engineering Student at Wattpad University. For short, ang lalaking magpapatibok sa puso mo ^_^"

WUT?! Ano daw?! Nabingi ba ko? MAGPAPATIBOK SA PUSO KO? ANO DAW? SIRAULO BA TONG LALAKI NA TO? PINAGLOLOKO AKO. BOY BANAT BA TO? SUSUNOD BA TO KAY PICK UP?!

"Hey, are you insane?! Wala pang nakakapagpatibok sa puso ko no! And si God lang ang nasa puso ko, wala ng space, sorry!" masyado akong nacarried away.

"Ha? I was just kidding. Hahahaha. You're really funny, Shana. I'm becoming to like you more."

Tsk. He was just kidding? Really huh. Pero he said he's becoming to like me MORE? Sira na yata talaga ulo ng lalaki na to. Ayoko na tlaga, aalis na ko.

"I better get going. Im sure hinahanap na ko samen." kailangan ko na tlagang makaalis sa lugar na to.

"Ayyy :( Sige na nga. Hatid na kita?"

"NO. I can manage. Bye."

D ko na sya nilingon pa, tuloy tuloy nkong naglakad pero bago ko tuluyang makalabas, narinig ko ang sinabi niya na siyang kinabilis ng tibok ng puso ko.

"You're so cute, crush."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Chester's POV]

Tuluyan na nga siyang umalis.

"Kakainis naman. Ba't umalis ka na? Masyado ba kitang naoffend? Eh kung hindi ako maging ganun pano mo ko mapapansin? Tska bakit kase ikaw pa yung nabangga ko sa hallway. Napaka-ingay mo kasi e, tska harang ka pa sa daraanan ko. Blah. Blah. Blah" baliw na kung baliw, eh siya naman kasi e, nakakainis.

Inubos ko nalang ang mga pagkain at pagkatapos nagbayad nko at umalis na rin. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Naiisip ko kasi yung babaeng manok na yun. Napagdesisyunan kong pumunta sa park at maupo sa swing.

[FLASHBACK]

"I'm Shana." (Ang gandang pangalan, kasing ganda nya.)

"19 years of age." (Wow. 20 ako. Bagay kami.)

"I have an older sister." (Tamang tama. May kuya rin ako. Pareho kaming bunso. Mehehe)

I find myself smiling like a fool. Nangingiti ako ksi lahat ng snsbe nya, gngwan ko ng paraan para maging bagay kami. Haha. I really like her. I really do.

That girl, masyado nyang tinutuliro ang utak ko. Ang babaeng minsang nagpatibok ng puso ko at hanggang ngayon ay tumitibok parin sa kanya. Ang babae sa waiting shed. Ang babaeng nagpasaya ng malungkot kong araw. Ang babaeng dahilan kung bakit ako nakangiti sa kabila ng sakit na dinadanas ko nun. Siya yun, hindi ako maaaring magkamali. Siya yun.

LET LOVE FIND ME ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon