[Shana's POV]
Nasa library kami ni Ezra, and ewan ko ba dun, gusto daw niya magbasa ng libro. -.- Pagkakaalam ko sa babae na to, hindi naman siya palabasa. Sabi ko nga kumain nalang kme, kaso ayaw niya. Gusto daw niya talaga magbasa. Sinamahan ko nalang, baka magtampo pa.
"Pst, Ezra. Ano bang binabasa mo? Book lover ka na ba ngayon?" usisa ko.
"Tsk. Shannie, wag ka nga maingay. Kung gusto mo maghanap ka nalang ng mababasa mo dyan. Oh kung wala ka namang mahanap, ihanap mo pa ko ng libro tungkol sa love" aba ang taray te a! Ako pa pinahanap nya ng libro tungkol sa love, eh d nga ako naniniwala dun!
Dahil nababagot na ko kakaupo, tumayo ako at humanap ng mababasa. Bigla akong napasulyap sa isang color pink na libro, ang title niya ay "All you need is Love". Naalala ko sabi ni Erza ihanap ko daw siya ng book about love kaya kinuha ko yung libro. ( Book on the right side of the screen. Under Multimedia section ^_^ )
Tumingin pa ko sa iba at nakita ko yung book about Travel Facts. Yun ang kinuha ko para basahin. Pagkatapos ko makahanap ng babasahin ko pati narin yung pnphanap ng mabait kong bestfriend eh bumalik na ko sa upuan namen.
"Hoy, eto na yung libro. Kailan ka pa nahilig magbasa nyan? Tsk. D naman totoo yan"
"Ano ka ba shannie? Palibhasa kase NBSB ka kaya d ka naniniwala dyan." aba! Pinagdudukdukan tlagang NBSB ako a! Masapak nga!
"Aray naman shannie! Napaka sama mo talaga! Hate you!" naiinis na sabi niya.
"Eh kase naman lagi mo nalang pinamumukha sken na NBSB ako! Naniniwala ako sa love no! Love of God, Love of Family, Love of Friends. Pero ang opposite love? Lolokohin ka lang nyan!" D naman sa man hater, pero andami kasing umiiyak dahil dyan.
"Pag yan naranasan mo, kakainin mo lahat ng sinasabi mo. Tsk. Akin na nga to." kinuha na niya yung 'All you need is Love' book.
Ako naman nagbasa nalang ng Travel Facts, and natutuwa ako dahil ang dami kong nalalaman about geography. Hindi ako makapag-concentrate dahil may babaeng pigil na kinikilig sa gilid ko =.=
"Ezra, ano ba? Kulang nalang maging bf mo na yang libro sa sobrang kakiligan mo dyan." Inis kong sabi, kilig na kilig e.
"Eh bakit ba shannie? Pakelamera ka tlaga. Eh sa kinikilig ako e. hihihihii" Kainis tong babae na to, ang landiiiii.
Tumahimik nalang ako.
"Uhmmm, shannie?" biglang nagsalita si Erza.
"Oh?"
"What is love?" tanong niya.
"God is Love. Kung ipapaexplain mo yung what is love towards opposite gender, ewan ko, wala akong alam." mariin kong sabi.
"Sabi kasi dito, Love is like quicksand: The deeper you fall in it, the harder it is to get out."
"Yea right. Kaya ikaw wag ka magmamahal, baka d ka maka-move on te!"
"Ano ka ba naman Shannie, parte ng nagmamahal yun ang masaktan." aniya.
"Hoy Ezra, umamin ka nga, may nagugustuhan ka ba?! I'm your bestfriend, I have the right to know. Sasampalin kita pag dmo inamin." panakot ko lang yun kay erza, para umamin! haha
"Shannie naman! Wa-wala no! Ay tignan mo to, may iba't ibang klase pala ang Love." aba! ang gaga iniba ang topic!
"Shannie tgnan mo to. Unrequited Love - It's the feeling of being completely, hopelessly, desperately in love with someone, all the while knowing that your feelings will never reach them."
"See? Sabi ko naman sayo iiyak ka lang pag nagmahal ka. Masakit kaya yung mahal mo siya tapos siya hindi ka naman mahal."
"Pero masarap, di ba?" aba ang landi tlaga ng babaeng to!
"Ha?! Aba ewan ko! Dko pa naeexperience te, wag ka nga." sabay ismid ko kay Ezra.
"Shannie, may isa pa oh. Serendipity Love - it's a kind of love that happens by accident. Hmmm? Pano yun Shannie?"
"Ibig sabihin nun, kailangan mo munang maaksidente bago ka makahanap ng ganyang pagmamahal. Talon ka kaya sa building?" pabirong sabi ko. Kulit kulit e.
"Puro ka talaga kalokohan Shannie! Hiramin ko na nga lang to. Tsk. Tara na"
At umalis na nga kami sa library at tuluyan ng umuwe.
Wala akong magawa sa bahay kaya naisipan kong mag-computer. Bigla kong naisip yung "Serendipity Love", actually hindi ko rin masyadong nagets yung definition nun. Panong it happens by accident? Haaaaaaaaaay kesa pahirapan ko utak ko, andyan naman ang genius na si Google. I searched its meaning in the dictionary at eto ang tumambad sakin.
*Serendipity is often used as a sophisticated way of describing luck. When things happen out of serendipity, it usually seems like they're meant to be, although they happen through coincidence.
Hmmmm? Malalim parin pero medyo kuha ko na. Serendipity love huh? More likely destiny?
Sinabunutan ko ang sarili ko. "Ano ka ba Shannie? Kelan ka ba nagkainteres sa ganyang bagay ha?! So you're looking forward in that Serendipity thing? Baliw ka tlaga shannie!" kausap ko ang sarili ko. Baliw na kung baliw, nasa kwarto lang naman ako. Mehehe. :3
"Ah basta! Kung talagang totoo yang Serendipity love na yan, siya ang hahanap sakin. Yung tipong kahit kumawala na ko eh meant to be parin talaga. Dun ko lang mapapatunayan na totoo ang love na to."
At tuluyan nkong nakatulog. Serendipity love? You're interesting.

BINABASA MO ANG
LET LOVE FIND ME ♥
RomansaPag pag-ibig na ang kumilos, kahit anong pilit, takas, iwas, at takbo ang gawin mo, HINDI MO ITO MAPIPIGILAN. Ito ay istorya ng babaeng nagmahal ng hindi sinasadya.