[SHANA's POV]
"Hayaan mo lang sana akong gawin to sayo. Hayaan mo lang akong protektahan, alagaan at ipagtanggol ka. Hayaan mo lang akong gawin to. Masaya akong gawin to sayo. Please, let me be your Guardian Angel."
Tama ba narinig ko? Baka naman guni guni ko lang yun? Sinabi nya ba talaga yung mga katagang yun? Hindi ako maaaring magkamali dahil rinig na rinig ko yun kahit pabulong lang.
Bakit? May gusto ba siya sakin? O baka naman parang kapatid lang turing niya? Mahirap kasi mag-assume. Mahirap umasa lalo na't wala naman siyang sinasabing gusto niya ko.
Bakit ko nga ba siya iniisip? Nagugustuhan ko na ba siya? Pero ayokong magmahal.
"Argggggggh!" ginulo ko ang buhok ko at nagtalukbong ng kumot.
Ano bang nangyayari sakin? Bakit ko siya iniisip? Nagsisimula na ba kong magkagusto sa kanya? Pero hindi pwede. Hindi naman ako naniniwala sa opposite love e. Hindi pwede. Hindi. Hindi. Hindi. T.T
Bumalikwas na ko sa aking higaan at naligo, Hindi ko alam bakit ako nagkakaganito. Baka gutom lang to or kung ano man. Basta hindi pwede tong nararamdaman ko. Dinadaya lang ako ng puso't isipan ko.
Pagkatapos kong maligo, nagayos na ko at gusto kong umalis dahil napaparaning lang ako dito sa kwarto. Alam ko na, tatawagan ko si Ezra.
Riiiiiiiiiiiiiiiiiing. Riiiiiiiiiiiiiiiiiiing. Riiiiiiiiiiiiiiiing.
"Bakit Shannie? Boring ba weekend mo? Haha. Aayain mo nanaman ako sa kung saan no?" bungad ni Ezra.
"Uhmmmm.. Oo sana Ezra e. Pwede ka? Hihi." lambing ko.
"Haaaay nako. Makakahindi ba ko sayong babae ka?"
"Iloveyou. Hiihihihi."
"Oh? San tayo nyan?" tanong niya.
"Shopping tayo. Wala pa kasi akong bagong damit eh. Tska paubos na din make-up ko. So ano? Tara?"
"Leggo. Hahaha. Basta shopping di ko yan aatrasan. Haha!" natatawang sabi ni Ezra.
11am.
Sa mall na kami nagkita ni Ezra, para di na jahe saming dalawa. Simple lang ako manamit pero may dating naman. Naka-sleeveless ako at nakapalda. Then nilagyan ko ng cardigan para hindi masyadong revealing. Hehe. (see Shana's outfit under Multimedia section)
At ayun nakita ko na ang bruha. Agad akong sinalubong ni Ezra.
"You're so pretty, Shannie!" puri ni Ezra.
"Thanks bes. Hehe. Mana lang naman ako sayo!" ganti ko.
"Haaaay nako, bobolahan pa tayo. Tara shopping na!! ^___^"
Ayun. Sobrang dami naming nabili ni Ezra. As in. Kaya gustong gusto ko siya kasama sa mall e. Haha. Sa sobrang dami naming napamili, napagod na kami at nagutom kaya kumain kami sa malapit na restaurant.
"Haaaaay. Grabe. Nagutom ako dun a."
Umorder na kami sa waiter. Nagugutom na talaga ako. As in =_____=
"Pst. Shannie. Nakikita mo ba yung nakikita ko?"
"Ano ba yun?"
And may nakita akong monster =_________=
"Hi girls. :) Shopping galore?" aniya.
"Uhmmm. Kinda? Tapos na kami magshopping kaya kakain nalang. Hi Chester." sabi ni Ezra.
"Teka, magkakilala kayo?" bigla ako sumabat at nagtanong.
"OO. Nakilala ko siya sa school Shannie. May tinanong lang siya. Diba Chester?" nangingiting sagot ni Ezra.
"Uhmm. OO. " nahihiyang sagot nito.
"Tapos.." may sasabihin pa sana si Ezra kaso nagsalita bigla si Chester. Halatang pinigilan niya ito.
"Ang kulet talaga ng bestfriend mo Shana. Haha. Magkaiba talaga kayo." nakangiting sabi niya.
Hindi ako makapagsalita. Nanginginig ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit naman kasi kung saan pa kami kumakain dun pa sila mapupunta. Haaaaay. What a small world.
"Can we join you?" bungad ng isang lalaki na kasama ni Chester. Gwapo siya. Maputi. Singkit. Killer smile. May dating.
"Sure!" walang pakundangang sinabi ni Ezra.
Aba! Ang babae na to! Ang landiiiiiiiiiii >.<
"It's settle then :)" sabi ni Chester.
Since magkatapat kami ng upuan ni Ezra, tumabi sakin si Chester at yung isang lalaki naman tumabi kay Ezra. Kung titignan mo parang double date. Err =.=
"I want to know your names, ladies. :)" sabi nung lalaki.
"Hi, Im Ezra. And this is Shana, my best friend. So, what's your name?" ang landi ah!
"I'm Wenri. Nice to meet you. :)"
Hindi ko mawari yung hitsura ni Ezra. Parang kinilig siya nung malaman yung pangalan nung lalaki. Type siguro to ni Ezra. Nakuuu landii. Kung sabagay kung titignan mo silang dalawa, bagay sila. Maganda ang bestfriend ko, at gwapo naman itong si Wenri. Perfect Match kumbaga. Pero sa totoo lang nababagot na talaga ako dito. Gusto ko ng kumain T.T
Salamat sa wakas, dumating na din yung pagkain. As in gustong gusto ko na umalis pero naninigas ang mga tuhod ko, tapos katabi ko pa yung mokong na to. Ang tahimik namin pareho. Si Ezra at Wenri lang yung maingay. Nagkakadevelopan na yata yung dalawa na yun. Eto talagang bestfriend ko.
Pagkatapos namin kumain, nagpaalamanan nadin kami.
"I had fun bonding with you, girls. Next time again ok? Sana sa susunod wag na kayong pipi, Chester at Shana. Haha." natatawang sabi ni Wenri.
"And by the way, he's my brother. Older brother." dugong ni Chester.
Waaaaaaaaaa! Ba't parang mas matanda siya? Medyo may pagkakahawig sila pero hindi halata na si Wenri yung kuya. Nakakaloka ha.
"I also enjoyed your company, guys. Sensya na kayo sa best friend ko ha. Shy type yan e." wooo. Ang sabihin mo kay Wenri ka lang nag enjoy.
"Bye girls. Bye shana. :)" nakangiting sabi ni Chester.
"Bye." marahan kong sabi.
Umuwe na rin kami ni Ezra pagkatapos kumain. Crush daw nya yung Wenri. Sabi ko na eh. Ang kire tlaga ng babae na yun.
Pagdating ko sa bahay, naligo na ko at nagpalit ng pantulog. Paghigang paghiga ko sa kama, pumikit ako.
Naiisip ko siya.
Naiisip ko si Chester.
NO.NO.NO this can't be.. Bakit pag nakikita ko siya kinakabahan ako? Bakit pag ngumingiti siya hindi ko maiwasang mapangiti din? Ayoko. Hindi pa ko handang magmahal. Ayoko. Ayoko.
Nagtalukbong ako ng kumot at pinipilit kong makatulog na at praning nanaman ako.
10pm.
Beeeeep. Beeeeeeep.
Istorbo naman to. Gabing gabi na nagtetext pa. Siguro si Ezra lang to, sasabihin na hindi siya makatulog dahil kinikilig siya kay Wenri.
Kinuha ko ang phone ko at binasa ang text na nareceive ko.
1 NEW MESSAGE
From: 09*********
You're so beautiful. :*
Sa pagbasa ng message na yun, BUMILIS ANG TIBOK NG PUSO KO.
BINABASA MO ANG
LET LOVE FIND ME ♥
RomancePag pag-ibig na ang kumilos, kahit anong pilit, takas, iwas, at takbo ang gawin mo, HINDI MO ITO MAPIPIGILAN. Ito ay istorya ng babaeng nagmahal ng hindi sinasadya.