1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
@therealestpotato ang username ko siguro na rin dahil kamukha ko ang patatas. Pero joke lang talaga siya sa umpisa, since Anime_Geek talaga ang una kong username bago ako nagpalit at nag hiatus for 2 years back in 2015. Somehow, it stuck and ngayon, ganap na akong patatas.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?
Naniniwala akong walang limitasyon ang pagsusulat kung meron itong kaakibat na research at respeto mula sa may-akda, at ito ay nasasalamin sa mga gawa ko on and off Wattpad na tumatalakay sa pulitika, class wars, diskriminasyon, relihiyon at iba pa.
Kung meron man talagang "limitasyon" sa estilo ko ng pagsusulat, eto ang pagsusulat ng mga sensitibong topics na wala akong karanasan at hindi ko mararanasan. Pagsusulat ng mga karakter na galing sa ibang lahi o estado ng buhay, ang kanilang mga natatanging karanasan na hinding hindi ko maisusulat accurately kasi hindi ko kailanman masusuot ang sapatos nila at lakbayin ang buhay na tinahak nila, chariz. Haha.
In all seriousness, responsibilidad natin bilang mga manunulat ang turuan ang ating mga sarili habang tayo ay gumagalugad hindi lang ng human psyche, pero ng society din. At the end of the day, it's all about respect and accountability bilang isang author.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Ang pinakamahirap na bahagi ng pagiging manunulat ay ang pagtapos ng isang libro. May mga manunulat na madali lang makabuo ng kwento, ng plot at characters, pero hindi makalagpas sa kalahati ng target word count nila. Maraming distractions sa buhay, at kailangan lang talagang paalalahanan natin ang sarili natin kung bakit nga ba tayo nagsusulat sa simula't sapul.
At dahil sa aspeto na iyan, naniniwala ako na ang pagtapos ng libro ay isa sa mga pinaka-fulfilling na sandali ng isang manunulat, kahit ito rin ang pinakamahirap.
4. Ngayong Bagong Taon, ano ang pinakainaabangan mong mangyari o ang iyong mga expectations bilang isang manunulat at Wattpad Star?
Siguro inaabangan ko talaga ang pagsusulat ulit. May mga sisimulan akong nobela sa 2022 at mga projects rin na lalaanan ko ng oras at pokus. Lahat ng mga araw na makakapagsulat ako sa susunod na taon, I'm looking forward to.
5. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong isabuhay ang isa sa iyong mga kuwento, ano ito at bakit?
Dahil jowang-jowa na talaga ako, The Devil's Match, siyempre. Buffet table ng mga jowables (na may sabit) na ang iaalay sakin, choosy pa ba ako? Keber ko naman kung gumuho ang mundo dahil sa kalandian ko.
6. Sino ang iyong inspirasyon sa pagsusulat?
Writing itself. Ayokong maging tunog-pretentious, pero yung art in writing—in and of itself—is so beautiful, hindi ko maiiwasang mainspire. Ang paghabi ng mga letra, ng mga salita, at gawin itong isang kwento na may buhay at meaning, ay nangangailangan ng maraming kasanayan na ito ay halos sinining; ito rin ay siyensiya.
7. Ano ang isang sangkap ng pagsusulat ang ginagamit mo sa iyong mga kuwento? Bakit mo ito ginagamit?
Save the Cat Writes a Novel (lalo na ang Save the Cat beat sheet). Ang libro ay nakasulat sa Ingles, pero ang beat sheet na ata ang pinaka-importanteng matutunan ng mga baguhan na manunulat. Dito matututunan ang pacing, ang tamang paggamit ng mga arcs, at kung paano bumuo ng tension sa isang kwento na dadalhin ka sa climax. Hindi pwedeng YOLO ka lang, dzai.
8. Kung ikaw ay papipiliin, anong simbolo ang gusto mong maging ngayong Bagong Taon?
Halaman. Dahil andaming naging tigang sa 2021 at mas dadami pa sa 2022.
9. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
Nakikita ko ang sarili ko na mas marami pang mga buhay ang naimpluwensyahan, at sana for the better. Kasi minahal ko ang pagsusulat dahil sa mga taong nakasalamuha ko, mga pananaw nila na nabago, at mga pusong naantig hindi lang dahil sa romance pero dahil na rin sa mga progresibong mga tema ng mga libro ko.
Nagsulat ako dahil nakita ko ang oportunidad na mag connect sa iba't-ibang tao, at kung ito parin ang ginagawa ko pagka-lipas ng limang taon, masaya na ako dun.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Huwag kang makinig sa payo ko kung 'di mo ako bet. Haha. Pero iba-iba kasi ang mga paraan natin ng pagsusulat, at iba-iba din ang sitwasyon natin sa buhay. Huwag kayong ma-pressure na sundin ang lahat ng mga payo ng mga manunulat na iniidolo niyo, o yung mga successful kuno na mga writers. Hanapin mo kung ano ang nag-aapply sayo and make it work for you.
11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
Walong taon na rin ako sa Wattpad, at marami akong nakilala sa platform na ito. Sa aking 15.4K followers, maraming salamat. From critiques, cheering me up from having a bad day, to tolerating my teenage angst years, they always came through. Maraming salamat, at sana patuloy akong umunlad bilang isang manunulat para sa inyo!
1. Paranormal o Romance?
Romance
2. Sunrise o Sunset?
Sunrise
3. Spotify o Youtube?
Youtube
4. Harry Potter o The Hunger Games?
The Hunger Games
5. Magsulat na may music o wala?
Walang music
6. Mag-relax o Mag-explore?
Relax relax lang
7. I-draft ang kuwento sa notebook o sa Computer?
Computer
8. Chocolate o Vanilla?
Vanilla
9. Lights on o Lights Off?
Lights off
10. Physical Book o E-Book?
E-book
11. Umasa o Magpaasa?
Umasa
BINABASA MO ANG
Community Newsletter (2022)
Non-FictionMonthly Ambassador curated newsletter featuring community based interviews, activities, articles and more!