1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?
Ako, bilang si AstridGreene, ay dalawang (2) taon nang miyembro ng Wattpad Ambassadors Program sa ilalim ng Content Ambassadors. Nagsimula akong maging bahagi nito noong July 2020 at hanggang ngayon ay Content team pa rin ang aking kinabibilangan.
2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador?
Ang mga content ambassadors ang naniniguradong malinis at naayon sa Wattpad Guidelines ang mga istoryang bukas sa readers at isinusulat ng mga writers. That's all! My lips are sealed, no more words.
3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador?
Naging Wattpad Ambassador ako through another ambassador's recommendation to join the program. Hindi ako agad sumali sa unang imbitasyon dahil sa personal na kadahilanan, kung kaya noong nagkaroon ako ng oras at magbukas ang training agad akong sumali. At first, like everyone else, wala akong alam tungkol sa duties ng ambassadors. As the training progressed, I learned that it was worthwhile and fulfilling. Kasagsagan iyon ng pandemya, at mas makabuluhan na ilaan ang ilang oras ko sa pagtulong na maging safe, clean and enjoyable ang experiences ng readers and writers sa Wattpad.
4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador?
Ang pinakamasayang parte ng pagiging ambassador ay yung pagkakaroon ng sense of belongingness even if you are behind the screen, even if you don't show up often in front of everybody. Inclusive ang program at malawak ang socialization. You learn a lot and they appreciate you. Ang pinakamahirap na parte... parang wala masyado. Ako medyo naaabutan ng deadline sa report kapag busy whole week, pero allowed naman ang time off para sa mga ambassadors at naiintindihan naman ng lahat na may kanya-kanyang buhay tayo outside Wattpad, and outside Ambassadors Program.
5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
The hours required, ang madalas kong gawain ay combined for one day in a week. My weekdays activities and work schedule are still the same, kapag hectic masyado at nagsasabay-sabay ay humihingi ako ng time off since I cannot serve two masters at same time (actually three, since I'm on graduate school as well aside from regular work). When it comes to my hobbies... (I had to let go of learning the guitar for a long time now) Ang naiwan na lang ay magbasa at magsulat. For now, more on reading ako since I'm not motivated to be creative for the time being (2 years na hahahaha. Forgive me friends, nawili sa pagbabasa nung mag-aral ulit).
6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador?
Ang pinakamahalagang aral na natutunan ko ay pagiging systematic and organized when it comes to dealing with work related things. There is a proper flow, and if you encounter something serious and blood-boiling, breathe and calm down. Kapag galit ka, magagalit din kausap mo, paano kayo magkakaintindihan? Another thing is confidentiality, puwera na lang kapag pinayagan ka ng kausap mo na i-broadcast ang napag-usapan niyo. It is basically respecting everyone you meet, para mapanatili ang magandang ugnayan.
7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?
Ang mga Wattpad Ambassadors may mga sariling buhay sa labas pero kapag nagkikita-kita na sila virtually, parang parte lang sila ng isang pamilya. Yung pamilya na may kanya-kanyang responsibilidad at ginagampanan ito to keep the family running. May food for the soul, weekly reminders, shoutouts and games kaya it's never boring. If you are not into fun and games, you can lie low, but you are still a part of it, and that's what I'm thankful for.
8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasa?
Bilang isang maliit na manunulat malalaman mo kung ano ang restrictions mo sa tema at konteksto na nais mong isulat. Alam mo kung ano ang bawal at maiisip mo ang kapakanan ng iyong mambabasa. Marami ding kapwa ambassadors na pwede mong mahingan ng payo, at may mga authors na kusang nagbibigay ng payo para sa mga aspiring writers. Bilang mambabasa, it simple, your co-ambassadors are happy to recommend books that are inspiring and awesome.
9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador?
Noong natapos ang training, at sinabihan kayo na i-check niyo ang Wattpad profiles niyo to see if may orange heart na - I'm in love! Hahahah.
10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community?
Katulad ng sinabi ko kanina, may flow o process ang grievance redress at para sa mga kailangan ng tulong, at mas mainam na ipakita sa praktikal na pamamaraan o ipakita ang tatak mo bilang isang Wattpad Ambassador sa paggawa ng mabuti ng iyong tungkulin.
11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap?
Nagpapasalamat ako sa lahat sa pagtanggap sa akin bilang parte ng Ambassadors Program. Marami akong nakilalang kaibigan, ready to help and listen, always kind. Masaya akong maging parte nito at sana'y magtuloy-tuloy pa ang pagtulong ko upang maging maganda ang experience ng lahat sa Wattpad community.
To future ambassadors, other than see you in the near future, I also want to say na you need to have a heart for service. Kung mahal mo ang ginagawa mo hindi ka mapapagod... kaya kung napagod siya sayo, hindi ka niya mahal hahahah. That's all!
1. E-book o physical book?
E-book
2. Tea o coffee?
Coffee
3. Mahal mo o mahal ka?
Mahal ka
4. Edward o Jacob?
Jacob
5. Jollibee o McDo?
Jollibee
6. Dine-in o delivery?
Dine-in
7. Forest o beach?
Beach
8. Tacos o wings?
Wings
9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama?
Kaliwang bahagi ng kama
10. Pusa o aso?
Pusa
11. Sitcom o drama?
Drama
BINABASA MO ANG
Community Newsletter (2022)
Non-FictionMonthly Ambassador curated newsletter featuring community based interviews, activities, articles and more!