1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?
Mag-iisang taon pa lang akong Wattpad Ambassador, nagsimula ako maging Ambassador noong December 2021. Kasalukuyan ako ay parte ng Engagement Team at parte ng tatlong profile, parte rin ako ng Review Team.
2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador?
Bilang isang Ambassador sa Engagement Team, tumutulong ako sa paggawa ng mga prompts para sa monthly writing contest ng mga profiles na sinalihan ko. Isa rin ako sa nag-i-interview sa mga writers na nagwagi sa contests, o para ma-feature sa book of the month ng iba't ibang profiles na kinabibilangan ko. Ako rin ang nagjujudge sa ilang contests at nagbo-broadcast sa profile ng mga nanalo. Bilang parte ng Review Team, isa rin ako sa nag re-review ng iba't ibang kwento na siyang mapapabilang sa Book Review [in different genre] ng Ambassadors profile.
3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador?
In all honesty, mula 2014 ay nagbabasa na ako sa Wattpad, pero nitong nakaraang taon (2021) ko lamang nalaman ang tungkol sa iba't ibang profile na may pa writing contest every month [ilang taon akong focus lang talaga sa pagbabasa mhie ( ఠ ͟ʖ ఠ)]. Nito ko lang rin nalaman ang tungkol sa Ambassadors Program dahil sa announcement ng isang profile na pina-follow ko rito sa Wattpad. At dahil dakilang curious ako kung ano bang meron sa ganito ay nag-apply ako, curiosity ko talaga ang dahilan ahu! 🤧 chariz! I decided to join the program kasi I want to know more about the community and how deeply Wattpad works 😊
4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador?
Unahin natin yung pinakamahirap. Sa totoo lang, medyo nahirapan akong mag-adjust sa team na una kong sinalihan dahil nga bagong salta ako 😅, sobrang mahiyain talaga ako at hirap mag take initiative sa conversation, but luckily, I get to adjust and talked to the seniors and other teammates ko, and sobrang welcoming ng mga profiles na kinabibilangan ko ngayon. Aside from adjusting, ang pinakamahirap sa akin ngayon ay ang pagha-handle ko sa oras ko. Currently, I'm working sa isang academic publishing company sa UK, isa akong writer and editor doon and we're producing academic worksheet for students. I'm also busy with my review for BLEPT this coming September kaya litong-lito, gulong-gulo ang buhay ni accla! 😅 but slowly, I'm juggling my way to manage my time for all of these activities.
Ang pinakamasaya namang ganap as Ambassador ay yung brainstorming namin ng mga kapwa ko Ambassador sa iba't ibang profile to have a unique and witty prompts sa mga pa-contest namin. Isa rin sa inaabangan ko talaga ay yung Game Night dahil lahat ng ka-witty-han ng mga co-Ambs ko ay nasasaksihan ko (~ ̄▽ ̄)~
5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
BINABASA MO ANG
Community Newsletter (2022)
SachbücherMonthly Ambassador curated newsletter featuring community based interviews, activities, articles and more!