November 2022 (i) Panayam kay shenziarre

36 4 0
                                    

1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Ako po ay anim na buwan pa lamang na isang Wattpad Ambassador at kabilang po ako sa Outreach team. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Ang isa po sa importanteng ginagawa namin bilang Outreach Ambassador ay ang makapag-reach out sa mga manunulat dito sa Wattpad at makapagbigay ng mahahalagang tips na makatutulong sa kanilang pagsusulat. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Simula nang mabasa ko't malaman ang magandang hangarin ng Wattpad sa kanilang users ay napagdesisyunan ko pong maging isa ring Wattpad Ambassador. Dahil gusto kong makatulong din na mapanatiling itong clean at safe upang patuloy na maging maganda ang experience ng lahat ng mga mambabasa at manunulat sa Wattpad. 


4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador? 

Ang pinakamasayang experience ko po bilang Ambassador ay ang makatulong na maging safe ang Wattpad sa lahat at ang makatulong din sa ating mga manunulat na maipagpatuloy nila ang kanilang passion sa pagsusulat sa pamamagitan nang pagbibigay ng tips. At ang pinakamahirap naman ay kung nagkakaroon ng pagkakataon na nagkasasabay-sabay ang mga gawain ko sa pagiging ambassador at labas ng pagbo-boluntaryo ko sa Wattpad. 


5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Sa totoo lang, hindi ko po alam kung papaano ko napagsasabay ito. Siguro'y dahil binibigyan ko ito ng importansya at sinisigurado ko't nire-remind palagi ang sarili ko na hangga't maaari'y kailangan kong matapos ang mga gawain ko sa pagiging Ambassador at sa labas ng Wattpad on time. 


6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Ang isa sa pinakamagandang aral na natutunan ko po sa pagiging ambassador ay ang magkaroon ng malawak na pag-iintindi at respeto sa lahat. Ito'y napakaimportante lalo na't sa panahong ito. 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors? 

Ang positive po at engaging ng working environment ng Wattpad Ambassadors. Masaya rin, malaki ang respeto ng bawat isa, at palakaibigan ang lahat. 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?

Nakakatulong po ang pagiging ambassador sa 'kin bilang isang manunulat dahil dito ko lalong naintindihan at natutunan kung ano 'yong mga bawal o hindi bawal na mga klase ng kuwento—na dapat pala'y maging maingat tayo sa ating mga isinusulat at sa mga ibinabahagi nating kuwento sa ating mga mambabasa. At bilang mambabasa'y dito ko rin mas lalong nadidiskubre 'yong mga magagandang istoryang isinusulat ng mga kapwa ko manunulat. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

Halos tumalon ako no'n sa tuwa nang matapos ko po't napasa 'yong training sa pagiging isang ambassador. At higit sa lahat ay no'ng nalaman kong opisyal na akong naging Wattpad Ambassador, na kung saan magagawa ko nang makatulong ng husto sa ating malawak na orange community. 


10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

Hangga't maaari po ay kailangan maging malawak ang pang-unawa at pag-iintindi natin sa lahat ng users ng Wattpad na nagbibigay ng mga iba't ibang kritisismo sa 'ting ginagawa bilang ambassadors. Higit sa lahat, 'wag magpapadala sa galit o emosyon. Dahil alam natin, bilang Ambassadors, na ginagawa natin ang lahat upang maging maganda at safe ang experience ng buong community sa Wattpad. 


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Saludo po ako sa lahat ng Ambassadors. Hindi lang kasi oras ang ibinibigay ng bawat isa kung hindi na rin pati effort para matulungan ang Wattpad community. Sana'y ipagpatuloy natin ang magandang hangarin nating makatulong at magpasaya sa lahat rito sa Wattpad. At sa mga nais na maging isang Wattpad Ambassador, kung may puso ka sa pagtulong na maipagpatuloy na maging clean, safe at mas maging enjoyable ang Wattpad para sa lahat, e ano pa ba ang hinihintay mo? Ito na ang sign mo. Halina't sumali ka na rin! ;)   


1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1. E-book o physical book? 

Mas prefer ko po ang physical book dahil iba talaga ang feeling once na hawak mo ang libro habang nagbabasa. 

2. Tea o coffee? 

Coffee tayo syempre. 

3. Mahal mo o mahal ka? 

Iyong mahal ka. ;) 

4. Edward o Jacob? 

Jacob, my loves. 

5. Jollibee o McDo? 

Jollibee, the best! 

6. Dine-in o delivery? 

Dine-in. 

7. Forest o beach? 

Beach. 

8. Tacos o wings? 

Tacos. 

9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama? 

Tulog po sa kanan. 

10. Pusa o aso? 

Both po. Mayro'n po kasi kaming alagang pusa, ang pangalan niya po ay si Veronica at may mga aso rin po kami na sina Kopiko at Milo, na itinuturing po naming parte ng aming pamilya. Hihi! 

11. Sitcom o drama? 

Drama. 

Community Newsletter (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon