Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!
Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:
Wattpad Stars: charmaineglorymae, gwynchanha
Undiscovered Writers: allthegodsaredead, Dave_Angcla
Wattpad Ambassadors: yogirlinmorning, ma_maharlika
Halina't kilalanin natin sila!
---
Wattpad Stars
Si charmaineglorymae ay nagsimulang magsulat noong 2016. Nagsulat siya dahil gusto niyang ibahagi ang kanyang imahinasyon at ang mundong nilikha niya. Nakahiligan na niya ang magsulat ng mga kwento noon pa mang nag-aaral siya. Nakahiligan din niya ang magsulat ng fantasy stories kaya madalas sa mga nagawa niya ay nasa ganoong genre. Nakaranas siya ng problema sa pagsusulat ngunti maigi pa rin niyang ipinagpatuloy ang pagsusulat hanggang sa nakilala na siya bilang isang Wattpad Star. Siya ay nagpapasalamat na mabigyan ng isang oportunidad na naibibigay lang minsan sa isang buhay.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni charmaineglorymae.<<
Si Gwyn, o mas kilala bilang gwynchanha sa Wattpad, ay isang tamad na estudyante na mas pinipiling ilaan ang oras sa pagsusulat, pagbabasa, o pagguguhit kaysa sagutan ang kaniyang mga takdang-aralin. Si Gwyn ay nagsimulang magsulat noong siya ay 13 taong gulang pa lang dahil nabitin siya sa kaniyang binabasa at gusto niyang dugtungan. Kalaunan, napadpad siya sa Wattpad at ibinahagi rito ang kaniyang unang kwentong isinulat. Taong 2019 nang nakatapos siya ng isang kwento sa unang pagkakataon. Taong 2020, nanalo siya sa Wattys 2020 sa kategoryang "Fanfiction" na nagbigay sa kaniya ng maraming oportunidad, kasama na ang maging Wattpad Star, at makakilala ng kapwa manunulat na kalaunan ay naging mga kaibigan.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni gwynchanha.<<
---
Undiscovered Writers
Katorse anyos pa lamang ay napukaw na ang interes ni allthegodsaredead (Cincinnati Yue) sa pagsusulat. Noong panahon rin na iyon ay kaswal na mambabasa na sa platapormang Wattpad si Cincinnati Yue, at sinubukan niya ang pagnonobela subalit sa kasamaang palad ay natanto niyang hindi pa siya dalubhasa sa larangang iyon. Pansamantala niyang nilisanan ang Wattpad noong 2018, ngunit nitong taong 2021, muli niyang pinasok ang mundo ng Wattpad na may layuning magtalakay ng sensitibong isyu at gumawa ng akda na nakasentro sa komunidad ng LGBTQ+. Sa kasalukuyan, si allthegodsaredead ay hindi na nagpapalit ng Wattpad username at mayroon ng tatlong (3) akda na natapos.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni allthegodsaredead.<<
Nasa elementarya pa lamang si Dave_Angcla nang madiskubre niya sa maalikabok na istante ang nobela ni Johanna Spyri na pinamagatang Heidi. Simula noon, madalang na lang ang mga araw na hindi mo siya makikitang may hawak na libro. Dahil sa pagkahilig sa mga libro, sinubok niyang magsulat ng mga maiikling kwento, hanggang sa matagumpay niyang natapos ang una niyang nobela sa Wattpad, ang Stay Awake. Ngayon ay abala si Dave sa pagiging isang magiting na kuya at breadwinner ng kanyang pamilya.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni Dave_Angcla.<<
---
Wattpad Ambassadors
Si Anna (yogirlinmorning) ay isang 22 years old na Wattpad writer, reader, fan girl, Thai and K-drama enthusiast, sleepyhead, isang guro, writer and editor sa isang kilalang academic company sa UK at kasalukuyang Engagement Ambassador sa Wattpad na hindi na alam kung paano pagkakasyahin ang lahat ng gawaing ito sa isang araw (huhu). Kinalakihan na ni Anna ang pagbabasa (lalo na) sa Wattpad, at malaki ang naging impluwensya ng mga sikat na author kay Anna upang magkaroon ng confidence at inspirasyon na makapagsulat at makatapos ng mga akda na siyang kahuhumalingan ng mga mambabasa sa iba't ibang edad. Ang mga genre ng kaniyang akda ay naglalaro sa Teen Fiction, General Fiction, New Adult, Romance, LGBTQIA+ at Epistolary.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni yogirlinmorning.<<
Si Mariel A. Maharlika o mas kilala bilang ma_maharlika sa Wattpad ay isang manunulat galing sa Cebu. Nagsusulat siya ng mga tula, dagli, at nobela na kadalasan ay pinagbibidahan ng mga malalakas na babaeng karakter. Bilang isang Pilipinong manunulat, nangangarap siya na sa pagdating ng panahon ay maraming makapagbasa ng kanyang mga akda at maging pisikal na mga libro ang mga ito.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni ma_maharlika.<<
BINABASA MO ANG
Community Newsletter (2022)
Non-FictionMonthly Ambassador curated newsletter featuring community based interviews, activities, articles and more!