February 2022 (i) Meet the Community

182 5 1
                                    

Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!

Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:

Wattpad Stars: Warranj, raindrops_

Undiscovered Writers: kiyanarago, eroplane

Wattpad Ambassadors: loveisnotrude, LittlePumpkinWriter

Halina't kilalanin natin sila!

---

Wattpad Stars

Si Angelica Gamit Ignacio ay kilala bilang Warranj sa Wattpad. Siya ay nagsusulat sa Wattpad simula noong 2016. Mayroon siyang apat na paid stories and ang kanyang unang nobela ay nadiskubre ng Paid Program at ito ang Promise in the Wind. Naging Wattpad Star siya noong 2019 and ngayon ay mayroon na siyang apat na published books sa ilalim ng iba't ibang publishing companies kabilang na ang Bliss Books at PSICOM.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni Warranj.<< 


Si Kei, na kilala rin sa kanyang pen name na raindrops_, ay nagsusulat sa Wattpad simula noong 2012. Bagama't mahilig siyang magsulat ng romantic comedy at bittersweet endings, nakahiligan din nyang magbasa at makinig ng mga nakakatakot na kwento't dokumentaryo. Ang pagiging bahagi ng Wattpad Stars Program ay isang mahalang karanasan para sa kanya dahil ito ay nagbigay-daan sa kanya upang kumonekta sa maraming mahuhusay na manunulat sa lokal at internasyonal.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni raindrops_.<< 

---

Undiscovered Writers

Si kiyanarago ay isang manunulat na minsanang sumusulpot sa Wattpad para mag-update ng isang chapter o isang buong libro. Marami siyang mga iniisip bilang overthinker kada araw kaya't kung makikita niyo siyang nakatulala, siya ay nag-iisip ng mga outlines sa kuwento o sumisigaw sa loob dahil sa mga gawain sa paaralan. Dahil siya ay INFP, mas gusto ni Kiyana na mag-recharge sa bahay lang kaysa makipag-usap sa totoong tao. Kaya niya naman makipag-usap nang matagalan . . . sa mga characters nga lang.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni kiyanarago.<< 


Si eroplane ay nagsusulat ng mga code at fiction. Sa araw, siya ay nagtuturo ng mga estudyante ng programming, nagde-daydream ng kanyang mga karakter, at nagbabasa ng mga research journal at artikulo. Sa gabi, nililibang niya ang kanyang sarili sa pagbabasa ng mga manhwa, manga, kinakailangang mga papel sa kanyang graduate school class, at mga code ng kanyang estudyante. Pinangarap niyang maging manunulat ng fiction simula nang sumali siya sa isang amateur writing contest sa Wattpad noon 2014. Nayon, nagpo-focus siya sa pagsusulat ng mga LGBTQ+ na mga kuwento at mga personal na journal upang makaramdam ng kalayaan.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni eroplane.<<

---

Wattpad Ambassadors

Si Endee (he/him) o mas kilalang loveisnotrude ay isang 3-in-1 na patatas—mambabasá, manunulat, at kasalukuyang Content Ambassador sa Wattpad. Bukod sa mga ito, ang pinagkakaabalahan niya pa sa buhay ay ang panonood ng iba't ibang drama series, movies, at random YouTube videos / Shorts; paglalagay ng di makabuluhang review sa letterboxd, pakikinig ng podcast, pagiging lowkey fangirl sa iba't ibang K-Pop groups, pagkakape habang kumakain ng toasted bread, pagtambay sa kaniyang personal Twitter account para mag-like ng mga cat-related tweets, at higit sa lahat ay maging isang . . . adult (yikes #notrecommended).

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni loveisnotrude.<<


Si LittlePumpkinWriter ay isang Wattpad Writer at Ambassador mula sa landlocked na probinsya ng Abra. Nagsimula siyang magsulat ng mga kuwento noong 2014 at naging Wattpad Ambassador noong 2019. Sa kasalukuyan, may anim siyang akda sa Wattpad at mahilig siyang magsulat ng mga kuwento sa dyanrang Romance at New Adult. Nagmula ang kanyang username na LittlePumpkinWriter bilang isang katuwaan lamang dahil lagi siyang inaasar ng mga kaibigan at pamilya niya na siya ay matangkad at mahilig sa kalabasa.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni LittlePumpkinWriter.<<

Community Newsletter (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon