August 2022 (i) Panayam kay shadesofdrama

59 3 0
                                    

1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Madalas akong mahirapan na ipaliwanag ang kuwento sa likod ng Wattpad username ko kasi sobrang haba ko mag-explain tungkol dito pero I'll try my best to make it concise this time. Choosing my username really has to do with my perspective in life and what writing means to me. Naniniwala kasi ako na ang mga kuwentong isinusulat ko ay hango sa drama na minsan nakikita at nakukuha ko sa buhay. I think life's drama has many shades. I kinda like to write about fiction with a hint of reality which for me is a representation of drama itself thus, shadesofdrama—the birth of my stories.


2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?

Kung magkakaroon ako ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, siguro ang magiging tema nito ay may kinalaman sa magic o sorcery. Noon pa man, gusto ko nang magsulat ng fantasy stories o di kaya ay may kinalaman sa paranormal na genre. Nakakamangha kasi ang magbasa ng mga storya na kakaiba na hindi kailangan makulong sa limitasyon. Kaya sa tingin ko, kung may pagkakataon man na magagawa ko iyon, tungkol sa mga bagay na nasa itaas ang isusulat ko.


3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

Siguro ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat ay ang labanan ang self-doubt. Dahil malaki ang impact nito buong pagkakataon na tayo ay nagsusulat. Kadalasan ay napapatanong ako kung tama pa ba ang isinusulat ko, o minsan ay kung magagawa ko pa bang matapos ang mga nobela na nasimulan. We can be our worst critic and nothing hurts more than doubting ourselves. But I guess as writers, we will experience it from time to time. Ang mahalaga ay hindi tayo magpapatalo sa self-doubt. Dahil ang kakayahan natin ay mas nahahasa sa pamamagitan ng pagpapatuloy. Bilang isang manunulat, ang pagtitiwala sa sarili at sa mga kuwento na ating isusulat ay napakahalaga.


4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Sa pagkalipas ng limang taon, siguro nakikita ko ang sarili na nagsusulat pa rin. Mas dumami pa ang mga kuwentong naisulat ko at nagpapatuloy sa buhay. Kung nasa ibang larangan man ako, palagi kong paglalaanan ng oras ang pagsusulat dahil ito ay sobrang mahalaga para sa akin. Sa ilang taon na pagsusulat ay naging parte na ito ng mga bagay na nagbibigay kahulugan sa akin at nagpapaalala sa kung ano talaga ang gusto kong gawin.


5. Ano ang nagtulak sa iyo para isulat ang kuwentong "A Step Closer"?

Nagkaroon ako ng idea para sa A Step Closer ilang taon na ang nakalipas. Siguro mga panahon iyon kung kailangan napapaisip ako kung ano ang pakiramdam na may kaibigan ka tapos dahil sa isang pagkakamali nagkalamat ang mga bagay. That time too, may naging kaklase ako na hindi halos makausap ang kaibigan niya na sobrang close niya dati. I started to think what could be some reasons why certain friendships have to fade through the years, or somehow what instances could break someone's friendship and trust. The pain kind of struck my system and right there I wondered how sad would that feels like... so I explored these questions through writing A Step Closer. Kalaunan, nabuo rin ang kuwento na nakapalibot sa pagkakaibigan at ibang mga bagay na sa tingin ko mahalaga sa buhay habang natututo ang isang tao.

Community Newsletter (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon