1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?
Around July 2019 ako naging Wattpad Ambassador at kabilang ako sa Engagement team. #RoadToThreeYears
2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador?
Madalas ako 'yung nagja-judge ng mga stories sa mga activities ng team namin at namimili ng mga akda para sa reading list.
3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador?
Mahilig ako magsulat at nais kong ibahagi sa ibang tao ang kagandahan ng Wattpad para ibahagi ang mga kuwentong nais nating sabihin. Around March 2018 nung nakita ko 'yung post ng Wattpad Ambassadors agad ako nagpasa ng application pero sa kasawiang palad hindi ako napili pero nagpasa ulit ako makalipas ang ilang buwan, pero kagaya ng naunang nangyari hindi parin ako pinalad mapabilang sa team. May kasabihan nga na 'never lose hope' at sa pangatlong pagkakataon muli ako nagpasa ng application at don nagsimula ang kuwento ko bilang isang Wattpad Ambassador.
4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador?
Para sa akin ang pinakamasayang parte ng pagiging Ambassador ay ang makita mo na maraming sumasali sa mga contests na ginagawa ng team namin, do'n ko nakikita na ang mga Pilipino ay likas na malikhain at talentado sa larangan ng pagsusulat. Minsan nare-realize ko rin na maraming boses na hindi pa nakikita pero balang araw, lahat ng taong ito ay gagawa ng pangalan sa larangan ng pagsusulat. Ang pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador ay 'yung kailangan mo ng 'time management' dahil maliban sa pagiging Wattpad Ambassador isa rin akong full-time office worker, online writer, currently attending online courses and seminars. Gayunpaman, kahit pagod masaya pa rin ako sa ginagawa ko.
5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
Kagaya ng sinabi ko kanina, kailangan ng 'time management' dapat alam mo sa sarili mo na ang oras mo ay mahalaga dahil marami ka pang dapat gawin. Sinisiguro ko rin na lagi pa rin akong mayroong oras para sa aking sarili at sa mga taong nasa paligid ko.
6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador?
To be honest, ang dami kong natutunan sa pagiging Wattpad Ambassador. Malayo man kami sa isa't isa pero nagagampanan namin ang tasks ng bawat isa. Doon ko nakita ang kahalagahan ng 'teamwork' at 'pakikisama'. Teamwork sa paraan na mas maraming utak ang nagbibigay ng idea mas nagiging maganda ang kakalabasan neto. Pakikisama sa paraan na magkakaiba kami ng kultura, ugali at paniniwala pero lagi naming nirerespeto ang opinion ng bawat isa. Kung may nagawa mang pagkakamali ang isa sa amin, we never blame him/her otherwise we help each other find solutions. We treat each other as a family. Para sa akin magiging successful ang isang team kung mayroong teamwork at pakikisama.
BINABASA MO ANG
Community Newsletter (2022)
No FicciónMonthly Ambassador curated newsletter featuring community based interviews, activities, articles and more!