Kabanata 7

327K 6.9K 857
                                    

Kabanata 7

Shattered

"DARKS or Lights?"

"Huh?" Nalilito akong tumingin kay Ashley na malapit sa Top Shelf Liquor ng bar. She was there to assist the bartender.

Nakilala ko si Ashley kanina nang pumasok ako sa trabaho ko rito sa club bilang isang waitress. She was a waitress. Pero nang nagtagal ay ini-assign siya ni Ruru rito sa lagayan ng mga mamahaling inumin.

"Lisa! Hindi ka ba nakinig sa paliwanag ko kanina?" Iwinagayway niya pa sa harap ng mukha ko ang hawak niyang kulay itim na parang basahan. "Top Shelf Liquor can be divided into two! Darks and Lights. The Darks are Scotch, Brandy and Whiskey while the Lights are Gin, Tequila and Vodka," she explained again.

I nodded. Upang mas mapadali ang usapan at sobrang lakas din ng pagkakasabi niya no'n, halos hindi kami magkarinigan dito dahil sa ingay na nagmumula sa malalaking speaker sa paligid at ang mga taong gumigiling sa dance floor.

She was the only person who called me Lisa. Kasi ang sabi niya parang sobrang common naman kapag tatawagin niya akong Cali. Parang lalaki naman daw pakinggan ang Cal. Ayaw niya rin sa Lis dahil sobrang ikli at mas lalong hindi niya raw gusto ang Lista dahil parang listahan lang daw ng mga utang.

Lisa then.

We were both wearing the same clothes. 'Yong sobrang skintight na damit na parang uniform na naming mga waitress dito sa bar.

Ashley was kinda cute. Hindi naman siya pandak pero mas matangkad ako sa kaniya ng ilang inches. She has this cute shape of face. Bagay na bagay sa maiksi niyang buhok.

Same as the other night that I worked here. The popular millionaires and billionaires, but mostly their sons or daughters were here to have fun. The club was active and never been boring for them but for me? It was boring like I was living in a very isolated lost island where I could not be with my baby.

Much as I said. Lazarus Cavanaugh broke the record of the youngest Chief Executive Officer throughout the world.

Madalas kasi sa mga CEO ay may edad na, forty above. Matatanda na. But Lazarus made himself as an exception.

Inayos ko muna ang problema ko sa paraan ng pagkukuha ng mga inumin nila. Noong una naman akong nagtrabaho rito ay ayos lang naman bakit ngayon ay parang nahihirapan na ako?

I was not used to this work anyway but I would do it just for the sake of my son.

Too obvious to even say but I left from Lazarus' opulent condo unit, of course, bringing my son with me.

Binilin ko muna kay Irithel ang anak ko since nando'n naman ang pamangkin niyang lalaki na magkasing-edad lang ni Zon. My son was not an introvert. Nakikipaglaro rin siya sa ibang bata pero mapili nga lang siya pagdating sa mga kalaro niya. I explained to Irithel everything about Lazarus' matter. Simula noong hinatid niya si Zon sa condo ni Lazarus, malamang ay magtataka siya kung ano talaga ang mga nangyayari.

Nag-aayos ako ng isang bucket ng bote na ipinatong ko sa dala kong tray dito sa bar side nang mas lumapit sa akin si Ashley na parang may ibubulong siyang sekreto.

"Look at those group of hotties over there, Lisa. They're somehow looking at our direction," she giggled in front of me and leaned herself on the bar counter. She placed her elbows on top of the counter and cupped her face with her own two palms.

I frowned, ignoring the excitement from her falsetto voice.

Nandito ako upang magtrabaho at hindi para lumandi.

Nang natapos ako sa pag-aayos ay diretso kong tinignan si Ashley na ngayon ay nakatingin sa gilid, sa may likuran ko.

Ang singkit niyang mga mata ay kumikislap nang dahil sa mga gumagalaw na iba't ibang kulay ng ilaw dito. Medyo nakanguso rin ang manipis niyang kulay pulang mga labi. She looked like a Chinese woman. Dahil sa kutis niya na sobrang puti.

The Billionaire's Hidden Son (Cavanaugh #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon