Kabanata 29

300K 7.6K 4.3K
                                    

Mature Content Warning. This chapter may contain content of an adult nature. If you are easily offended and too sensitive or are under the age of eighteen, leave the chapter immediately, or just ignore and skip some scenes. Some words within are intended for adults only and may include scenes of sexual content, strong languages, violence etc. that aren't suitable for young readers.

Kabanata 29

Rough

NANG nakarating na kami sa Compostela Valley ay isang sports car ang naghihintay sa amin.

I did not know who was driving since Lazarus just got us in the backseat of the car, and he sat on the front seat beside the driver. The driver helped Lazarus' put the two suitcases behind the car. Mukhang isang lalaking nagsisilbi sa kanilang hacienda siguro 'yong nagmamaneho.

Ilang minuto ang lumipas simula no'ng pinatakbo na no'ng driver itong sports car. May iilang daan kaming nadaanan na hindi sementado ngunit sa pagliko nito ay sementado na 'yong daan.

Karamihan sa mga nakikita ko rito ay mga puno at may mga bundok din ngunit malayo mula rito sa maluwag na kalsada.

The farther we go, the farther distance I saw from each houses here. Ang layo ng distansya ng ibang kabahayan dito. May iilan na gawa lang sa kahoy at simpleng tahanan lang pero may iilan din akong nakitang malaking bahay.

"Look, Momma! Cow po! Cow!" Amazement was painted on my son's cute face whilst looking outside and pointed the white cow from afar.

Nakaluhod si Zon sa upuan ng kotse habang bahagyang nakalabas ang ulo nito sa nakabukas na bintana ng sasakyan. Maaliwalas ang paligid at mainit kaya medyo maabo 'yong daan mula sa masyadong natuyo na lupa sa tabi ng kalsada.

"Zon baby, sit properly, anak." Hinawakan ko sa likuran si Zon dahil baka ay mapano pa siya sa kakatanaw sa bintana ng kotse. "Cover your nose or just close the window."

"Opo, Momma." Masunusrin niyang sinara paitaas ang bintana ng sasakyan at umupo sa tabi ko saka bumaling sa kaniyang ama na nakaupo sa front seat. "Daddy, are we there yet?"

"Not yet, son," sagot ni Lazarus sabay sulyap sa rearview mirror upang makita kami ni Zon dito sa backseat.

Our eyes met and we stared at each other through the rearview mirror for how many seconds. Parang walang isa sa amin ang nagbabalak na umiwas ng tingin.

"Daddy, may goat at horse po ba doon?" tanong ng inosenteng boses ng anak ko.

"Yes, Luzon," Lazarus replied but his dark eyes in the rearview mirror remained staring at me. "The farm was located near the hacienda."

'Yong paraan ng pagtitig sa akin ni Lazarus ay parang may ibang nangangahulugan. Parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya masabi ngayon.

"Hindi po ba tayo pupunta sa beach, Daddy?" Luzon's demanding voice was so excited and too active. Parang ang dami niyang gustong puntahan kasi noon ay lagi na lang kaming pumupunta sa mall, sa bahay nila Irithel, gym o 'di kaya'y mananatili lang sa bahay namin. This time, my son was savouring the moment of his adventures. "Ayaw ko po mag-swimming sa pool ulit. Sa beach na lang po tayo, Daddy, please po?"

Gusto kong suntukin si Laki at Ruin. Nang dahil sa ginawa nila ay parang natatakot nang maligo ng pool si Luzon.

"No, there's no beach here, Zon," sabi ni Lazarus kasabay ang paghinto ng sasakyan. "But we can go to the falls if your Momma would permit us."

Naputol lang ang pagtitigan namin ni Lazarus nang tumingin ako sa labas. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami nang dahil sa pagtitigan namin ni Lazarus sa rearview mirror.

The Billionaire's Hidden Son (Cavanaugh #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon