Kabanata 38

245K 5.9K 1.8K
                                    

Kabanata 38

Suicide

ISANG buwan na ang nakalipas simula noong nangyari 'yong pag-alis namin ng anak ko.

Aunt Lauren helped me. Gusto niya lang daw bumawi sa Mom ko dahil noong panahong kailangan siya ni Mom ay hindi niya ito nagawang tulungan. Ang sabi niya ay natakot siyang tulungan si Mom dahil ayaw niyang sumuway sa mga utos ng mga magulang nila. My grandparents.

Noong nakarating kami sa Manila ay agad na akong nagdesisyon na mangibang bansa. Not ni Canada, my parents did not know a thing that I met Aunt Lauren, and she was helping me out of my problems.

I was wondering why Saul did that last month. He was my cousin and also Daumier. Silang dalawa lang ang pinsan ko sa mga Cavanaugh dahil anak sila ni Aunt Lauren. Thee rest was not related to me.

Singapore. Aunt Lauren suggested it first, so I agreed. It was not that bad after all. She paid all the expenses, the house and everything that I needed to survive here. She would visit me here after every two weeks.

I was almost two months pregnant, I did not have a baby bump yet. Normally, between three or four months, the baby bump would start to grow.

May kasama ako rito. A friend to guide me. Actually, she was Aunt Lauren's trusted maid. Pero mas itinuring ko siyang kaibigan kaysa katulong. Kapag nakabalik na kami ulit ay babalik din naman siya sa dating trabaho niya sa mansion ng mga Fortaleza.

I took a very deep breath, and tried to convince my baby again to eat his favourite fried chicken.

"Zon baby, eat ka na, please? 'Di ba favorite mo 'to? Luto 'yan ni Ate Ixze," pangungumbinsi ko at hinawakan ko pa ang maliit niyang baba upang subuan.

Bumagsak ang mga balikat ko nang iniwas ng anak ko ang kaniyang mukha sa fried chicken na sinubukan kong isuno sa kaniya. He folded his little arms on the table and leaned his head on it, like he was pretending that he was sleepy and he wanted to sleep.

Isang buwan nang ganito ang eksena namin ni Zon. I was not going to be mad of my son. He just wanted to be with his daddy. Isang buwan na lang at sixth birthday niya na.

"Baby, you have to eat. What do you want, hm? Do you want more toys? Spiderman? We'll buy it, basta eat na muna tayo, okay?" malambing kong sabi sa kaniya. I patted his little hand. Pero iniwas niya lang ito sa akin.

Pakiramdam ko ay lumalayo ang loob ng anak ko sa akin. Ang sakit lang na ganito na siya, noong hindi pa naman niya nakikita si Lazarus ay hindi naman siya snob sa akin.

"M-Momma, I don't want toys po. I don't want Spiderman anymore. . ." he mumbled sadly and hid his cute snobbish face on his folded arms. "Daddy is my real Spiderman. I want Daddy. . ."

I let out an exasperated sigh.

Noong unang linggo namin dito ay lagi na lang siyang umiiyak. Tantrums, and he was whining about his daddy to come here.

Ayaw niya na rin sa fried chicken nang dahil sa sinabi sa kaniya ni Law. Law tricked him that time. Kakain daw sila ng fried chicken sa labas kaya sumama ang anak ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang litratong lagi niyang itinatabi sa pagtulog. 'Yon din ang litrato ni Lazarus na ipinakita niya sa akin noong sinusundan niya sa bangko si Lazarus. Hinayaan ko na lang.

"I-I know po na daddy will find us. Hindi na ako magka-cry. Hintay ko na lang si Daddy ko." Ang paraan ng pagkakasabi ng anak ko ay parang ang tanda niya na at ang dami niyang alam sa buhay.

Laki and Domino influenced him. Naiinis ako sa dalawang 'yon.

Lilipas din naman 'to. Eleven months na lang at sa pagbalik namin ay three months old na ang bagong baby ko.

The Billionaire's Hidden Son (Cavanaugh #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon