Espesyal na Kabanata

364K 8.2K 4.4K
                                    

Rewritten. 2023.

Mature Content Warning. Special Chapter may contain content of an adult nature. If you are easily offended or are under the age of 18, just ignore and skip some scenes. Some words within are intended for adults only and may include scenes of sexual content, violence etc.

Espesyal na Kabanata

Claimed

"LAZARUS, son. I can see the potential in you. Business is business."

I was in his study. Nakatayo ako sa harap ng study table niya habang nakaupo siya sa kanyang upuan at may suot na reading glasses. Reading some files and reports.

Hindi nakakatuwa ang lumalabas sa tabas ng dila niya. Sa palagay ko ay may balak pa siyang kontrolin ang magiging kinabukasan ko.

Wala akong pangarap. Hindi ko alam kung anong kukunin kong kurso sa kolehiyo.

"Dad, bakit hindi nalang si Laki? O Kuya Law, he's the eldest. Siya dapat ang susunod na magpapatakbo ng kompanya," puno ng pekeng respeto ang boses ko. Pilit na nirerespeto siya.

Alam kong walang interesado kahit isa sa aming magkakapatid na patakbuhin ang family business namin.

Money could f*ck our lives up.

"Laki don't take business seriously and Law wants to proceed law after graduating a four year course in college," dahilan niya. Mas lalong tinutulak at pinipilit akong sundin ang kanyang yapak.

"How about Kry?"

"She's too young. . . and stubborn," Bahagya siyang umiling habang patuloy na nagbabasa ng reports.

"Fine."

Wala pa nga'ng isang segundo nang sinabi ko 'yon ay umangat ang kanyang tingin sa akin at ibinaba ang hawak niyang folders.

"I've filed all the application for you to transfer." May kinuha pa siyang isa pang folders at inalapag sa desk bago tinulak palapit sa dulo nito upang makita ko ang nilalaman no'n. "And also, I have rented a dorm but you can use the condo if you want to. Pareho naman silang malapit lang sa university na lilipatan mo."

"When?" tiim bagang tanong ko pero hindi ko ito pinapahalata sa kanya.

"You can pack your things now."

Ayaw ko. F*ck. Ayaw ko, ayaw kong lumipat ng ibang paaralan pero huli na dahil pumayag na ako nang hindi man lang pumasok sa isip ko si Francesca.

Pumasok lang sa isip ko ang babaeng mahal ko nang napag-isa na ako sa sariling silid dito sa mansion. Isang linggo na rin akong nandito at ito lang pala ang pakay ng ama ko sa akin.

I wanted to go back to Mom's house.

Mabuti na lang at nakapag-usap kami ng maayos ni Francesca tungkol sa paglipat ko ng school. Buti nga't naintindihan niya ako.

"Bruh, tignan mo nga, mukhang grade 7 'no? Grade 10 na siya, medyo kulang sa height pero ang cute niya. Nakita ko na siyang pumasok sa P.E. nila, timing na swimming 'yong activity nila kaya sumilip ako sa pool. Tanungin mo ako kung ano'ng nakita ko." Narinig kong sabi ni Kyle na katabi lang ni Domino. May pinapakita siya sa kanyang cellphone. Isang litrato yata. Agad na nagsiksikan ang mga g*go upang makita 'yon.

Nasa cafeteria kami, nakapalibot sa isang mesa. Pero hindi na ako nakisali sa pinag-uusapan nila dahil alam ko namang babae na naman 'yan.

"Ano?"

"T*ngina, ang ganda ng katawan niya. Alam mo 'yon? Ang sarap himasin ng pwet—"

"G*go, mga b*bo. Ba't nag-aagawan pa kayo ng cellphone? Ayun 'yong pinag-uusapan niyo," turo ni Domino sa labas ng cafeteria. "Mga siraulo kayong mga dipunggol kayo. Junior high ang trip niyo?"

The Billionaire's Hidden Son (Cavanaugh #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon